Chapter 10

911 Words
MY ENEMY, MY LOVER WRITTEN BY: ShanCai♥️ SA ISANG MALAKING hapag-kainan nakaupo ang naghihintay na si Dion at katabi nito ang Grandpa niyang malayo pa lang niyang natatanaw ay lubos na nakangiti sa kanila. Medyo nawala ang kabang nararamdaman niya. Maagap na bumati sila Zack at Tyron. ‘Hello Grandpa!’ ‘Kumusta mga iho? Kayo ba ang nagsundo sa ating bisita?’tanong ng matanda na nakangiti pa rin. ‘Opo. Medyo tinanghali po kasi ng gising si Dion. Papunta na rin lang kami dito kaya dinaanan na lang namin si Tiffany.’bumaling sa kanya ang tingin ng matanda. ‘Magandang araw po Sir.’aniya na di pinapahalata ang kabang nararamdaman. ‘Tiffany,right?’ ‘Opo.’tugon niya. ‘Grandpa na lang ang itawag mo sa akin. Tutal, hindi naman nalalayo ang edad mo sa apo kong si Dion at sa mga kaibigan niya.’tumango siya agad. ‘Maupo ka.’ Akma niyang hahawakan na ang isang upuan ngunit to the rescue na si Zack para alalayan siya. ‘Salamat.’ Tinawag ng matanda ang isa sa lalaking naka-uniporme na nakatayo sa gilid ng dining table na iyon at inutos na ihanda na ang mesa. Mabilis naman itong sumunod. ‘Balita ko ay consistent honor student ka Tiffany?’napalingon sa kanya ang lahat ng muling magtanong ang matanda. ‘Ah…Opo. Gusto ko po kasi maging proud sakin ang mga Lolo at Lola ko.’saglit siyang ngumiti sa mga ito. ‘How about your parents iha?’ ‘Wala na po sila.’ ‘What do you mean wala na sila?’curious na tanong ni Tyron. ‘Nasa kabilang buhay na po sila.’pinilit niyang iiwas ang tingin sa mga ito sa takot na maiyak siya. Sa tuwing pag-uusapan kasi ang kanyang mga magulang ay hindi niya mapigilang maging emosyonal. ‘I’m sorry to hear that iha. ‘ ‘Okay lang po.’ ‘Nandiyan na pala ang pagkain. Let’s eat first.’yakag ng matanda. ********** WALANG KIBO si Dion habang kumakain samantalang asikasong-asikaso naman ni Zack si Tiffany. Abala naman sa pag-uusap si Tyron at ang Grandpa niya. Mabuti na lang wala ang kanyang magulang dahil mas mausisa pa ang mga ito kaysa sa Lolo niya. Hindi niya ugaling makisali sa mga usapan lalo pa at usaping tradisyon pero nagiging attentive siya kapag nagsasalita na si Tiffany. Magalang itong sumasagot sa lahat ng tanong sa kanya at hindi nawawala ang simpleng pagngiti nito na bumagay sa maliit nitong mukha. Mataman niya itong tinitigan na parang may nais siyang siguruduhing makita. Ngunit bigla siyang natigilan ng magsalitang muli ang kanyang Grandpa. ‘Well Tiffany, I’m sure na nasabi na sayo ni Dion kung bakit ka nandito. It’s our tradition to welcome new associates in our family. Maituturing ka ng parang pamilya na rin namin once na tinanggap mo ang offer namin to be the progress checker ng aking apo. Nais lang namin masiguro na nasa ayos ang lahat ng dapat gawin ni Dion sa university. Magiging busy siya sa mga maraming bagay at gusto namin na magagawa niya ang lahat ng tama. We can help you in anyway, I can assure you of that; as long as you perform your duties well.’ ‘I’ll do my best po Grandpa. Sa tingin ko naman po ay makikipagcooperate sakin ng maayos ang inyong apo.’sabi ng dalaga at tumingin sa kanya. ‘What do you think apo?’ ‘Yes, sure. ‘tipid niyang sagot. ‘So it’s settled then. Thank you Tiffany at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon.’bakas sa mukha ng matanda ang kasiyahan sa mukha. ‘Wala pong anuman.’tugon ng dalaga at ipinagpatuloy na ang pagkain. Kung tutuusin pwedeng-pwede niyang i-reject si Tiffany dahil alam niya na sa una pa lamang ay magkakaproblema silang dalawa. Paano kapag nangyari ulit na gawin nito sa kanya ang pagsampal at ang masakit na karanasan niya sa gitanang bahagi ng katawan? Naku, hindi niya na hahayaan ito. Pakiramdam niya kahit na ganoon ang dalaga ay mapagkakatiwalaan ito sa maraming bagay lalo pa at ito na lang pala ang inaasahan ng kanyang mga Lolo at Lola. Nahabag rin siya ng dito ng malaman na hindi man lang nasilayan ang mga magulang na nagluwal sa kanya sa mundo. Sa kabilang banda, nakaka-proud ito sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. ‘Dion please discuss your important schedules to Tiffany. Hihintayin namin kayo sa garden upang mag-tsaa.’bilin ng matanda at inaya sila Tyron at Zack na magtungo na doon. Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. Inabot sa kanya ng isa san aka-uniporme ang isang papel. ‘Here is the list of my important schedules. Make sure na walang magiging conflict sa sched ko sa university.’kinuha ni Tiffany mula sa kanya ang papel. ‘Ang dami mo palang events na kailangan daluhan.’namamangha nitong sabi. ‘Yeah kaya kailangan ko ng isang tulad mo.’ngumiti sya. ‘Ha?’ ‘I…mean that’s the reason why I need a progress checker.’napainom siya ng tubig ng wala sa oras. ‘Ah… Well, I hope I can help you well. Please tell me kung ano-ano ang mga dapat kong isaalang-alang.’ ‘I will definitely give you a heads up for any changes.’ ‘Thank you. Oo nga pala, pakisabi na lang kay Grandpa na kailangan ko ng umalis. Hindi na rin ako magpapahatid sa mga kaibigan mo.’ ‘Why? Is there something wrong?' ‘Wala naman. Dadaan lang ako sa pharmacy, bibili ako ng gamot at vitamins nila Lola.’ ‘Okay.’ ‘Sige. Maraming salamat ulit.’pagkasabi ay umalis na ito. ********* Feeling ko ang gaan sa feeling na walang nangyaring bangayan ? Simula pa Lang Yan. Stay tune! ☺️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD