Chapter 16

1009 Words
My Enemy, My Lover Written By:ShanCai♥️ NASAKTAN SIYA NG SOBRA. Hindi niya ugaling makipag-away ngunit alam niya kung kailan dapat ipagtanggol ang sarili. Hawak-hawak pa rin siya ni Dion at nakasunod naman sina Zack at Tyron. Ang mga luha niya ay hindi pa rin nauubos sa paglabas sa kanyang mga mata. Ang totoo ay masakit ang unang araw niya sa eskwelahan na malayo sa kanya nakikita bago pa man magsimula ang kanyang klase. "There, maupo ka lang diyan." Wala sa sarili na sinunod niya ang sinabi ni binata. "Paki-patingnan ninyo muna siya, may kailangan lang akong puntahan." "Kami na ang bahala kay Tiffany," sagot ni Tyron. "Tatawagin ko lang ang nurse." "Tahan na Tiffany, sigurado akong hindi na uulitin na gawin iyon ni Elena." Hinawakan siya ni Zack sa kamay. "Hindi ko naman intensiyon na mabangga si... si Elena. Pero pakiramdam ko hiniya niya ako sa napakaraming tao," umiiyak niyang sabi. "Huwag kang mag-alala, malaki ang takot ng mga iyon kay Dion." Ngumiti ito sa kanya saka niya napagtanto na nasa clinic siya. Tumayo siya at aakma ng lumabas. "Sandali Tiffany, huwag ka munang umalis. Papatingnan natin ang -" "Hindi na, kaya ko na ito. Salamat na lang, pakisabi rin kay Dion." "Tiffany! Nandito si Nurse Sam!" malakas na tawag ni Tyron ngunit hindi niya iyon pinansin. Gusto niyang umalis doon sa mga oras na iyon. Mabilis siyang naglakad pabalik sa kanyang classroom. Matapos tingnan ang oras sa mobile phone ay lalo pa niyang binilisan ang paghakbang. Aabot pa siya sa kanyang next subject.Papasok na siya nang biglang may humawak sa kanyang braso. "Tiffany! Kararating lang ng bagong Professor natin. Mabuti nakahabol ka," nakangiting sabi ni Renz. "Saan ka ba nanggaling? Bakit namumula yata ang mukha mo?" Akma nitong hahawkan ang pisngi niyang masakit pa rin ng bigla na lang may tumulak sa lalaki. "Bakit umalis ka sa clinic?!" galit na tanong ni Dion. Hindi na niya nasagot si Renz na halatang nabigla sa pagkakatulak ni Dion. "Dapat mapatingnan iyan para gumaling agad." Hinila siya nito. "Okay na ako Dion. Huwag mo na ako alalahanin. Sige na, may klase na kami ni Renz," aniya. Hindi na nagprotesta pa ang lalaki. "Okay, pero huwag mo kalimutan mamaya. Kailangan mo akong samahan," sabi nito saka tumalikod na at umalis. Mayroon nga palang schedule si Dion sa monitoring ng isa sa branch ng kanilang restaurant at required niya itong samahan. "May nangyari ba sa iyo Tiffany?" nag-aalalang tanong ni Renz. "Tara na, magsisimula na ang klase." Iniwan niya ang kaibigang tila nihihiwagaan sa mga pangyayari. Mabilis siyang umupo. Hindi alintana ang bulung-bulungan sa paligid. Wala na siyang pakialam kung pag-usapan pa siya ng mga kaklase. Kailangan niyang tumutok sa pag-aaral.Iyon naman ang pangarap niya. "Tifanny, nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap ah." Marahan siyang kinalabit ni Renz. "Salamat Renz pero ayos lang talaga ako," sagot niya. ********* MABILIS NIYA NA TINAPOS ANG PINAPAGAWA NG KANILANG PROFESSOR. Hindi siya maaaring mahuli sa pagsama kay Dion kung hindi ay magkakaroon agad siya ng demerit as progress checker. Narinig niya ang pagtili ng mga babae sa labas ng classroom na ipinagtaka rin ni Renz. Nakita niya naman na umiling-iling ang professor habang inaayos ang mga papel na ipinasa nila. "Una na ako sa iyo Renz, may pupuntahan pa ako eh." "Sabay na tayo palabas," sagot ni Renz. Nagmamadali itong ipinasok ang mga gamit sa loob ng bag. "Saan ba ang punta mo?" "Doon sa -" Natigil siya sa paglalakad nang makita ang mga estudyanteng nagkumpulan. Halos karamihan ay mga babae at akala mo nakakita ng isang celebrity. "Ano ang mayroon diyan?" "Baka nga may artista," sinagot ni Renz ang tanong niya. "Sige, una na ako sa iyo ah. Bye!" Dire-diretso na siya sa paglakad. Hindi niya nais pang maki-usyoso. Baka nga isang sikat na tao ang dumalaw sa school nila at nasaktuhan ng mga fans nito kaya pinalibutan ng husto para sa pa-picture kasama ang mga ito. "Thank you sa inyo Ellites!" malakas na tili ng isang babae. "Ang gwapo talaga nila!" Nakakabingi ang lakas ng boses ng babaeng tumili kaya naman napalingon siya at laking gulat ng nasa likuran na niya ang tatlong lalaki.'Saan nanggaling ang mga ito? Bakit sinusundan yata ng mga babae ang tatlo?' "Ano ang -" "Kanina ka pa naming hinihintay. Kung hindi ka pa nakita ni Tyron ay baka kung saan ka na nagpunta," si Dion. Hinatak siya nito sa braso kung hindi ay tiyak na sasalubong siya sa mga babaeng nakabuntot sa kanila. "Sandali -" "Tifanny, huwag kang mag-alala. Kasama mo kami ngayon sa pupuntahan ninyo ni Dion," bahagya pa siyang niyuko ni Tyron samantalang tahimik lang si Zack na naglalakad. Ang mahigpit na paghawak sa kanya ni Dion ay unti-unting lumuwag ngunit bumaba ito sa kanyang kamay. Napapitlag pa siya ng ipinalibot nito ang palad sa kanya. Bigla siyang nailang ngunit ayaw niyang ipahalata lalo pa at mga fans yata ng lalaki ang mga naghihisterikal sa likuran nila. "Don't move," sabi nito nang tangkain niyang bumitaw sa pagkakahawak nito. Hanggang sa marating nila ang gate ay nakasunod pa rin ang mga estudyanteng babae na hindi pa rin magkamayaw sa pagsigaw. "Get in." Utos nito matapos siyang pagbuksan ng sasakyan nito. Mabilis naman na pumasok ang dalawa nitong kasama sa front seat kaya silang dalawa ang magkatabi sa passenger seat. "Pasensiya ka na Tifanny kung kailangan ka pa naming sunduin sa classroom mo. Nag-aalala lang si Dion kung saan ka pumunta," sabi ni Zack. Si Tyron naman ang nagmmaneho.Nilingon niya si Dion na nakapikit ang mga mata. 'Weird. O talagang pagod lang?' "Huwag mo na lang muna pansinin iyan si Dion, he need a power nap bago pa makarating sa restaurant. You know, pahinga siya ng konte sa napakaraming duties," saad ni Tyron kahit abala sa pagmamaneho. Tumango-tango siya at ibinaling na lamang ang tingin sa labas ng bintana. Abala naman sa pag-uusap na nasa front seat at inaliw na lang muna ang sarili. Sa dami ng iniyak niya marahil ang dahilan ng pagpikit ng mga mata saka tuluyang hinatak na ng antok at nakatulog. ITUTULOY... ☺️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD