Chapter 15

1019 Words
DALAWANG ORAS NA SIYA SA ROOM NG MGA ELITE. Maya't maya niya mino-monitor ang oras para malaman kung anong subject na ang kailangan niyang gawin. Kasabay ng pag-monitor ng mga gawain ni Dion sa sarili nitong mga subjects. Mahihirapan siya kung sakali malapit na ang examination dahil baka mahati nan g tuluyan ang kanyang oras. Seryoso naman ang tatlong lalaki na may kanya-kanyang hawak na libro samantalang siya ay halos hindi makakilos ng maayos. Maraming beses na rin siyang nakarinig ng mahinang katok sa pinto ngunit hindi man lang nag-abala ang tatlo na pansinin iyon. Ganoon din sana ang gagawin niya kaya hindi siya makapag-focus sa sunod sunod na pagkatok. "Where are you going?" tanong ni Dion na ikinalingon ng dalawa. "May titingnan lang ako,"sagot niya at tumayo na. Ang sungit nito kahit na nagtatanong lang. Salubong ang mga kilay niya nang walang makitang tao pagbukas niya ng pinto. 'Ano iyon, trip lang? O guni-guni ko lang?' Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang napakaraming bulaklak, cards at regalo sa sahig. "Ang dami naman nito!" naibulalas niya. Iniisa-isa niyang tingnan. Karamihan ay para kay Dion at ang iba naman ay kay Zack at Tyron. Kinuha niya ang mga iyon at dinala sa loob. "Tiffany, bakit mo ipinasok ang mga iyan?"tanong ni Tyron. "Para sa inyo ang mga ito oh, nakakalat lang sa labas,"sagot niya. "Hinayaan mo na lang sana sa labas,"si Dion. "Pero - " "Hindi mo trabaho na kunin ang mga iyan,"mabilis na sabi ni Dion. Ang sungit talaga ng amo niya! Nakakainis! "May kumukuha naman ng mga iyan, Tiffany. Kaya sa susunod hayaan mo na lang,"sabad ni Zack. "Hindi ninyo man lang ba tinitingnan ang laman ng mga box? O binabasa man lang ang mga cards? Para sana -" "It is none of your business,"singit na naman ni Dion. "Kung ayaw namin gawin ang mga sinasabi mo ay wala kana doon." Napabuga siya ng hangin dahil sa sinabi nito. Sabay na tumayo sina Zack at Tyron. Kumuha ng isang malaking garbage bag saka inilagay lahat ng mga kinuha niya sa labas ng pinto. "Kami na ang bahala rito,"sabi ni Zack at kasabay nito si Tyron na lumabas. "Pwede na ba akong bumalik sa classroom ko? Maayos naman na ang schedule mo,"paalam kay Dion. Parang hindi niya kaya na ito lang ang kasama sa loob ng Elite Room. Kinikilabutan siya. "Hindi ka ba makapag-aral dito?"tanong nito sa malamig na boses. "Ah, hindi kasi ako sanay. Iba pa rin kung may professor na nagtuturo,"tugon niya. "Okay, pero sasamahan mo ako mamaya sa restaurant mamaya." "Ha? Re - staurant? Bakit?!" "Doon ang diretso ko after class, kailangan kita doon." Hindi man lang siya nito nililingon. Kahit na kausap siya ay sa librong binabasa pa rin nakaharap. "Sige, babalik na lang ako." "Pupuntahan na lang kita sa room mo,"muling sabi nito. "Bakit pa?" "Hindi ba pwede?" Matalim ang mga mata nitong tumingin sa kanya. "Sinong nagsabing hindi pwede? Ang akin lang kasi -" "Pwede ka ng bumalik sa room mo,"pagtatapos nito sa usapan nila. ********* YAKAP-YAKAP NIYA ANG MGA LIBRO PALABAS NG ELITE ROOM. Kung araw-araw mangyayari sa kanya ang ganoon ay baka panghinaan siya ng loob at tuluyan ng bumitaw sa pagiging scholar. Pero paano ang pangarap niyang makatapos at magkaroon ng magandang trabaho pagkatapos? Ang lahat pa naman ng pagsusumikap niya ay para sa kanyang Lolo at Lola na nag-alaga sa kanya mula pagkabata. Noong nakaraan lang parang maamong tupa si Dion sa harap ng Grandpa nito tapos napakasungit na ngayon. Ang hirap ispelengin ang lalaking iyon. Ganoon ba talaga kapag anak ng mayaman? Kaya siguro ito iniiwanan ng mga dating progress checker. "Ano ba?!" Napalingon siya sa babaeng sumigaw. "Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" Nanlilisik ang mga mata nito sa galit. "Pasensiya na, hindi kita napansin,"nakayuko niyang sabi. "Ano'ng hindi napansin? Ang laki-laki ng daanan tapos hindi mo ako napansin?!" Nakakaagaw nan g atensyon sa ibang estudyante ang malakas nitong boses. "Hindi ko naman sinasadya Miss -" Isang malakas na sampal ang gumimbal sa kanyang pandinig. "Huwag mo akong dahilanan! Baka bago ka lang sa university at hindi mo ako kilala?"pang-uuyam na sabi nito. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya napahiya ng ganoon sa harap ng maraming tao. Sa lakas ng pagkasampal nito ay agad ng naghilam ang mga luha sa kanyang mga mata. Lalo pa siyang nanliit ng dumagsa ang mga estudyante upang panoorin ang nangyari sa kanya. "Kilala ko na ang mga katulad mong baguhan, kunwari magpapaawa ka para sumikat dito!" Nagbulungan ang mga nanonood. "Bakit Miss, masyado ka bang nasaktan ng mabangga kita? Para ipahiya mo ako?" "Aba't sumasagot ka pa!" Akma na naman siya nitong pagbubuhatan ng kamay ng humarang ang isang pamilyar na bulto. "Sino'ng - ?!" "Kailan ka pa naging bully Elena?" Nanlaki ang mga mata ng palengkerang babae. "Alam ninyo ang kaakibat na kaparusahan kapag may binully kayong mga estudyante lalo na sa mga bago hindi ba?" "Dion, kasalanan ng babaeng iyan! Tatanga-tanga sa daan!" "Watch your words, Elena. Dahil kung hindi, ako mismo ang magrereport sa nangyari ngayon." Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko magawang tingnan si Dion na ipinagtatanggol ako sa tinwag niyang Elena. "Kinakampihan mo ang lampang iyan?!" "Wala kang maaring ikatwiran sa akin. Nakita ko ang buong pangyayari.Isa pa, she is my progress checker." "Dion may nangyari ba?"tanong ng kararating lang na si Tyron kasama si Zack. "Kung mauulit pa ito ay ako mismo ang magpa-file ng report laban sa iyo, Elena. We can ask the cctv footage bilang witness sa totoong nangyari." Nagulantang siya sa narinig. Aakalain mong nasa loob sila ng court room at si Dion ang nagsisilbing abogado niya. Kung ipaglaban ang karapatan niya ay wagas. "Are you okay Tiffany?"nag-aalalang tanong ni Zack. Tumango lang ako. "Tapos na ang palabas, maaari na kayong umalis,"sabi nito saka isa-isang nag-alisan ang mga usisero at usiserang estudyante. "I cannot believe it Dion. You are taking side on her,"pailing-iling na sambit ni Elena. "You can't touch her dahil ako ang makakalaban mo, remember that." Pagkasabi ay mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at iniwan ang hindi makapaniwalang si Elena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD