THE LOUD sound of her favorite song, As It Was by Harry Styles, reverberated around the room as someone was calling Vivianne on the phone.
Suddenly, she forgot that she has a hobby of maximizing the volume of her ringtone, especially outside her house, so that when someone calls her, she could easily hear it.
At ang katangahang iyon din ang hindi inaasahan ni Vivianne na magpapahamak sa kan’ya ngayon.
‘s**t!’ mura ni Vivianne sa sarili bago nito pinatay ang tawag, pero hindi pa man niya nalalagay sa silent mode ang phone niya ay nag-ring na naman ito.
It was an unregistered number, and as much as she wanted to know who it was, she couldn’t answer the phone. Nasa trabaho siya, at mas lalo pang tumalim ang tingin sa kan’ya ng director doon sa photoshoot.
“S-Sorry,” paghingi niya ng pasensiya nang patayin niya ang phone.
Natataranta kasi siya kaya pinatay na lang niya ang phone bago ito ibinulsa. She just hoped that she would not receive an important call at this moment.
Unlike earlier, the deafening silence now filled the room. Nagtaka si Vivianne dahil ni isa sa mga staff ay hindi pa rin gumagalaw. Maging si Beckett ay nakakunot lang din ang noo habang nakatitig sa kan’ya.
‘Nagagandahan kaya sila sa akin kaya gan’yan sila kung makatingin?’ dagdag pang pagbibiro ni Vivianne sa sarili.
Pero kaagad na nawala iyon nang mapatingin siya sa katrabahong si Helen, ang make-up stylist ni Beckett, at sinenyasan siya sa pamamagitan ng pagpapadaan nito ng kamay sa harap ng kan’yang leeg.
‘Lagot ako?’ Napataas ang kilay niya nang mapagtanto na iyon ang mensaheng gustong sabihin ni Helen. ‘Bakit naman ako lagot?’
“Miss…” the director trailed off, and Vivianne realized that the man didn’t know her name.
“Uh, Vivianne po,” sagot naman niya bago lumawak ang ngiti nito. “Pasensiya na po ulit—”
“Akala mo ba ay sapat na ang salitang ‘sorry’ para sa katangahan mo? You. Ruined. Our. Shoot!” sigaw ng director, dahilan para mawala ang ngiti ni Vivianne kanina. “Gosh! Nakakaloka! Ang ganda mo nga, ang tanga-tanga mo naman!” dagdag pa nito bago ginamit ang kamay niya pangpaypay.
Hindi kaagad nakapagsalita si Vivianne dahil doon. She was frozen in her spot, and those harsh words pierced onto her chest, making it ache in pain.
Sa tinagal-tagal niyang nagtatrabaho bilang isang dress stylist ay ngayon lang siya nakakita ng ganitong kabastos na direktor.
And that director’s words triggered a memory inside her head.
“I should have a son, but your stupid mother gave you as my heir. Wala na akong magagawa roon, at wala na rin akong magagawa kung tanga ka,” naalala ni Vivianne na sinabi ng ama. “Kailangan mong mag-ensayo hanggang sa maging kasing-galing mo ako. Ipakita mo muna sa akin na may kuwenta kang anak para puwede ka nang pumalit sa posisyon ko.”
Vivianne’s breathing became ragged. Kasabay ng pagsulpot ng mga salitang iyon sa utak niya ay ang mga alaala kung saan matindi ang dinanas niyang hirap sa kamay ng sariling ama mismo.
“Hanggang diyan lang ba ang kaya mo?” ani Alfred, ang kan’yang ama, bago siya nito muling sinuntok sa sikmura. Halos mamilipit na siya sa sakit pero hindi ito tumigil sa pananakit sa kan’ya. “Tanga. Inutil. Walang silbi. Manang-mana ka talaga sa nanay mo.”
A sudden influx of pain wrapped her chest, causing her to breathe heavily as she went back to reality. Nang muling tingnan ni Vivianne ang paligid ay kaagad na nakuha ng baklang direktor ang atensiyon niya, dahil na rin sa pagkakakunot ng noo nito at pamumula ng kan’yang pisngi na para bang sasabog na ito sa galit ano mang oras.
“How disrescpectful are you? Sinasabihan kita, pero hindi ka nakikinig sa akin? Sino ka para tratuhin ako nang ganito—”
Hindi na natapos ng direktor ang litanya niya nang bigla na lang tumakbo palayo si Vivianne at lumabas ito ng studio. The sound of the door closing in force reverberated around the walls, making the director scream in anger as he felt humiliated, big time.
“Continue the shoot!” muling sigaw ni Director Valeria, dahilan para magsimula na ulit kumilos ang lahat ng staff. “Nakakaloka! Ang blood pressure ko!”
Everyone became busy again, except for one person—Beckett.
Mula nang tumunog ang phone ni Vivianne ay nagmasid lang ito at hindi nagsasalita. Nakay Vivianne ang atensiyon niya hanggang sa makaalis ito sa studio dahil may gusto siyang kumpirmahin.
Gusto niyang malaman kung lalaban ba ito, ngunit hindi. Tumakbo lang ito palayo.
Kabaliktaran ng inaasahan niyang magiging reaksyon niya sa ginawa ni Vivianne, ikinuyom niya ang mga kamao hanggang sa maramdaman niyang bumabaon na ang daliri sa balat nito..
As he saw how the pain registered into Vivianne's eyes at that time, he didn't like what he felt.
Beckett's eyes ignited fire… and he wanted to burn everyone around the room for hurting his girl… his mere dress stylist.
AFTER A LONG time but in actuality was a few minutes, Vivianne had found an empty room inside the Syneverse Entertainment.
The room was full of boxes, making Vivianne assume that it was a storage room. Doon muna siya nagtagal habang pilit niyang pinakakalma ang sarili.
She memorized Beckett's schedule already, at alam niyang matagal pa ang photoshoot doon sa isang theme bago tumalon sa susunod.
Vivianne was glad that she was able to run outside that studio in time. Natatakot kasi siya na baka kung ano ang magawa niya kung mananatili pa siya roon habang sinisigaw-sigawan ng direktor na para bang sobrang laki ng kasalanan niya.
All her colleagues are kind to her, at ganoon na rin ang iilang clients nila. Napairap na lang tuloy si Vivianne habang iniisip kung gaano kasama ang mga tao habang mas lumalaki ang ulo nila, at ang perang hawak nila.
Vivianne opened her phone, and only a few seconds later, her phone rang again. Tumatawag na naman 'yong unregistered number kanina kaya naman ay sinagot na niya iyon.
“Sino ba ‘to?” Halata ang inis sa boses ng babae.
“Vianne.”
Vivianne felt like a bucket full of ice poured on her body as soon as she heard a familiar, stern voice, that was calling her nickname.
“Stop acting like we’re close enough to call me by my nickname, papa,” Vivianne replied, her voice sarcastically speaking the last word.
Napairap si Vivianne habang nagtitimpi sa galit. Her father's voice was already enough to make her blood boil, and now, she wondered why he needed to call her this much.
Alfred Allamino is one of the most prominent businessmen in the Philippines. His main industry is ventures and start-ups, where investing in different start-up companies is one of their main agendas.
Sa ganoong paraan ay yumaman sila at naging tanyag ang pamilya ng mga Allamino sa Pilipinas. Sa bawat paglago ng mga kumpanya kung saan sila nag-invest ay siyang pagtaas din ng net worth nila.
Silence filled their conversation afterward. Nang tingnan ni Vivianne ang phone niya ay napakunot ang kan'yang noo. Ongoing pa rin ang tawag, pero hindi na nagsalita pa ulit ang ama.
“Bakit ka tumawag?” tanong ni Vivianne, binasag ang katahimikan sa silid.
“Come to the house,” sagot ni Alfred sa maawtoridad na tono. “I want to introduce you to some of my business partners.”
“Pipilitin mo na naman ba akong magpakasal sa lalaking hindi ko naman gusto?” May tono ng hinanakit sa boses ni Vivianne, kasabay ng pagkagat niya sa pang-ibabang labi. “Matagal na akong umalis sa bahay na ‘yan. Bakit ba pinapakialaman mo pa rin ako hanggang ngayon?”
“Your tone, Vivianne Allamino,” her father warned. His voice sent shivers down her spine. “Your mother misses you so much. Ayaw mo ba siyang makita?”
‘Demonyo.’
Napapikit si Vivianne bago bumigat ang kan'yang paghinga. Alfred really knew how to shut her up, and that was by using her mother who was being hostaged inside the Allamino Mansion.
Iyon ang dahilan kung bakit gustuhin man ni Vivianne ang magpakalayo nang husto ay hindi miya magawa.
“Thursday. Seven o’clock in the evening, sharp,” Alfred gave his daughter the details. “Pinapabantayan kita, at alam kong alam mo rin ‘yon. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko.”
Pagkatapos no'n ay pinatay na ni Alfred ang tawag. Mahigpit ang pagkakahawak ni Vivianne sa cellphone niya dahil sa takot na baka mabato niya ito sa inis. Unti-unti ring tumulo ang luha niya at hindi na niya ito napigilan.
Ramdam niya ang bilis ng t***k ng kan'yang puso, at ang pagpapawis din ng noo niya. She was too mad but she couldn't do anything about it.
Suddenly, she felt caged… Para lang siyang nasa isang malaking kulungan at nakakadena pa rin siya sa kamay ng tatay niya.
“No, Viv. Huwag mo munang masyadong isipin 'to… Nasa trabaho ka,” pagpapakalma niya sa sarili.
Nang maging maayos na ulit ang paghinga niya ay bumalik na siya roon sa studio. Baka kasi magpalit na ng theme at kailangan niyang tulungan si Beckett sa isusuot niyang damit.
Pero hindi niya inaasahan ang madadatnan nang makarating siya sa loob.
“Ano’ng nangyayari?” Napakunot ang noo ni Vivianne nang makitang nagliligpit na ang lahat, at si Beckett naman ay nakatingin sa salamin habang inaayos ang buhok niya.
Nilapitan ito ni Vivianne, at sakto naman ang pagtingin ni Beckett sa babae. Sa unang tingin ay kaagad na napansin ng lalaki na kagagaling lang ni Vivianne sa pag-iyak.
Hindi namalayan ni Beckett ang pag-igting ng kan'yang panga dahil doon, sa pag-aakalang dahil iyon kay Director Valeria.
“Let's go,” utos ni Beckett, pero hindi gumalaw si Vivianne sa kinatatayuan.
“Sabi rito sa schedule mo, may dalawa pang theme na kailangan mong i-shoot.” Itinuro ni Vivianne ang papel na ibinigay ni Beckett kanina. “Tapos ka na kaagad?”
“Are you dumb?” naiiritang tanong ni Beckett. Sa tono ng boses nito ay halatang nagpipigil lang ito na sumabog.
“Ha?” Napatingin si Vivianne sa paligid. “So, tapos na nga? Nagliligpit na, eh.”
Beckett massaged his forehead before he replied, “The shoot had been canceled.”
“Ha? Bakit—”
“Vivianne!”
Hindi na natapos ni Vivianne ang sasabihin nang bigla na lang lumapit sa kan’ya si Director Valeria, at may ginawa itong hindi niya inaasahan.