Chapter 17

1039 Words
MY ENEMY, MY LOVER Written By:ShanCai♥️ NAGISING SIYA SA MAHINANG TUNOG NG KANYANG MOBILE PHONE. Kinuha niya iyon mula sa loob ng bag at sakay mabilis na sinagot. "Hello?" sagot niya sa hindi nakarehistrong numero sa kanyang contacts. "Frenny!" "Cheska?!" Napalakas ang sagot niya sa pagkagulat. Nilingon niya ang kanyang kinaroroonan. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan at napatingin sa kanya sina Zack at Tyron samantalang nakapikit pa rin si Dion. "Ikaw ba iyan Frenny?" tanong niya sa mahinang boses. "Frenny, ako nga ito. Kumusta ka na?" "Ayos lang naman ako," sagot niya. Ayaw na muna niyang i-kwento ang nangyari sa university. "Ikaw, kumusta ka na?" Pinasigla niya ang kanyang boses. Unti-unting nagmulat ng mata si Dion. Marahil dahil sa boses niya. "Okay ka lang ba? Nasaan ka ngayon?" tanong nito. "Ahm, ginagawa ko ang task ko ngayon as PC," sagot niya. "Ah, you mean as progress checker? I'm sorry," malungkot nitong sabi. "Okay lang, tawagan mo na lang ako mamaya." "Noted! Tapusin ko na muna ang mga assignments ko, I'll call you later, Frenny." Pagkasabi nito ay nawala na sa linya. Gustong-gusto niyang mag-kwento at maglabas ng kanyang saloobin sa mga oras na iyon ngunit hindi niiya magagawa na kasama ang mga lalaki. Ang mga lalaking nasa tabi niya nang maramdaman niya ang panliliit sa sarili. Lalo na ang si Dion na napaka-cold ang dating sa kanya. Noong una ang akala niya ay sa kanya lang ito ganoon dahil magiliw itong makipag-usap sa ibang estudyante ngunit bigla itong nag-iba nang aksidenteng mabangga si Elena. Hindi niya ito kilala pero base sa pisikal na itsura nito ay galing ito sa mayamang pamilya. Idagdag pa ang kagandahang taglay ng babae. "Kaibigan mo?" tanong ni Tyron. Ang tinutukoy nito ay ang kinausap niya sa mobile phone. Marahan siyang tumango. "Ano ang pangalan?" "Bakit mo tinatanong?" Si Zack. "Masama na ba magtanong ngayon Zack?" Napapailing ang binate sa balik tanong ni Tyron. "Hindi naman," sagot ni Zack. "Feeling ko lagi ka na lang may balak kapag may tinatanong ka eh," dagdag pa nito. "Dude, hindi ako ganoon. Iyon lang talaga ang tingin ninyo sa akin ni Dion." Tiningnan siya ni Tyron sa rearview mirror. "Tiffany, huwag kang maniwala sa sinasabi ni Zack. Anyway, sino ang kausap mo kanina?" "Best friend ko," tugon ko. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang nilingon siya ni Dion. "Si Cheska." "Ah, anong course ang kinukuha niya?" "Hindi ko pa natanong sa kanya pero into business kasi ang parents niya kaya baka related din sa business ang kunin niya," sagot niya. "Hindi ba siya sa Asian University nag-aaral?" Curious na tanong ni Tyron. "Hindi, Nasa States siya ngayon," nilingon niya ang katabi ngunit mabilis na ibinaling ang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan. "Kaya pala. Dion mabuti naman at gising ka na. Malapit na tayo." Tumango lang ito. Kung minsan talaga may takot siyang nararamdaman kapag tahimik ito. Parang ang lalim ng iniisip na tuila hindi kayang abutin ng kahit na sino. Deep thinker, ika nga. Kailangan niyang masanay dahil matagal-tagal ban a makakasama niya ito. "Daan muna tayo sa first floor. May bibilhin lang ako," sabi nito bago pa man mai-park ni Tyron ang sasakyan sa parking area. ********* "PWEDE BANG DITO NA LANG AKO?" tanong ko. Sabay-sabay na napatingin ang tatlo. Pare-pareho ang mga itsura nitong nagtataka sa sinabi ko. Hindi naman sa ayaw niyang makasama ang mga ito ngunit hindi pa rin siya palagay sa mga lalaki. "Kasi... tatawag ang bestfriend ko na si Cheska." "Hintayin mo na lang kami sa restaurant," matabang na sagot ni Dion saka tumalikod na sinabayan naman ni Tyron. "Samahan na kita papunta doon Tiffany, tara." Aya sa kanya ni Zack. "Sige," sagot ko. Tila nakahinga siya ng maluwag sa tinuran ng binata. Sa tatlong elite ay kay Zack panatag ang kanyang kalooban kaya hindi na siya nagdalawang-isip na sumama sa lalaki. Napakabait nito tingnan kabaligtaran ng awra at ugali ni Dion na parang laging naghahanap ng away. Sa isiping iyon ay tumunog ang mobile phone niya. Nilingon siya ni Zack at sumenyas na papasok na sa loob ng restaurant. Agad siyang tumango. "Frenny!" "Hi Cheska!" "Frenny, sorry kung tumawag ako ulit. Hindi ako mapakali sa kaiisip eh" "Ha? Bakit naman?" "May good news kasi ako para sa iyo, Frenny. Baka magustuhan mo para magkasama na tayo." "Hindi kita maintindihan, Frenny." "Nakahanap kami ng slot ng scholarship para sa iyo sa susunod na taon. Wala kang babayaran na kahit na ano." "Talaga?!" "Yes my bff. At sabi ni Mommy at Daddy dito ka sa amin mag-stay para magkasama tayo." "Pero nakakahiya." "Gusto ka tulungan nila Mommy. Sila pa ang nagprisenta na mag-aral ka dito. Ayaw mo ba akong makasama Frenny Tiffany?" "Ang bait naman nila Tita at Tito. Hayaan mo at pag-iisipan ko ng mabuti. Next year pa naman iyon di ba?" "Yes, Frenny. Sabik na akong makasama ka sa pag-aaral dito sa States. Naninibago ako sa pagsasalita ng English siguro masasanay din ako sa katagalan." "Oo naman, ikaw pa. Bestfriend kaya kita." "Maiba ako, may nangyari bas a university ninyo kanina?" "Ha?" "Ka-chat ko si Renz. Sabi ko kasi na bantayan ka kasi wala ako diyan. Nabanggit niyang parang malungkot ka." "Wala lang iyon. Katulad mo, ako rin ay naninibago sa task ko bilang progress checker. Nag-aadjust pa ako." "Pinapahirapan ka ba ng Dion na iyan? Pwede natin siyang i-reklamo sa admin." "Okay lang naman ako. Parang hindi mo naman ako kilala, Frenny. Hindi ako magpapaapi sa kahit na sino." "Good! Dahil kapag nalaman ko na may umapi sa iyo ay uuwi ako diyan ng wala sa oras." "Napatawa mo ako Frenny dahil sa sinabi mo - " "Frenny?" Hindi na siya nakapagsalita pa nang mahigpit siyang hinawakan ni Dion sa kamay at hinila papasok ng restaurant. "Cheska, mahina ang signal. Sa susunod ulit ha?" Pinindot na niya ang end call button. "Maupo ka muna," utos ng lalaki. Saglit itong may kinuha at sa pagbalik ay may dalang kulay berde."Umupo ka ng maayos," sabi pa nito saka marahang inilagay ang bagay na iyon sa pisngi niya. "Makakatulong iyan oara maalis ang sakit." Napakalapit ng mukha nito sa kanya at kitang-kita niya ang kakaibang hatid ng mga matang nakatitig sa kanya. ********** Hmmmmm ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD