Chapter 19

1243 Words
MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ TAHIMIK LANG NIYANG PINAGMAMASDAN SI DION NA PAIKOT-IKOT SA KITCHEN. Sobrang abala ito kaya minabuti niyang maupo sa isang tabi. Isinulat sa dalang notebook ang lahat ng observations saka binusising mabuti ang schedule ng lalaki na nakaipit sa gitnang bahagi ng kanyang notebook. “Hi Miss Tiffany! Pinabibigay po ni Sir Dion. Kumain daw po muna kayo,”isang lalaking crew ang lumapit sa kinaroroonan niya. “Naku, hindi naman po ako nagugutom. Sana ay hindi na po kayo nag-abala,”aniya. “Okay lang po Miss Tiffany. Maganda po mood ni Sir eh.” “Pakisabi po na huwag na. Busog pa po talaga ako,”pagtanggi niya. “Sandali lang Miss Tiffany, babalik po ako.” Mabilis itong umalis. Ang pagkaing dinala ng crew ay ang espesyal na pagkaing pinagkukumpulan kani-kanina.May pritong hipon na kasamang cashew nuts at stir-fried noodles. Natutukso na siyang tikman dahil sa amoy nitong nakakagutom. Sininghut-singhot niya pa iyon. “Ah!” sigaw niya nang biglang tumambad sa harapan niya ang mukha ni Dion. Napatakip siya sa bibig nang makitang sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat ng nandoon. “Pwede bang lumayo ka ng konte?”pakiusap niya. Parang hindi siya makahinga ng maayos.Ngunit hindi man lang ito gumalaw. “Gagawin ko lamang kung kakainin mo iyan,”sabi nito sabay turo sa pagkain.Nagsukatan sila ng tingin na tila hindi ito patatalo. “Okay!” Taas kamay niyang sabi. “Kaya lang ang dami naman kasi ng mga ito. Pwede mob a akong saluhan?” Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pakiusap niyang iyon. Halatang nagulat ito dahil sa pamimilog ng mga mata. “Kung ayaw mo – “ “Sige!”mabilis nitong sagot saka tumayo. “Sige raw pero bigla namang umalis,” sabi niya. “In fairness, mukha talagang masarap ang mga ito.” “Masarap talaga iyan.” “Ay, pusang palaka!” “Hindi ako pusa at mas lalong hindi rin ako palaka,”anito. Magkakaroon yata siya ng sakit sa puso mga biglaang pagsulpot ni Dion. Aatakihin siya ng wala sa oras. Napako ang tingin niya sa dala nitong plato at tinidor at inilapag sa mesa. “Ano iyan?”tanong niya. “Ito ay plato at ito namang hawak ko ay tinidor. Okay na ba? Nasagot ko na ba tanong mo?” Sinundot nito ang ilong niya gamit ang tinidor. “Aray!”angil niya. “Kainin na natin ito bago pa lumamig.” Tinusok ni Dion ang isang hipon saka kinain. “Masasayang lang ang paghahanda ko,” halos pabulong na sabi nito. “Ano?” “Ang alin?” “May sinasabi ka eh,” nakakunot noo niyang sabi. “Guni-guni mo lang iyon,” sabi nito sa pagitan ng pagnguya. “Masarap ba?”tanong nito matapos niyang isubo ang hipon na may cashew nut. “Hmmm… Masarap siya. Chinise food ito no?” Iling lamang ang isinagot ng lalaki. “Bakit?” “Wala. Kumain ka na lang para maubos na ito,”sabi nito sabay sa muling pagsundot sa ilong niya. “Kumain ka na.”Utos nito. “Ito na nga eh,”nakasimangot niyang sagot. “Ano ang tawag diyan sa kinakain mo?” “Fried noodles,”agad nitong sagot. “Alam kong fried noodles iyan, ang ibig kong sabihin ay kung may iba pang tawag iyan.” “It’s Chow Mein.” “Ah, chow miyen.” “No, you should pronounce it just like chaw mian.” Turo sa kanya ng lalaki. “Oo na, tsaw miyan na. Ang hirap naman kasi ng lenggwahe ninyo,”sabi niya sala sunod-sunod na sumubo ng hipon. “Dapat masanay ka na.” Tiningnan siya nito saka muling umusal ng isang mahinang bulong. Bigla siyang natigilan sa huling sinabi nito. Para kasing may binabalak ito na hindi niya alam. Ano daw? ‘It is for our future.’ ********* “NANDITO LANG PALA KAYONG DALAWA!” Parang naulit lang ang pagbati ni Tyron. “Kanina pa namin kayo hinahanap,” dagdag pa na sabi nito. “Tyron, ang script mo talaga sobrang kabisado mo!” Marahan itong tinapik ni Zack sa balikat. “Hindi ka mananalo ng best actor niyan eh,” natatawang sabi ng lalaki. “Kain kayo.” Aya niya sa dalawa. “Oo ba!” Mabilis na sagot ni Tyron ngunit biglang natigilan nang lingunin ni Dion. “Huwag na lang. Busog pa naman kami ni Zack, hindi ba?” “Tara na nga, may kailangan pa tayong bilhin.” Si Zack. “Oo nga pala! Sige balikan na lang namin kayo dito,” sabi ni Tyron saka umalis na ito kasama si Zack. Naguguluhan siya sa samahan ng mga lalaking Elite. Kung minsan ay sila-sila lang ang nakakaunawa ng kilos ng bawat isa.Napatingin siya sa paligid at napagtanto ang mga crew at staff na nakangiting nakatitig sa direksyon nila! Shocks, nakakahiya! Napabilis ang pagsubo niya ng pagkain nang biglang bumalik ang dalawa na may dalang dessert. Balewala rin pala ang pagmamadali niyang matapos kumain. “Para kompleto ang meal ninyo, umorder na kami ng halo-halo para sa inyong dalawa.” Inilapag ni Tyron ang isang baso sa harap ni Dion samantalang si Zack naman ang naglagay ng sa kanya. “This time, aalis na kami. May pinapabili ang Mom ni Zack. Huwag ninyo kaming iwan ni Zack ha?” “Ha? Ah, eh. Oo naman!”sagot niya. Bigla na lamang hindi niya maintindihan ang sinasabi. Natawa naman si Dion. “Bakit?” “Ha?” Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Bakit ka natatawa?” “Wala lang,”agad nitong sagot. Patuloy pa rin ito sa pagkain. “May gusto sana akong itanong sa iyo, Dion.” Hindi siiya mapakali sa mga ngiting nasisilayan sa mga empleyado ng restaurant. “Ano iyon?” Ngumiti ito na ikinalunok naman niya. Parang ang lambing-lambing ng itsura nito na nakatitig sa kanyang buong mukha.Kulang na lang i-memoroze nito ang bawat anggulo at bawat bahagi ng mukha niyang hindi komportable sa pagkakatitig nito. “Ganyan ba talaga ang mga empleyado ninyo?” Pasimple niyang itinuro ang mga ito sa lalaki. “Para kasing may mali,”sabi niya. “What do you mean? Hindi ko naman nakikita ang nakikita mo,”sabi nito saka ipinalibot ang mga paningin sa kanilang paligid. “Hindi ba sila napapagod ngumiti?” pabulong niyang sabi. “Kanina pa sila ganyan eh.” Nasapo nito ang sariling mukha saka marahang tumawa hanggang sa maging halakhak. Maya-maya pa ay sumenyas ito na mas ikinagulat niya. “Yes Sir!!!” malakas na sigaw ng mga crew at staff. Napahawak siya sa dibdib dahil sa pagkagulat. “Huwag mo silang pansinin. It is just part of their job,”saad nito. “Ganoon ba?” “Just eat. Sige ka, gagabihin tayo ng uwi kapag natagalan tayo sa pagkain. Hindi pwedeng magsayang. Grandpa will get mad and sad at the same time,”nakangiting sabi pa nito. “O-okay.” “Good. Here, eat the shrimps then the choe mein. Masarap naman hindi ba?” “Uh-oh. Marunong ka ba magluto ng mga ito?” “Yes. And it is my favorite too.” Tumango-tango na lamang siya. Paanong ang isang katulad nito ay marunong sa mga lutong espesyal? May training kaya ito? Hindi kasi halata sa itsura ng lalaki. ********* Asus! Ang sweet nemen! Enebe! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD