Chapter 11

712 Words
MY ENEMY, MY LOVER WRITTEN BY:ShanCai♥️ MANGIYAK-NGIYAK si Tiffany habang yakap-yakap siya ng mahigpit ni Cheska. Kasalukuyang nasa airport siya at tinupad ang pangako na kasama siya sa maghahatid sa kaibigan. Alam niyang lubha siyang maninibago na wala sa tabi niya ito ngunit kailangan niya pang mas maging matapang sa pagharap ng mga bago niyang kakaharapin sa buhay. 'Frenny, mag-iingat ka lagi ah.'sabi ni Cheska habang pinapahid ang mga matang lumuluha. 'Oo naman. Mag-ingat ka rin doon ah at lagi mo akong tawagan o i-chat mo man lang ako kapag free time mo.' 'Siyempre naman. Ma-miss kita ng sobra Tiffany.'niyakap siya nito ulit. 'Ako rin mami-miss ko ng sobra-sobra.' 'This is the final boarding call for passengers booked on flight 0628M to Dallas,Texas . Please proceed to gate 3 immediately.' Napatigil sila pareho ng marinig ang malakas na announcement sa airport. Marahang tumango ang mga magulang ni Cheska kay Tiffany hudyat na sila ay pupunta na sa boarding gate. 'Tawagan mo ako palage ah.'sabi niya. 'Bye Tiff. Always take care of yourself.'ngumiti siya. Hindi niya inalis ang kanyang tingin habang paulit-ulit na kumakaway ito sa kanyang unti-unti na itong mawala sa paningin niya. Ang kaninang luha na halos pigilin niya ay dahan-dahan na ring naglandas sa kanyang mukha. Naghanap siya ng mauupuan at ibinuhos doon ang lahat ng kanyang kalungkutan. ********** 'LOOK WHO'S HERE.'napatigil sa paglalakad ang tatlo ng biglang magsalita si Tyron. Nabaling sila sa nakitang babae na hawak-hawak ang mukha. Hinatid nila ang Grandpa ni Dion upang magtungo sa China.Kailangan daw nitong i-monitor ang ongoing construction project na hawak ng pamilya nila. 'Si Tiffany ba yan?'sabi ni Zack. Lumapit silang tatlo at doon ay nasaksihan nilang humahagulhol ang dalaga. Wala itong kaalam-alam na may nagmamasid sa kanya habang todo-bigay ito sa pag-iyak. Humakbang si Dion upang iabot ang panyo niya ngunit mabilis na naibigay ni Zack ang sarili nitong panyo. Pag-angat ng mukha ng dalaga ay nagulat pa ito sa nakita. 'Salamat.'sabi ng dalaga matapos tanggapin ang panyo mula kay Zack. 'What happened?'nag-aalalang tanong ni Zack. 'Umalis na ang kaisa-isang best friend ko at matagal pa bago kami magkita ulit.'sumisinghot-singhot pa si Tiffany. 'Dahil doon, iiyak ka na ng ganyan? Oh c'mon, there so many reasons in life that you need to focus on.'biglang komento ni Dion. 'Ano naman ang alam mo sa buhay ko?'nagpapahid ito ng luha sa mga mata. 'Siya lang ang tanging kaibigan ko simula pagkabata. Alam mo ba kung paano pahalagahan ang isang bagay o isang tao?' 'What I mean is...' 'Hindi, di ba? Kasi sa uri ng pamumuhay niyo, kayo ang pinahahalagahan.' 'Bakit ba kasi hindi mo ako hayaang ipaliwanag ang ibig kong sabihin?' 'Para ano? Para gawing katawa-tawa ang ginagawa ko ngayon?' 'Sino bang...?' 'Dion please, umiiyak na nga 'yung tao eh.'saway ni Zack. 'Okay fine! Mauna na ako sa inyo!' sigaw niya at umalis na. Mainit ang ulo niya. Sa tuwing mai-encounter niya ang maliit na Tiffany na 'yun palagi na lang siyang nagiging talunan. Gusto lang naman niyang paglubagin ang loob nito dahil sa kalungkutang nararamdaman. At bakit naman niya gagawing katatawanan yun? Hindi pa naman siya baliw at lalong hindi naman siya bobo para mag-isip ng ganun. Naiinis siya. Bakit pagdating sa babaeng yun ay halos wala siyang maibuga? Dahil sa inis ay sinipa niya ang isang lata na nakakalat sa daanan at tinamaan ang isang pusa. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad ng marinig ang iyak nito. Nakita niyang may sugat ito sa bandang tiyan. Ang akala niyang pusa ay isa pa palang kuting. Parang pinipiga naman ang puso niya dahil itsura nito kung kaya't nagmadali siyang sumakay ng kanyang kotse at mabilis na nagmaneho. 'Bro! saan ka ba nanggaling?'bungad sa kanya ni Tyron pagpasok na pagpasok pa lang niya ng pinto sa kanilang mansion. 'Naunahan ka pa namin na dumating dito samantalang...'natigilan ng makita ang hawak-hawak niya. 'Bakit may pusa kang dala?' 'Nakita kong may sugat siya kanina kaya pumunta ako ng Vet para ipacheck-up.' 'So, aalagaan mo na yung pusa?'tanong ni Zack. 'What else can I do? Eh kinuha ko na siya.' 'Ano naman ang ipapangalan mo sa kanya?' 'Tiff. Babae kasi siya.'nagkatinginan ang dalawa ng marinig ang sinabi niyang pangalan. ********* Tiff pala ang pangalan ng pusa Dion ha? Para kunwari lagi mo siyang kasama. Asus ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD