Chapter 14

1124 Words
HALOS HINDI SIYA KINIKIBO NI DION. Hawak-hawak pa rin niya si Tiff na mahimbing na natutulog. Patuloy lang ito sa paglalakad at nakabuntot lang siya sa lalaki. Nanliliit siya sa mga mapanghusgang titig ng mga estudyanteng nakakasalubong nila lalo na ang mga grupo ng mga kababaihan. “Saan ba tayo pupunta?” Hindi na siya nakatiis. Naiilang na siyang lalo sa mga bulungan ng mga estudyante. Pakiramdam niya ay siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Isang Dion Wang ba naman ang kasama niya eh. Pihadong napakadaming babae ang nagkakandarapa sa lalaking ubod ng pagka-bossy. “Malapit na tayo,”tipid na sagot nito. Hindi man lang siya nilingon. She rolled her eyes.Talaga bang sinwerte lang siya o minalas? Tumigil ang lalaki sa isang silid na may pangalang ‘The Elites’. Mayroon ba ganoong silid sa university? Nakapagtataka naman na doon sila papasok ni Dion. Elite ba ang lalaki? Saan banda? “Kailangan ko ba pumasok?”tanong niya. Nag-aalala siyang hindi na makalabas sa silid na iyon. “Bakit pa kita isasama kung hindi ka papasok?” naiirita nitong sagot. Mariin siyang napapikit ng marahan nitong buksan ang pinto. Ang nakakabinging langitngit nito ang hudyat ng sari-saring takot at kaba sa katawan. “Bakit ka ba nakapikit diyan?” narinig na naman niya ang naiiritang tanong ni Dion. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nabungaran ang nakangiting si Tyron at ang katabing si Zack. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Para itong isang malaking study room na kompleto sa kagamitan. Mayroon ding mini library sa gilid ng isang mahabang mesa. Tatlong laptops at may isang printer ang nasa mesa. “Hi, Tiffany!” bati sa kanya ni Tyron samantalang nginitian naman siya ni Zack. “Welcome sa aming Elite Room,”dagdag na sabi ni Tyron. “Hello,”tugon niya. “Dion, ano ang ginawa m okay Tiffany? Bakit parang namumutla?”tanong ni Zack. Mabilis na lumingon ang lalaki at sinipat ang kabuuan ng kanyang mukha. Ang lapit ng mukha nito sa kanya! Parang hindi siya makahinga ng maayos! “Lalo mong tinatakot si Tiffany, Dion.” Si Zack. “Naninibago lang siya,”sagot ni Dion. Agad nitong tinungo ang isang upuan sa mahabang mesa. “Huwag kang mahiya, Tiffany. Maupo ka,”sabi ni Tyron.” Ito talaga ang madaldal sa kanila. Tipong hindi nauubusan ng sasabihin kahit sino ang kaharap. “Ano ang gagawin ko rito, Dion? May klase pa ako,”sabi niya. “Hindi pa ba nasasabi ni Dion sa iyo Tiffany?”si Tyron. “Ang alin?” nagtataka niyang tanong. “Bilang progress checker niya, kailangan mo siyang tulungan na ayusin ang mga schedules niya sa silid na ito. Dito kami madalas mag-stay kapag wala pang klase. Espesyal na mga estudyante kasi kami,” may pagmamalaki sa boses ng lalaki nang sabihin iyon. “Pero may klase ako sa oras na ito,”reklamo niya. Hindi niya yata matatagalan ang presensiya ng tatlo lalo na at nag-iisang babae lang siya na kasama ng mga ito. “Maiintindihan naman ng mga Professors mo iyon, Tiffany. Scholar ka naman at siguradong bibigyan ka ng mga pointers para hindi ka mahuli sa itinuturo nila,”paliwanag ni Zack. Hindi na siya nakapagsalita pa. Wala naman siyang magiging laban sa nais ni Dion. Ilang segundo rin akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ng magsalitang muli si Tyron. “Maupo ka na doon sa mesa, hinihintay ka na ni Dion.” Itinuro nito ang seryosong lalaki. Ang tapang tapang pa naman niya noong mga nakaraang araw pero bigla siyang naduwag na makaharap ito. Ano ba ang nangyayari sa kanya? ******** SOBRA SIYANG KINAKABAHAN. Ibang-iba ang awra ni Dion kapag seryoso. Parang nakakatakot magakamali sa harap nito at baka bulyawan siya ng lalaki. Ibinaba niya si Tiff sa mesa saka naupo. Wala pa rin itong kibo kahit na nasa harap na siya nito. Bigla niyang naalala ang kantang madalas niyang naririnig sa tuwing naaalala ang lalaki. MONSTER. Bagay sa itsura ngayon dahil sa labis na takot na nararamdaman niya. “Dion, ano ba ang kailangan natin pag-usapan tungkol sa schedules mo?” tanong niya. Marahan itong lumingon sa kanya. “Tiffany, sa iyo ko muna iiwan ang pangangala kay Tiff. Hindi ko siya maaaring iwan sa bahay dahil walang mag-aalaga sa kanya doon,”sabi nito. “Okay, walang problema. Iyon lang ba ang idadagdag ko sa mga gagawin ko?” “Dito ka lang sa unang subject mo dahil iyon ang free time ko. Kailangan mo rin akong tulungan na magawa ko lahat ng homeworks ko para maipasa ko on time.” “Akala ko ba ay progress checker ako? Bakit kailangan kong tumulong sa homeworks mo, eh first year pa lang ako? Hindi ko alam ang sakop ng course na tini-take mo.” “Tutulungan mo lang naman ako. Para magawa ko lahat.”pagalit nitong sabi. “Saka kung saan ako pupunta dapat ay kasama kita.” “Ha?!”malakas niyang sabi na ikinalingon ni Zack at Tyron. “Paano ako makakapag-aral kong lagi mo akong kasama?” “It’s not my problem anymore,”malamig na sabi nito. Malamig pa sa yelo. “Papayagan kitang bumalik sa klase mo ngayon para kunin ang pointers at iba pang kailangan m okay Professor Buenaventura.” Laglag ang balikat ko dahil sa narinig. Paano ko mai-enjoy ang pag-aaral kung lagi akong nakabuntot sa isang Dion Wang? “May problema ba?” Gusto niya itong suntukin dahil sa labis na inis na nararamdaman! Kulang na lang na sabihin nito na alalay siya nito! “Wala,”matabang kong sagot. Nakakainis talaga! Tumayo na ako at palabas nan g pinto. “Pakibilisan lang baka magising si Tiff,”pahabol pa nitong sabi. “Masusunod po,”sagot niya at mabilis na lumabas.Halos takbuhin niya pabalik sa kanyang classroom dahil tila laging may nakasunod sa kanya mula ng lumabas siya sa Elite Room na iyon. “Professor – “ “Professor Buenaventura, we’re so sorry dahil pabalik-balik kami ni Tiffany.” Napakaamo na mukha nito. Pwedeng pwede talaga ito mag-artista! Wait what? Paano ito nakasunod agad sa kanya? May lahi rin kaya itong Quick Silver sa bilis? “Kukunin lang po namin ang mga pointers and advance topics in your subjects.” “No worries, inihanda ko na nang makaalis kayo kanina. Alam ko na babalik kayo,”nakangiting tugon ng guro sabay abot ng papel. “Maraming salamat po ulit, Prof.” Pagkasabi ay hinawakan siya sa braso na parang inaalalayan siyang maglakad. “Hi Dion!”bati ng isa niyang kaeskwela. Ngumiti lang ang lalaki sa kumway. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya nang mabaling ang kanyang tingin kay Renz na nakamasid sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD