Chapter 18

1169 Words
MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ “NANANAGINIP BA AKO? BAKIT ANG BAIT NAMAN YATA NG LALAKING ITO?” Walang kakurap-kurap ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki habang maingat nitong idinadampi ang ice bag sa kanyang pisngi. Wala na ang bakas ng kasungitan sa mukha nito na nakatuon ang buong atensyon sa ginagawa. May soft sife din pala ang lalaki na ang buong akala niya ay hilig lang na galitin siya. Bigla siyang nagbaba ng tingin nang matiim itong tumitig sa kanyang mga mata. Baka kung ano pa ang isipin ni Dion. “Ako na lang,”aniya. Pilit niyang kinukuha ang hawak nitong ice bag. “Ako na,”sagot nito sa maawtoridad na tono. “Huwag na – “ “Ako na nga sabi,”may nahihimigan siyang galit sa boses nito. “Sa susunod na mangyari ang ganoon, kung hind mo kayang ipagtanggol ang sarili mo ay sabihin mo sa akin. Ako na ang bahala.” “Hindi ko naman ugaling makipag-away.” Saglit siyang tumingin sa lalaki. “Kahit na.”Tila utos iyon sa kanya ngunit napangiti siya. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya.”Hindi ka dapat nagpapatalo sa mga iyon. Iisipin nila na isang talunan ang progress checker ko.” Napalis lahat ng kasiyahang nararamdaman niya. Mali na naman ang sapantaha niya. Ang hirap talaga maniwala sa pabago-bagong kilos at asal na ipinapakita ni Dion. Nakakainis! Muntik pa siyang maniwala na may kabaitang taglay ito! “Akin na nga!”inis niyang sabi sabay hablot sa ice bag na kanina pa niya pinag-iinitang kunin mula sa lalaki. “Hey! Nandito lang pala kayo sa loob. Kanina pa namin kayo hinahanap,” pambungad na sabad ni Tyron. Nakapamulsa ito samantalang si Zack ay may dala-dalang isang malaking supot. Bahagyang lumayo si Dion sa kanya dahil tuluyan na nitong ipinaubaya ang ice bag. “Ano iyan, LQ agad?”tudyo pa nito. “Tyron, stop it. Tinatakot mo si Tiffany,”saway ni Zack at nginitian siya.”Kakasimula pa lang niya as progress checker at marami pa siyang mai-encounter sa mga susunod na araw. Ang mabuti pa ay magpalamig muna tayo,”sabi nito at inilabas ang laman ng dalang supot. Mabuti na lang may isang Zack na napakabait sa kanya. Gwapo pa ito at tiyak na napakaraming babaeng nagkakandarapa sa lalaki. Isang ngiti lang nito ay agad na nawawala ang kalungkutan na nararamdaman niya. “Salamat,”sabi niya nang iabot ang milk tea. “Walang anuman, Tiffany. Pagpasensiyahan mo na si Tyron. Mapagbiro talaga iyan,”dagdag na sabi pa ni Zack. “And…”nilingon nito si Dion. “Zack!”si Dion. “Oh, my bad!” Umiling-iling si Zack dahil sa pagtawag ni Dion. “I mean Tiffany, ganito lang naman kami pero hindi naman kami masasamang tao.” Kami?! Bakit kami,Zack? Ang layo mo sa katabi mong si Dion! Hmmp! “Ano ba ang nakain ni Elena at nakipag-away sa iyo?”tanong ni Tyron. “Nabangga ko lang naman siya – “ “Next time, if you need to fight back, gawin mo! Nagmukha kang kawawa kanina!”malakas na sabad ni Dion. Tumayo ito at marahas na ibinagsak ang hawak na milk tea sa maliit na mesa. “Saan ka pupunta?”si Tyron. “Gagawin ko na muna ang trabaho ko,”matabang na sagot ni Dion saka mabilis na lumabas. ********* NAGMISTULANG ISANG TANONG PARA SA KANYA ANG IKINILOS NI DION. Tumayo rin siya matapos ilapag ang milk tea na hawak. Hindi niya maaaring kalimutan ang dahilan kung bakit siya nasa lugar na iyon. Mabilis niyang kinuha ang notebook at ballpen sa loob ng kanyang bag. “Tiffany, hindi mo pa nagagalaw ang milk tea na pinabili ni Dion. Saan ka pupunta?”nagtatakang tanong ni Tyron. “Kailangan ko ng gawin ang trabaho ko. Dadalhin ko na lang itong milk tea.” Pagkasabi ay nagmamadali ng lumabas. Sabay na nagkatinginan ang dalawa. Abala ang lahat ng mga staff at crew ng restaurant.Nakita niya ang ilang pamilyar na mukha. Sa una ay nagulat ang mga ito ngunit sa huli ay binati siya nito ng ngiti. Nilinga-linga niya ang paligid. Hinahanap ang bulto ni Dion. Oo, naiinis siya pero kailangan niyang malaman kung paano nito ginagawa ang mga gawain nito bilang tagapagmana ng mga Wang. “Miss, si Dion? Nakita mo ba siya?”tanong niya sa babaeng ngumiti sa kanya. “Ah si Sir Dion po?” Tumango siya. “Nasa kitchen po siya,”sagot nito. “Salamat,”nakangiti niyang sagot. Agad kong tinungo ang kitchen. Kahit na busy ang mga ito ay hindi nakakalimot na bumati at ngumiti sa kanya. Sinalubong siya ng isang matangkad na lalaki. Sa suot nitong may neck tie ay hindi malabo na ito ang manager o supervisor doon. “Hi Miss Tiffany! Si Sir Dion ba ang hanap mo?” Napagmasdan niya pang lalo ang gwapo nitong mukha nang ngumiti ito at lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin. “Opo,”sagot ko. Naninibago siya dahil parang napaka-welcome niya sa lugar na iyon. Baka isipin ng mga ito na may espesyal na kaugnayan siya sa lalaki. Progress checker lang naman siya. “Pasok ka lang,”sabi nito saka itinuro ang bahaging may kumpulan ng tao. Naku-curious siya sa eksenang iyon kaya marahan siyang humakbang papalapit sa grupo ng mga crew at staff. May limang hakbang na lang bago siya makalapit nang mapansin ang nakangiting si Dion na nagsasalita. Parang dini-demo nito ang tamang paglalagay ng toppings sa isang pagkain.Hindi niya mawari kung ano iyon dahil unang beses niya lang makita nag ganoon. Parang Chinese cuisine ang pagkaing iyon. Namilog ang mga mata niya kung paano ito magalang na makipag-usap sa mga staff at kung paano nito ipinapaliwanag ang tamang procedures. “Sir Dion, ano ba ang sekreto ninyo kung bakit hindi kayo natatakot magkamali?”tanong ng isang crew. “Well, madali lang ang sagot diyan. Just think that in every failure, you’ll get success later.” Kinindatan pa nito ang nagtanong. “Wow naman Sir Dion! May inspirasyon ba kayo ngayon? Lalo po kayo gumagwapo eh,”sabad ng isa. Bigla itong napakamot sa ulo saka natawa na parang bata. “Uy, si Sir Dion!”tudyo ng isang babaeng crew. “May naghahanap po yata sa inyo,” sabi nito ng mapansin siya. Lumingon ito sa direksyon niya. Bahagya siyang kumaway.”Hi,” mahina niyang sabi. Dahan-dahan itong ngumiti. Ang swabe na parang isang modelo ng isang brand ng toothpaste. Bigla siyang napasinghap na tila ba hinahatak siya ng presensiya ng lalaki. “Ayiee!”sabay-sabay na wika ng mga staff at crew. ******** Para Ito sa mga READERS ko na walang sawa na naghihintay ng UPDATES ko. Sana po ay hindi kayo magsawa. Pa-SHOUT out sa mga nagbigay lakas sa akin na magpatuloy sa pagsusulat! Alam ninyo na Kung Sino kayo. I ♥️ U all ??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD