Chapter 13

1106 Words
"SO SI TIFF PALA "YUNG KUTING,"nasabi muli ni Renz habang naglalakad sila patungo sa kanilang classroom. Tahimik pa rin siya at parang hindi makapaniwala sa nangyari. "Bakit nakasimangot ka?"nagtataka itong humarap sa kanya. Napabuga siya ng hangin. Pakiramdam niya may mali sa pusang iyon. Sadya nga ba talagang inaasar siya ni Dion at pati sa isang hayop ay ginamit ang pangalan niya? Kung sabagay ang cute naman ng maliit na kuting na iyon pero hindi iyon ang issue! Bakit Tiff ang pangalan ng pusa? Naguguluhan siyang naihilamos ang mga kamay sa mukha. Napapailing na lang siya. Mabilis siyang huumakbang at iniwan ang kaibigan na hindi maintindihan ang nangyayari sa kanya. "Tiffany, hintayin mo ako!" sigaw nito habang humahabol sa kanya. "Good morning class!"bati sa kanila ng kanilang professor. "Nice to meet you all here in Asian University! Sana ay huwag ninyong sayangin ang pagkakataon na makapag-aral dito kaya pagbutihin ninyo." "Yes Sir!!!"sagot ng mga estudyante. "So before we start, please get your pen and paper. I want you to write your expectations regarding your chosen course and to your professors in each subject. Makatutulong ito sa amin na maipalawanag sa inyo ng maayos ang ating tatakbuhin habang kayo nandito sa Asian University." Ngumiti ito. "Maliwanag ba?" "Yes sir!!!"sabay-sabay na sagot ng mga estudyante. "Okay, very good!" Umupo na ito. "I"ll give you thirty minutes then you"ll read it one by one. So, do it now!"sabi pa nito. Isinantabi niya muna ang pag-iisp tungkol sa pusa na nasa pangagalaga ni Dion at itinuon ang buong atensyon sa pinagagawa ng kanilang professor. Kailangan niyang i-priority ito dahil sa pangarap niyang makatapos. Hindi niya alintana ang oras sa halip ay mas binilisan pa niya ang pagsusulat. "Miss Tiffany Buendia!" tawag sa kanya ng Professor. Marahan siyang siniko ni Renz. Katabi niya ito sa upuan. "Tawag ka ni Sir,"mahinang ulong nito sa kanya. "Nandito ba si Tiffany Buendia?" Itinaas niya ang kanang kamay. "Ipinatatawag ka ni Mr. Dion, mukhang importante ang sasabihin." Nagbulungan ang mga kaklase niya saka dahan-dahang tumayo. "Hinahanap ka ni Dion, puntahan mo na," sabi ni Renz. "Sige, iwanan ko na lang muna ang gamit ko." Tumayo na ako. Muling nagbulungan ang mga kaklase niya. Ganoon na ba talaga ang dating ni Dion? Grabe, parang pinagpipyestahan na siya ng mga titig ng mga kapwa estudyante lalo na ang mga babae. Nadatnan niyang nakahalukipkip ito sa gilid at nakatungo. "Tawag mo raw ako,"aniya. Hindi niya nais na tingnan ito sa mga mata. Naiilang siya. "Pwede bang sa iyo muna si Tiff? May kailangan lang ako puntahan sa bahay pero babalik din ako,"sabi nito. Pinipilit niya pa rin na maging normal kahit na sobrang lapit nito sa kanya. May iilan ding estudyante na dumaan at nagbulungan nang makita sila. Mukhang hindi yata magiging madali ang maging progress checker ng lalaki. "Bakit sa akin pa? Pwede naman kay Zack o kay Tyron,"tanong niya. Kahit hindi siya nakatingin ay alam niyang nakatitig ito sa kanya. "Bakit ka ba hindi nakatingin sa akin? Saka bakit ko iiwan kay Zack at Tyron? Hindi naman sila ang progress checker ko? Wala rin alam ang mga iyon sa pag-aalaga kay Tiff,"mahaba nitong sabi. "Sige, akin na nga. Papasok na ako sa loob. May pinapagawa ang Professor namin eh,"tugon niya. Kung hahaba pa ang usapan nila ay baka mas lalo pa siya manliit sa dami ng nakatingin sa kanilang dalawa. "Okay, good. Kukunin na lang siya sa iyo ma - "Hindi na niya pinatapos ang nais pa nitong sabihin dahil matapos makuha ang pusa ay nagmamadali na siyang bumalik sa loob ng kanyang classroom. ********* ILANG BESES NIYANG IPINAGPAALAM SA KANYANG PROFESSOR ANG TUNGKOL KAY TIFF. Lumapit pa siya upang hindi na marinig pa ng mga kaeskwela ang sasabihin niya. Baka maging tampulan siya ng tukso o di kaya ay pagtarayan siya ng mga kababaihan. "Pasensiya na po Professor, ako po ang progress checker ni Dion kaya -" "I understand Tiffany, make sure na hindi magkakalat ang pusa. You may take your seat,"sagot nito sa kanya. "Salamat po." Tumungo siya saka dumiretso na sa kanyang upuan. Nakasentro lahat ang tingin sa kanya at parang kakainin siya ng buhay ng mga ito. "Iniwan sa iyo si Tiff?"tanong ni Renz nang makaupo siya. "Kukunin niya rin mamaya, may kailangan lang siyang kunin sa bahay,"sagot ko. "Ganoon ba kapag progress checker? Pati pag-aalaga ng pusa kasama?" Napabuntong-hininga siya ng malalim. "Wala naman akong choice eh,"matabang niyang sagot. Sinikap niyang mag-focus sa itinuturo ng kanilang Professor. Tahimik naman ang pusa at nakatulog pa sa ibabaw ng kanyang mesa. Natutuwa siya sa pagiging mabait ni Tiff ngunit ng sumagi sa isipan ang amo nitong si Dion ay biglang napalis ang kanyang ngiti. Naiinis siya. Mawawalan siya ng privacy sa sian University dahil sa mga pasimpleng utos nito na hindi naman sakop ng kanyang task as a progress checker. Pero kalian ba siya sumuko? Kung iyong mga kamag-anak nga niya na nag-aalipusta sa kanya ay hindi niya sinukuan eh, si Dion pa kaya? Huwag lang talaga lalamapas sa limit ang Dion na iyon kung hindi makakatikim ulit siya sa akin! "Okay lang ba Tiffany? Nagagalit ka ba kay Tiff?" si Renz. "Naiinis lang ako kay Dion. Para kasing sinasadya eh,"nakasimangot niyang sagot. "May nangyari ba?" "Dahil sa pagpunta niya rito at sa pag-iwan sa akin kay Tiff ay para akong susunugin ng buhay sa mga titig ng mga kaklase natin! Lalo na ang mga babae rito!" pagalit niyang bulong sa katabi. "Ayaw mo ba? Instant sikat ka na!" "Hindi nakakatuwa Renz,"nabibwisit niyang sagot. "Relax lang, sabihin mo kapag binully ka ng mga iyan. Ako ang makakaharap ng mga iyan,"mayabang na sabi ng binata. "Puro ka kalokohan Renz, as if naman papadaig ako kahit sino sa kanila." "Iyan ang Tiffany na kilala ko!"sigaw ni Renz. Malalagkit na pinagtinginan sila ng buong klase. "Peace po tayo!"sabi pa ni Renz. Nginitian niya lamang ang mga ito.Ngiting aso. "Ang lakas kasi ng boses mo eh!" Siniko niya ang lalaki. "Tiffany, Tiffany... Si Dion kausap ni Prof." "Ang bilis niya naman nakabalik?" "Hindi mo ba lalapitan?" "Bakit ko naman gagawin iyon? Mas lalo akong pag-iinitan dito,"bulong niya. Iniiwasan niyang magtama ang maga mata nila ni Dion. "Baka naman susunduin ka,"nakakalokong sabi ni Renz. "Ha? Bakit niya naman gagawin iyon?" "Miss Tiffany Buendia, maaari mo ng samahan si Mr. Dion Wang. Sinabi mo na sana agad sa akin kanina,"malakas na tawag sa kanya ni Prof Buenaventura. "Huwag kang mahihiya na magsabi sa akin sa susunod ha?" Kinabahan siya. Ano kaya ang plano nitong Dion na ito? Unang araw ng klase ay ipinagpaalam agad siya sa klase. Naku naman talaga! ********* Naku Dion, huwag mong inisin si Tiffany? ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD