Chapter 20

1186 Words
MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ “TIFFANY, GOOD MORNING!” bati ni Renz. Masigla itong lumapit sa kanya. May kakaiba sa ngiti nito na ipinagtaka niya. Maaga siyang pumasok at iilan pa lang ang mga estudyante na kasabay niyang papasok ng malaking gate. “Good morning, Renz. Kumusta? Ang aga mo yata ngayon?” nakangiti niyang tugon. “Of course! Lagi akong excited na pumasok sa eskwelahan.” Taas noo na sabi nito. “Alam mo ba na pinag-uusapan ka na ng buonguniversity?” Mabilis niya itong nilingon dahil sa narinig. “Ano ang sinasabi mo?” “Hindi ba umalis kahapon na kasama ang mga Elites? Nagtatampo nga ako sa iyo kasi hindi mo sa akin sinabi na sikat na sikat pala ang tatlong lalaki na iyon! Sana nakipagkilala man lang ako,” Nakanguso nitong sabi. “Kahapon ko lang din nalaman. Nagulat nga ako eh,”aniya. Napatigil sila sa paghakbang. Isang grupo ng mga kababaihan ang sumalubong sa kanila. Seryoso ang mga mukha nitong nakatingin sa kanya. Agad siyang nilingon ni Renz. Hindi ito nagsalita ngunit alam niyang nagtatanong ito. Hinila nito ang isa niyang kamay upang sa gawing kanang gilid dumaan. Tiyak na pupulutin sila sa kangkungan kung pipiliting dumaan sa gitna kung saan nandoon ang grupo ng matatapang mukha ng mga kababaihan. Ngunit bigo silang makadaan dahil sinundan lamang sila ng mga ito. “Pwede ninyo ba kaming padaanin?”naiinis na sabi ni Renz. “Kailangan na naming pumunta sa classroom namin,”dagdag pa na sabi ng lalaki. “Ikaw ba si Tiffany Buendia?”tanong ng isang matangkad na babae. “Siya nga. Ano naman kung siya si Tiffany Buendia?” Si Renz. Isa-isa itong lumapit sa kanya, forminga line. Lalong nanlaki ang mga mata niya at nakaramdam ng takot sa posibleng gawin sa kanya. Mabuti na lang at hawak pa rin ni Renz ang kamay niya. “Pwede ba kaming magpa-autograph sa iyo? Sa wakas nakilala ka na namin!” Girl 1 “Ha?”parang tangang sabi niya. “Kami ang number one fans mo Tiffany. Sa kabila ng pagiging matapang mo sa isang Elite ay ganoon ka naman ka-humble kahit na lantarang pambu-bully ng isang Elena!” Girl 2 “Sana huwag mo kaming iwasan Tiffany. Simula nang masaksihan namin ang encounter m okay Dion Wang, lagi na kaming nakasubaybay sa iyo.” Girl 3 “Ah… Hindi ninyo naman kailangan na gawin ang ganito. Ordinaryong estudyante lang naman ako kaya hindi – “ “Para sa amin, isang pagiging huwaran ang mga ginawa mo. Dahil sa iyo, tuluyang namulat ang isipan namin sa katotohanan ng buhay.” Girl 4 “Pero – “ “Parating na ang mga Elites, magbigay daan kayo!”sigaw ng isa sa kasamahan ng mga ito. Kasing-bilis ng ipu-ipo ang paghawi ng mga kababaihan at naiwan siyang mag-isa sa gitna habang unti-unting papalapit ang tatlong lalaking kulang na lang yata ay sambahin ng mga estudyante sa Asian University. Sabay-sabay na tumili ang mga ito lalo pa nang tumigil sa kanyang harapan. Lumiit yata ang daan dahil sa ginawa ng tatlo. Marami na rin ang mga estudyanteng nanonood sa kanila na tila ba may isang eksena sa pelikula ang nagaganap. “Good morning Tiffany!” bati ni Tyron. Nginitian naman siya ni Zack samantalang seryoso ang mukha na tumingin sa kanya si Dion. “Good morning,” bati niya. Napatungo si Dion at pinagmasdan ang magkahawak kamay naming ni Renz. “Ooppss, not a good view.” Komento ni Tyron. Biglang binitawan ni Renz ang kanyang kamay. “Pasensiya na Tiffany, nakalimutan kong hawak ko pa pala ang kamay mo.” Si Renz. ********* ISANG ORAS NA SIYA SA KLASE NGUNIT MAY HINDI PA RIN MAWALA SA ISIP NIYA. Biglang nag-iba ang naging reaksyon ni dion nang makitang magkahawak ang kamay nila ni Renz.Sanay na siya sa seryoso nitong mukha ngunit parang galit yata ito. Mabilis itong humakbang palayo saka iniwan siya. Sumunod naman agad si Zack at Tyron sa lalaki habang kumakaway pa sa grupo ng kababaihan. “Uy, wala ka yata sa mood.” Untag sa kanya ni Renz habang nagsusulat sa notebook ng kanilang lesson sa oras na iyon. “Dahil ba sa mga bago mong fans?” “Wala lang ito,”sagot niya. Napabuga siya ng hangin. “Ewan ko ba. Hindi ko kasi maintindihan ang ugali ng Dion na iyon. Minsan ang bait-bait niya. MInsan naman ang sungit-sungit! Tahimik at seryoso!”napalakas ang pagkasabi niya kaya’t napalingon ang mga kaklase nila. Napa-peace sign na lang si Renz ng wala sa oras. “So, iyon ba ang iniisip mo kanina pa?”balik tanong sa kanya ng lalaki.Hindi siya nakasagot. “Alam mo napakamisteryoso nga talaga ng Dion Wang na iyon pero bakit yata natataon lang sa iyo?” “Ewan – “ “Okay class, please be reminded of your homework for tomorrow. Make sure to pass it on time,”pag-aanunsiyo ng kanilang professor. “Renz, magrereport na muna ako sa boss ko. Balik na lang ako ulit.” “Uy, kapag may ginawa sa iyo hindi kanais-nais sa iyo ang mga Elites na iyon, handa akong ipagtanggol ka kahit pa sila ang pinakahinahangaan dito.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Siyempre, ayokong mapahiya kay Cheska. Nangako ako na babantayan kita at poprotektahan habang wala siya,”confident nitong sabi. ' “Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko.” “Basta kapag kailangan mo ng taong makakausap, nandito lang ako.” “Okay, sabi mo eh.” Mabilis niyang tinungo ang Elite Room. Natigil siya sa pagpihit ng door knob nang maulinigan ang malakas na boses mula sa loob.Parang nagtatalo ang mga iyon. “Bro, hindi mo kailangang ma-upset ng ganyan. They are friends that’s why. Nagagawamo rin ang ganoon sa mga naging kaibigan mo noon.” Kung hindi siya nagkakamali ay boses iyon ni Tyron. “Calm down Dion, please. Walang magagawa kung magagalit ka.” Si Zack. “Wala akong kaibigang babae na hahawakan ng ganoon sa kamay! D*amn it!”malakas at pagalit na sagot ni Dion. Tama ba ang narinig niyang hinawakan ang kamay? “I only hold a hand if she is my girl friend!”dagdag pa na sabi nito. ”Naku, baka mag-away pa ang tatlo!” Kumatok siya ng tatlong sunod-sunod saka binuksan ang pinto. Sumalubong sa kanya ang matalim na tingin ni Dion samantalang nakangiti naman ang dalawa. “Hi.” Bahagya pa siyang kumaway. “Nakakaistorbo ba ako? Babalik na lang siguro ako – “ “Hindi ka nakakaistorbo Tiffany. Kailangan ko na rin pumunta sa next class ko,”sabi ni Zack. “Ako rin. May special activitiy ako ngayon at hindi ko pwedeng hindi pasukan. Ikaw na muna ang bahala kay Dion,”sabi naman ni Tyron saka makahulugang ngumiti. “Ah…pasensiya na nahuli ako. Tinapos ko lang ang discussion ng professor ko kasi – “ “You don’t have to explain. Just do your thing,”iritableng sagot nito. ********** Ang sungit naman ni Dion! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD