Chapter 7

1093 Words
MY ENEMY, MY LOVER WRITTEN BY:ShanCai♥️ Sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo. Nahihiya naman na tumingin sa kanya si Dion. Naabutan niyang kinakausap ng mga ito si Professor Cindy. Hindi niya maintindihan kung bakit naroon ang mga iyon gayong next week pa ang simula ng klase. ‘Tiffany, mabuti at narito ka. May kailangan sila sayo.’nakangiti sa kanya ang guro. Tinitigan niya ang mga ito. Siniko ng isang lalaki si Dion, ang napakayabang na nakilala niya sa buong buhay niya! ‘Dion may sasabihin ka kay Tiffany di ba?’baling ng atensyon ni Zack kay Dion. ‘Prof. Cindy, hindi ko po alam ang kung ano yung sasabihin nila pero kayo po talaga ang ipinunta ko.’aniya na hindi pinapansin ang mga lalaki sa harapan niya. ‘Ano yan Ms. Buendia?' ‘Magpapaalam po sana ako sa inyo na hindi ko na po tatanggapin ang offer ninyong part-time na trabaho. Sa tingin kop o hindi magiging maayos ang coordination namin ni Mr. Wang.’dire-diretso niyang sabi. ‘May naging problema sa pagitan ninyong dalawa na hindi ko alam?’nagtatakang tanong ng guro. ‘Kasi po…’inawat siya ni Dion sa sasabihin. ‘Kasi po Professor may nagawa akong kasalanan.’ ‘Kasalanan? Magkakilala na ba kayo dati at hindi pa man nagsisimula ang klase ay may nangyari na sa pagitan ninyo?’ ‘Prof., pasensiya na po pero hindi ko po matatagalan na makasama sa kahit na anong gawain ang isang napakayabang na katulad niya. Kung mayroon po sanang iba, doon na lang po ako kung pwede.’ ‘Bakit sa tingin mo ba gusto ko rin na ikaw ang maging partner ko sa lahat ng progress ko dito? Sino ba ang unang nakabangga sa ating dalawa?’galit na sabi ng lalaki. Napapailing ang dalawa nitong kasama. ‘Hindi ko naman iyon sinasadya ah pero kung makapagsalita ka parang pag-aari mo ang lahat ng nandito.’ ‘ Ano’ng sabi mo?!’nanggigil na sigaw nito. ‘Sayang pogi k asana kaya lang bukod sa mayabang ka na, bingi ka pa!’malakas niyang tugon at mabilis nitong hinawakan ang damit niya. ‘Baka nakakalimutan ninyong kasama niyo ako dito, Dion at Tiffany?’sabi ni Professor Cindy na agad nagpababa ng tension sa dalawa. ‘Anuman ang nangyari na personal sa inyong dalawa ay walang kinalaman ang university. Pero kung pipilitin niyo pa rin na ipagpatuloy ang bangayan ninyong iyan, pareho kayong magkakaroon ng demerit dahil sa mga attitudes na ipinapakita niyo.’ ‘Pero Professor Cindy…’aniya. ‘Tiffany, tinanggap mo na ang offer sayo kung kaya’t inaasahan namin na gagawin mo ang nararapat upang maging maayos ang lahat. Isa pa, ni-require na ito sa lahat ng mga scholars ng Asian University.’bumaling ang tingin nito kay Dion. ‘Dion, huwag na sanang maulit ang pangyayaring ito. Malaki ang impact ito sa inyong pamilya.’ ‘I’m sorry Prof.’anito. ‘Bakit hindi niyo sabihin sa harap ni Tiffany ang pakay niyo?’ Nagkatinginang muli ang tatlo. Bahagyang lumapit sa kanya si Dion na nakayuko. ‘I’m sorry Tiffany sa nagawa ko noong isang araw.’sabi nito. Nakita niyang ngumiti ang dalawa nitong kasama. ********** NAKAUPO sila Dion at Tyron sa isang coffee shop malapit sa university. Umorder muna ang dalawa ng tig-isang cappuccino habang hinihintay si Zack na may dinaanan pa. Tinititigan siya ng kaibigan habang paulit-ulit na hinahalo ang inorder na kape. ‘Bakit ganyan ang itsura mo?’tanong ni Tyron. Magkasalubong ang mga kilay niya na nakatuon sa harap ng kape. Pwersado iyon na parang doon niya ibinubuhos ang inis na nararamdaman. ‘Nag-sorry na ako di ba? Bakit wala man lang siyang sinabi?’tiningnan niya saglit ang kaibigan at ibinalik ang atensyon sa kapeng hinahalo. ‘C’mon Bro, alam mo naman na may galit sayo di ba? Huwag ka masyadong nagmamadali.’ ‘Ang sabihin mo hindi lang iyon ang gusto niyang gawin ko.’ ‘What do you mean?’tanong ni Tyron. ‘Baka gusto pa niyang bigyan ko siya ng bulaklak.’umiling-iling siya. ‘Bulaklak? Bakit mo naman naisip yan?’nasa mukha ng kaibigan ang pagtataka. ‘Ano pa nga ba ang gusto ng mga babae?’malakas na tumawa naman ang kasama. ‘Ewan ko sayo Dion. Marami ka pa talagang hindi alam.’patuloy pa rin itong tumatawa ng malakas. Binalewala niya ang sinabi ni Tyron at saka uminom ng kape. Naguguluhan siya sa sinabi nito. Paanong ang isang tulad niya ay tinanggihan ng isang babae? Halos magkandarapa ang mga ito kapag nakikita siya lalo pa kapag nalaman nilang Wang ang apelyido niya. Napakahirap basahin ang tinatakbo ng isip ng Tiffany na iyon. Hindi naman kagandahan. Well, cute siya. Pero hindi ‘yun ang point. Ang point is nakakainis ang maliit na babaeng iyon dahil hindi man nagawang tumugon pagkatapos niyang humingi ng sorry. Nabasag lamang ang pagmumuni-muni niya ng pareho silang napatingin sa kakapasok lang ng coffee shop. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. ‘Hi guys! Sorry natagalan ako. Inimbita ko na rin si Tiffany na magkape. Sana okay lang sa inyo.’sabi ni Zack. ‘Siyempre,okay lang.’tugon ni Tyron. ‘Tara Tiffany, upo ka.’yakag ni Zack at ipinaghila pa nito ng upuan ang kasama. ‘Waiter!’tawag nito upang umorder.’Ano ang gusto mo?’malambing na tanong ng kaibigan sa babae. ‘Okay lang ako. Kailangan ko rin kasi umalis agad.’pagkasabi ay humarap kay Dion. ‘Ahm…Dion pasensiya ka na kung bigla akong umalis kanina. Nabigla lang ako sa ginawa mo.’dagdag pa na sabi ng dalaga. Pinagmasdan niyang maige ang mukha ni Tiffany. Bakas sa mga mata nito na totoo ang sinasabi at may sincerity. Matagal niyang natitigan ang ilong nitong kahit maliit ay matangos at may pagkahugis-puso. May maliit din itong nuna sa gilid ng ilong. Perpekto naman ng hugis ang natural at mala-rosas na labi ng dalaga na may isang maliit na nunal din sa itaas na bahagi. ‘Dion!’tawag sa kanya ni Tyron. ‘Kinakausap ka ni Tiffany.’ ‘Ah…’nagpalinga-linga siya sa paligid. Mukha yatang saglit siyang nawala sa sarili. ‘Sorry sa nagawa ko.’ ‘Ang sabi ni Tiffany, pasensiya na raw kung umalis siya agad kanina.’napatingin siya kay Tyron dahil sa sinabi nito. ‘Ang ibig sabihin ni Dion sana huwag mo ng i-reject na maging progress checker.’sumingit na si Zack. ‘Ah yun ba? Sa ngayon, tatanggapin ko. Nahihiya rin kasi ako kay Professor Cindy. ‘bigla itong tumingin sa mobile phone na hawak. ‘Kailangan ko ng umalis. Magkita na lang tayo next week.’ ‘Salamat Tiffany, ingat ka.’sabi ni Zack. ‘Thank you din. Sige maiwan ko na kayo.’at mabilis itong lumabas ng coffee shop. ********** Well, bakit kaya biglang bumait si Tiffany? May kinalaman kaya si Zack? Hmmm... Abangan sa susunod na chapter ☺️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD