Chapter 9

913 Words
MY ENEMY, MY LOVER WRITTEN BY:ShanCai♥️ ‘Iho, I want to remind you what we have talked last time.’bungad sa kanya ng Lolo niya matapos niyang magmano dito. ‘Yes Grandpa. Should I invite her here?’ ‘Of course iho. Lunch is best time, I guess.’ ‘No problem Grandpa.’pagkasagot niya ay nagtuloy-tuloy na siya patungo sa kanyang silid. Dumiretso siya sa banyo upang maligo. Mabuti at naayos na ang problema niya kung hindi magtataka na naman ang Lolo niya kung bakit wala siyang maiharap na magsisilbing taga-monitor ng lahat ng activities niya sa university. Hindi man siya purong Pinoy, pinalaki naman siya ng kanyang ina sa kaugalian ng isang Pilipino. Kailangan niyang tawagan si Tiffany para sa special tradition na tinatawag ng Lolo niya. Kapag may taong napalapit na kasi sa pamilya nila, gusto nilang ibigay ng buo ang kanilang pagtitiwala ng sa ganoon ay maging tapat rin ang mga ito sa kanila. Iyon ang di nawawala sa mga kaugalin o tradisyon mang matatawag iyon. Nag-iisa siyang anak na lalaki kung kaya’t kinakailangan niyang masanay kung paano iyon mapapanatili sa kanilang pamilya. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi tanggapin ang katotohanan na siya ang susunod na successor ng Wang Family. Pagkatapos maligo ay lumabas na siya na banyo na nakasuot na bathrobe. Kinuha ang mobile phone at hinanap sa contacts niya ang pangalan ni Tyron. May kailangan siya na ito lang ang makakatulong sa kanya. ‘Hello Bro!’pasigaw itong sumagot dahil sa malakas na ingay sa paligid. ‘Tyron! Hello!’ ‘Bro! Pasensiya na medyo maingay dito. May kailangan ka ba?’narinig niyang may boses sa katabi nito. Di na siya magtataka dahil mahilig talaga magpunta ang kaibigan niya na pumunta sa lugar na iyon. ‘I need Tiffany’s mobile number. Can you send it to me?’ ‘Ha? Bakit? Don’t tell me tinamaan ka na kay little kitten?’tumawa pa ito. ‘What?!’pumalatak siya. Mukhang nakainom na si Tyron base sa tono ng boses nito. ‘It’s for the tradition day, you know.’ ‘Ah okay… Kala ko naman kung para saan. I’ll send it na lang. Okay bye, Bro.’anito at nawala na ito sa linya ngunit ilang segundo ang lumipas ay natanggap na niya ang hiling sa kaibigan. ********** ISANG MENSAHE na naman ang nagpabalikwas kay Tiffany. Pagkatapos kasi ng hapunan ay ka-chat niya na si Renz at kung hindi pa siya ang nagkusang magpaalam ay maaaring hanggang sa kalagitnaan ng gabi ay gising pa ito at nakikipagpalitan ng chat messages sa kanya. Laking gulat pa niya ng mabasa ang kabuuan ng mensahe. ‘Hi, this is Dion. Let’s meet before lunch tomorrow. My Grandpa would like to meet you as my progress checker. I’ll send you the address. Thanks and good night!’ ‘Okay, I’ll see you tomorrow.’ ********* Alas-nuebe pa lang ng umaga ay may sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay nila Tiffany. Iniluwa nito si Zack at si Tyron na wagas kung makangiting lumapit sa Lolo at Lola niya na abala sa pagdidilig ng halamang tanim malapit na maliit nilang gate. ‘Magandang umaga po! Kaibigan po kami ni Tiffany.’bati ni Tyron. ‘Ah, kaibigan kayo ng apo naming si Tiffany?’tanong ng Lolo niya. ‘Opo Lo,mgakaibigan kop o sila.’ ‘Ako po pala si Zack at si Tyron naman po ang kasama ko.’magalang nitong sabi sabay nagmano sa matatanda. ‘God bless you mga anak.’sabi ng Lola niya.’May kailangan ba kayo kay Tiffany?’ ‘Iimbitahan po sana namin siya pumunta sa bahay ng isa pa naming kaibigan. Nais po kasi siyang makilala ng Grandpa ni Dion.’paliwanag ni Zack. ‘Huwag po kayo mag-alala, ihahatid rin po namin siya mamaya.’singit naman ni Tyron. ‘Ah…Lolo, Lola yun po yung sinabi ko sa inyo kanina.’ ‘Sige basta ingatan niyo yang apo namin ha? Nag-iisang kayamanan namin iyan.’bilin ng matandang lalaki. ‘Opo.’sabay na sabi ng dalawa. ********** HALOS malula si Tifany sa laki ng bahay nila Dion. Pagkababa pa lang niya ay kusa silang nilapitan ng mga bantay sa gate at inalalayang makapasok sa loob. Ang mansiyon iyon ng maituturing ay napakalawak at maraming naka-park na iba’t ibang klase ng sasakyan. Hindi niya akalain na ganoon pala ang isang tahanan ng mayamang pamilya. Tiningnan niya ang buong paligid at naputol lamang ang kanyang pagmamasid ng magsalita si Tyron. ‘Tiffany, pasensiya ka na kung sinundo ka namin ng walang abiso. Napag-utusan lang kami ni Dion.’ ‘Paano niyo pala nalaman kung saan ako nakatira?' ‘Ah…Tinanong ko kay Professor Cindy.’maagap na sagot ni Tyron. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. Lumabas ang isang naka-unipormeng babae. Isa ito sa nagsisilbi sa pamilyang Wang. Magalang itong bumati sa kanila at sinamahan sila kung saan naghihintay si Dion at ang Grandpa nito. Lahat ng madaanan nila ay puno ng mamahaling gamit. Sobrang malinis at makintab ang ang paligid. Talaga ngang hindi basta-basta ang kinabibilangang pamilya ng lalaking mayabang na iyon! Sana lang hindi siya kainin ng buhay ng Lolo nito! Bigla siyang ninerbiyos sa takot kung ano ang posibleng mangyari kapag nakaharap na niya ang mga ito. Napansin yata ng dalawa ang pagbagal ng kanyang paglalakad dahil sabay na nilingon siya ng mga ito. ‘May problema ba Tiffany?’tanong ni Zack. ‘Wala… Wala naman. Medyo sumakit lang yung paa ko.’ ‘Kailangan niyo po bang magpabuhat o aalalay sa inyo?’tanong ng babaeng naka-uniporme. ‘Naku! Hindi na po. Kakayanin ko naman po.’ ********** Hala ka Tiffany! Meet your Grandpa na este Dion's Grandpa ? Good luck sa next chapter ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD