Chapter 21

1072 Words
MY ENEMY, MY LOVER "MAY MALI BA SA GINAWA KO? BAKIT ANG SUNGIT NA NAMAN NG LALAKING ITO!" Hindi niya maiwasang maghimutok sa lalaking nasa harapan niya at abala sa pagtutok sa gamit nitong laptop. Hindi yata ito marunong makinig ng opinion ng iba. Teka, bakit ba kailangan niyang magpaliwanag? Tanging ang pagiging progress checker niya ang namamagitan sa kanilang dalawa. Baka iba ang babaeng tinutukoy nito na nakahawak kamay kung kanino. Walang emosyon na makikita sa mukha nito. Tahimik lang kaya nakakatakot makalikha kahit kaunting ingay. Pati paghinga niya yata ay kinukulang na rin dahil hindi maintindihan nitong pakikitungo sa kanya. Kahapon lang mabait pa it okay Santa Claus sa pagsalo sa kanya sa pagkaing ito mismo ang naghanda tapos ngayon naman ay parang hiniwalayan ng girlfriend! Nagseselos kaya ito? Pero wala naman siya nakalap na balitang may girlfriend ang isang Dion Wang. Grabe talaga ang lalaking ito, nakakaubos ng isip! "What?"tanong nito. "Ha? Ano'ng what?"sagot niya. Nag-iwas siya ng tingin. "May gusto ka bang sabihin?"muli nitong tanong. "Wa-wala naman. Para kasing may dumi sa mukha mo." "Ganoon ba?" Tumayo ito. "Teka, saan ka pupunta?" Nahawakan niya ang isang kamay nito. "Sa comfort room. Ang sabi mo ay may dumi sa mukha ko,"sagot nito ngunit saglit na napatingin sa kamay nitong hawak niya. "Ah, huwag na!"malakas niyang sabi na labis na ipinagtaka naman ng lalaki."Kasi... ako na lang ang magtatanggal." Iyon na lang ang nasabi niya kaysa matuklasan nito na hindi totoo ang sinasabi niya. Tumayo siya na hindi pa rin binibitawan ang kamay nito saka tumingkayad upang abutin ang mukha ng binata. Sa pagmamadali niya ay hindi natantiya ang height difference nilang dalawa. Bumagsak siya dibdib nito at dahil kabiglaan ay dahan-dahan na natumba si Dion. Napapikit siya sa naghihintay na sakit na mararamdaman ngunit bigo siya. Ang inaasahan niya ay hindi nangyari. Ang buong bigat ng kanyang katawan ay halos sinalo ng lalaki upang hindi siya masaktan sa pagtama sa sahig. Sa pagmulat ng kanyang mga mata ay may nag-unahan na kung ano sa kanyang dibdib nang masilayan ang gwapo nitong mukha at ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Lalo pa niyang ipinagtaka nang kapwa sila mapalunok ng sabay. Nakadagan siya kay Dion at kapwa sila nasa sahig! "So - sorry! Hindi ko sinasadya!" Akma na siyang aalis ngunit nauwi lang siya sa pagbagsak sa katawan nito dahil tila pinanghinaan na ang mga tuhod niya sa pagbangon. "Stay still. Baka hindi ka na makatayo niyan,"bulong nito sa kanya na parang inuutusan siya. Bossy talaga eh. Itinukod nito ang kamay upang doon kumuha ng lakas na makaupo sa kabila ng pagkakadagan niya sa lalaki. Marahan lang ang galaw nito kaya pakiramdam niya nakakahinga na siya ng maayos. Sa ganoong lagay! Pambihira! Kaunti na lang at makakasandal na ito. "Hey, guys! May dala kaming - "biglang natigil sa pagsasalita si Tyron nang makita sila sa ganoong posisyon. "Pasensiya na sa istorbo,"anito. Akma na itong lalabas muli ng silid nang hilahin ito ni Zack papasok. "Are you okay?"nag-aalalang tanong ni Dion sa kanya.Nakasandal na siya sa pader kaya naman agad siyang tumayo at lumayo sa lalaki. "O-okay lang ako,"mahina niyang sagot. "Ano ang nangyari sa inyo?" Si Zack. "Na-out balance ako kaya natumba kami." Nakayuko siya. Umabot na sa one hundred percent ang hiyang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. "So-sorry ulit Dion." Hindi siya makatingin sa binata. "Iyon lang pala ang nangyari." Si Tyron. "Babalikan ko lang sa pantry ang iba pang pagkain na inorder namin." "Ako na lang!" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga itong nakakunot ang noo bukod kay Dion. "Pwede bang ako na lang ang kumuha?" "Oo naman, Tiffany!"sagot ni Tyron. "Ako na lang ang kukuha,"si Zack. "Ako na lang please, wala pa naman akong gagawin eh,"pangungumbinsi niya. "Okay. Alam na ni Miss Pau iyon" Si Zack. *********** HALOS TAKBUHIN NIYA ANG PANTRY SA THIRD FLOOR NG BUILDING. Kaya hindi niya naisip na kumain doon dahil bukod sa mahal ay ang layo pa. Tiyak na magugutom siya agad sa pagbaba ng hagdan. Kung sabagay may elevator naman subalit sa dami ng gumagamit ay tiyak na pipiliin pa rin niyang gamitin ang hagdan. Mabuti na lang nakahanap siya ng excuse. Hindi na niya yata pa kakayanin na matagalan pa ang nangyari. Dahil sa ideya niya ay nangyari ang hindi dapat mangyari. Sobrang nakakahiya! Baka kung ano pa ang isipin ni Zack at Tyron. Naku naman talaga! Sa pag-iisip ay hindi niya namalayan na nasa pantry na pala siya. Ang daming estudyante ang naroon palibhasa break time na ng karamihan. Dire-diretso siyang lumapit sa mga staff ng pantry. Talagang pang-mayaman pati ang kainan! Hindi talaga biro ang mapabilang sa isang sikat na university. "Excuse me ,si Miss Pau po?"tanong niya. "Miss Pau, may naghahanap po sa inyo!"tawag ng babaeng napagtanungan niya. "Coming,"sagot nito saka mabailis na lumitaw sa harapan niya. "What can I do for you sweetie?" "Kukunin ko lang po ang inorder nila Zack,"sagot niya. "Okay, ito nga kaka-chat niya lang sa akin eh. Ikaw ba si Tiffany?" "Opo,"tugon ko. "Sandali lang Tiffany, ibabalot ko lang ah. Maupo ka muna sa bakanteng mesa at dadalhin ko na lang sa iyo kapag ayos na." Tumango siya at agad na naghanap ng mauupuan. Sa bandang gilid ang napili niya. Tanaw kasi nito ang ibaba dahil sa glass windows. Hindi siya maiinip maghintay habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng naglalakad, nagkikwentuhan o di kaya ay nagtatawanan. Bigla niya tuloy na-miss ang matalik na kaibigan si Cheska. Kung kasama niya ito sa pagpasok sa Asian University ay tiyak na mas masaya siya. Ito lagi ang karamay niya sa lahat ng bagay. Napabaling siya sa gawing kaliwa dahil sa malakas na boses. Pamilyar ito. Ito ang babaeng nakabangga niya noong isang araw! "Bakit ba may pusa dito?! Sino ba ang may-ari niyan?!"sabi nito. Nakita niyang tinadyakan ang kawawang hayop. "Teka, si Tiff ba iyon?" Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya. Iyon ang kuting ni Dion. Paano naman iyon nakarating sa pantry? "Umalis ka ngang pusa ka!" "Huwag mong ibunton ang galit mo sa pusa. Walang kasalanan iyan sa iyo,"sabi niya nang makalapit sa mesa ng babae. "At sino ka para sabihin sa akin iyan?" Natigil ito nang makita ang kanyang mukha. "Oh, it is you again." Nakapameywang itong tumayo. "Look who's here. The feelingerang palaka!" Narinig niyang may nagtawanan sa paligid at ang iba naman ay nagbulungan. ********** Wow! Naku Elena! Ako na nagsasabi sa iyo, lagot ka Kay Tiffany ?

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD