Chapter 12

950 Words
MY ENEMY, MY LOVER WRITTEN BY:ShanCai♥️ ‘LOLA,MAAGA PO AKONG AALIS NGAYON.’aniya habang nagsisintas ng sapatos. ‘Naku ikaw talagang bata ka, eh lagi ka naman maaga kung umalis.’natatawang sagot sa kanya ng matanda. ‘Baka po matampo kayo kapag hindi nagpaalam ng maayos eh.’tumayo siya at inakbayan ito. ‘Huwag mo kaming intindihin. Alam naman namin na ngayon ang unang araw ng pasukan sa university basta ang tatandaan mo apo na handa ka namin suportahan kung anuman ang gusto mo.’ ‘Salamat sa inyo ni Lolo, La. Huwag po kayong mag-alala, mag-aaral po ako ng mabuti. ‘Siyempre may tiwala kami sayo.’inihilig niya ng mukha sa balikat nito. ‘Aalis na po ako La.’ ‘Teka, huwag mong kalimutan ang baon mo. Inihanda ko yun at paborito mo yung ulam.’ ‘Wow! Talaga po?’ ‘Oh, sige na. Lumakad ka na at baka ma-late ka pa.’ ‘Thank you La! Alis na po ako.’kumaway pa siya ng makalabas ng gate. ********** Hinanap niya ang room na papasukan sa araw na iyon. Isang oras pa ang hihintayin niya bago magsimula ang klase kung kaya’t pumunta muna siya sa malapit na park at doon naupo. Pag-aaralan niyang ang schedule niya sa klase at ganoon din ang tasks niya para ma-monitor ang schedule of activities ni Dion. Kailangan niyang maisaayos ang mga special events na dadaluhan ng binata. Grabe nalula siya obligations na nakaatang agad nito kahit hindi pa nakakatapos ng kolehiyo. Talagang sinasanay sila ng husto para matutunan ang pasikot-sikot ng kanilang mga negosyo. Paano naman kaya ang mga personal matters nito?Katulad ng girlfriend?Napailing-iling siya. Bakit nga ba dapat niyang problemahin iyon? Naagaw ang atensiyon niya ng may tumawag ng malakas sa pangalan niya. ‘Tiffany!’nakangiting lumapit si Renz sa kanya. ‘Classmates pala tayo!’ ‘Oo nga. Ang aga mo rin pumasok ngayon ah!’ ‘Siyempre, first day of school eh. Medyo excited.’ ‘Kaya pala.’ ‘Maiba lang ako. Ikaw ba ang Tiff na hinahanap na nakapost sa bulletin board?’ ‘Ha?! Hindi ko alam eh.’ ‘Tara tingnan natin.’ ********* ‘ANO KA BA NAMAN DION! Ang aga nating pumasok tapos hahanapin lang natin yung pusa mo.’nagmamaktol na sabi ni Tyron. ‘Paanong napunta dito si Tiff?’tanong naman ni Zack. ‘Huwag na nga kayong magreklamo, hindi ko naman kayo pinilit na magpunta rito.’ ‘Okay,okay!’nakataas ang mga kamay na sabi ni Tyron. Nauna siyang naglakad sa mga ito at tinitingnan ang mga bawat sulok na madaanan. Nagbabakasakaling makita ang pusa niya. Inagahan niya talaga ang pagpunta sa university sa kadahilanan na hindi niya pa alam ang buong schedule ng kanyang pasok. Ayaw niya naman kontakin si Tiffany dahil hindi niya nai-save ang number nito. Dala niya ang pusang alaga na may bandage pa sa tiyan. Siniguro niyang malinis ito para kahit buhatin niya ay okay lang. Pagbaba niya ng kotse ay umibis siya upang kunin ang pusa ngunit mabilis itong tumalon at tumakbo kung saan. Dahil sa hindi niya ito makita, pinuntahan niya sila Tyron at Zack sa mga bahay nito at nagpatulong na hanapin si Tiff. ‘Hello guys!’bati sa kanila ng isang babae subalit ni hindi nila ito tinapunan ng pansin. Abala sila sa pagsilip-silip sa mga ilalim ng upuan at paghawi ng mga halaman. ‘Are you looking for something?’ ‘Dion baka naman nakuha na si Tiff ng kung sino.’sigaw ni Tyron. ‘Sino si Tiff?’tanong ulit na babae. ‘Pasensiya na Elena. May hinahanap kasi kami.’sabi ni Zack at iniwang nagtataka ang babae. ‘I have an idea.’sabi ni Dion at agad na sumunod ang dalawa. ********** ‘RENZ, NAKITA MO BA ‘YUN?’napatigil si Tiffany sa paglalakad ng may mapansin siyang nakakubli sa isang halaman malapit pagpasok nila ng gate. ‘Mukhang may sugat siya.’ ‘Kawawa naman siya.’dahan-dahan niya itong kinuha at maingat na dinala sa kanyang mga braso. ‘Hello, ming-ming!’ ‘Wow! Mukhang gusto ka niya oh! Tumigil siya sa pag-iyak ng nahawakan mo siya.’ ‘Ang cute niya noh? At sobrang malinis siya. Siguro talagang alagang-alaga siya kung sino man ang may-ari nito.’ ‘Oo nga eh. Ano kaya ang nangyari at may sugat siya?’ ‘Maayos naman ang pagkakalagay ng bandage niya. Dapat maisauli natin siya. Tiyak kong hinahanap na siya ng amo niya.’ ‘Kaya nga. Ano kaya ang pangalan niya?’ ‘Ang cute niya talaga noh?’ ‘Sinabi mo pa. Tara punta na tayo doon sa bulletin board.’ Habang naglalakad sila ay sakto naman na kasalubong nila ang tatlong kung saan-saan nakatingin. Lalo na si Mr. Sungit na abalang-abala sa pagyuko upang silipin ang mga ilalim ng upuan samantalang ang dalawa ay nakasunod na hinahawi ang mga halamang madadaanan. ‘Ano ang ginagawa niyo?’nag-angat ng tingin ang tatlo. ‘Tiff?...’mabilis na lumapit si Dion ng makita ang kuting at sa aktong hahawakan ito ay may natapakan na kung ano. Napayakap ito sa kanya ng wala sa oras. Pareho silang nagkagulatan at biglang na lamang nagbitiw. ‘Mabuti naman at nakita na si Tiff.’sabi ni Tyron. ‘Tiff?’nagtatakang tanong ni Renz. ‘I mean, si Tiff ay ‘yung kuting. Si Dion ang nagpangalan diyan kasi siya ang nakapulot at nag-alaga niyan. ‘Wow! Cute.’makahulugang tumingin si Renz sa kanya habang nakatitig sa kanya si Dion. ********** Cute Naman Kasi talaga si Tiffany. Bistado ka na Dion ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD