Chapter 8

696 Words
MY ENEMY, MY LOVER WRITTEN BY:ShanCai♥️ MALAKING PALAISIPAN kay Tiffany na makitang magpakumbaba ang lalaking kinaayawan niya sa lahat. Ang nais niya na makapagpaalam ay nauwi sa isyu nilang dalawa ni Dion. Wala siyang naging tugon ng humingi ito ng sorry. Basta bigla na lang siyang umalis at naglakad palabas ng admin office. Sinagot niya ang tawag sa mobile phone. ‘Hello?’aniya. ‘Tiffany si Renz to!’ ‘Paano mo nakuha ang number ko?’ ‘Sa messenger lang ako tumawag sayo kasi wala naman akong mobile number mo.’anito. ‘Ah, sorry di ko napansin.’ ‘Nasa labas na ako ng gate. Hintayin na lang kita dito.’ ‘Okay.’isinilid muna niya ang phone na ginamit sa bulsa bago nagsimulang maglakad. ‘Tiffany!’narinig niyang tawag sa kanya. Agad naman siyang lumingon. ‘Bakit?’ ‘Ako nga pala si Zack, Dion’s friend. Can I have a talk with you?’napansin niyang lumabas ang malalim nitong dimple ng ngumiti ito sa kanya. ‘Sige. ‘Iginiya siya nitong maupo. ‘It’s about Dion. Alam ko medyo nakakapanibago pero first time niyang humingi ng sorry. Hindi pa niya ito nagagawa kahit kanino.’ ‘Ha?’ ‘Siguro naman aware ka sa tinatawag na Wang Family. Their family is very known all over the world. Marami ang nagsasabi na malupit ang pamilya nila pero mataas ang pagpapahalaga nila sa tiwalang ibinibigay nila sa isang tao. Medyo na spoiled si Dion dahil siya ang kaisa-isang anak na lalaki nila Tito Joseph at Tita Sabrina. Kaya sana mapagbigyan mo pa rin siya ng pagkakataon na maging progress checker niya.’ ‘May choice pa ba ako?’lumabi siya.’Tiyak na magagalit si Professor Cindy kapag nagback-out ako at isa pa magkakaroon pa ito ng negative impact sa scholarship status ko.’ ‘So, itutuloy mo pa rin?’nakangiti itong tumingin sa kanya. ‘Itutuloy ko na. Salamat sa mga sinabi mo.’ ‘Walang anuman. Friends?’inilahad ng lalaki ang isang kamay nito. ‘Friends.’tugon niya. ********** ‘ANONG nangyari kay Tiffany?’nagtatakang tanong ni Tyron. Nakakunot ang noo ni Dion habang hindi ihinihiwalay ang tingin sa papalabas na babae. Si Zack naman ay kausap ang waiter. ‘Bakit parang ang bait-bait niya yata?’ ‘Baka naman umaarte lang?’nakataas ang kilay ni Dion. ‘Bros, mabait naman talaga si Tiffany. So Dion, sana maging maayos ang coordination. Don’t make her mad again.’ani ni Zack. ‘Okay,okay!’ ‘Nakuha ko na ang personal details niya.’excited na sabi ni Tyron. ‘Huwag mong sabihin na nagugustuhan mo yung maliit na iyon?’pairap na tanong ni Dion. ‘No Bro, dapat nga magpasalamat ka pa sakin. Malay mo makatulong sayo tutal madalas mo siyang makakasama starting next week.’ Biglang hinablot ni Zack ang mobile phone ni Tyron at tiningnan ang file na kakadownload pa lang. ‘Iba ka talaga Tyron! Ang bilis mo!’ ‘It’s my forte kaya hindi niyo pa man sabihin, alam ko na ang gagawin.’ ‘Well, matalino siya kaya nasa list of scholars siya at galing siya ng Pillar of Knowledge High School. Nag-aral ka rin doon di ba Dion?’ ‘Yeah pero isang taon lang yun.’ ‘Marami siyang awards na natanggap so that means magaling talaga siya.’pagsang-ayon ni Zack.‘Swerte mo Dion.’ ‘Hindi ba dapat mong sabihin na swerte siya sakin?’ ‘Oo nga. Swerte siya sayo.’sabay-sabay nagtawanan silang tatlo. ********** NAKATAYO si Renz sa labas ng gate habang hinihintay si Tiffany. Kumaway pa ito sa kanya ng mamataan siyang naglalakad palapit sa lalaki. Baka sang kasiyahan sa mga ngiti nito ang makita siya. ‘Hi Tiffany!’masigla nitong bati sa kanya. ‘Hello Renz!’ngumiti siya. ‘Kumusta?’ ‘Okay lang. Bakit ka nga pala pumunta ngayon? Next week pa ang pasok ah!’ ‘Ah…Kinausap ko lang si Professor Cindy.’ ‘Wow! May kakilala ka agad na professor dito?manghang tanong ng lalaki. ‘About kasi yun sa scholarship.’ ‘Scholar ka?’ ‘Oo eh.’ ‘Wow! Congrats! Ang galing mo pa rin talaga!’ ‘Thank you.’ ‘Tara kwek-kwek tayo! Sagot ko.’ ‘Sige. Na-miss ko na rin kumain nun.’ Sa di-kalayuan ay may mga matang palihim na nagmamasid sa dalawa na masayang nagkukwentuhan. ********** Yun na nga Kasi Tiffany ibang klase ka Rin Kasi puro ang popogi mga nagiging friends mo. Ikaw ah, haba ng hair mo ? P.S. Sorry late update, maya-maya Po Yung kasunod na chapter ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD