Chapter Thirteen Accused “I want you Alesander Miller to marry me…” Tiningnan ako ni Sander na tila nababaliw na naman ako at hinilot ang tungki ng ilong niyang tila isa akong malaking problema sa harap niya. “Hindi mo na naman ba nainom ang gamot mo, Addieson?” malakas ang boses na tanong niya na tila pinaparinig sa mga mimosang huminto sa mga ginagawa nila at kami ang pinanood. “Anong gamot—” Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako papanhik sa taas ng bahay na pinags-shootingan nila. Ipinasok niya ako sa kwarto ron na nagpangisi sa akin. Ano ba ‘yan, honeymoon na ba this? “Addieson!” Napapitlag ako sa ipit na sigaw niya sa pangalan ko. Nang tingnan ko siya ay matalim ang tingin niya sa akin at nag-iigting ang panga niya. Napalunok a