Chapter Twelve Three months… Three months… Three months?! Ibinato ko ang lata ng beer na pangatlo ko nang nainom at pabagsak na nahiga sa nagkalat kong mga damit sa lapag ng kwarto ko. Ang plano kong matutulog buong araw ay nilipad ng hangin. Hindi ko nga siya nakumbinsihing gustuhin ako sa loob ng isang dekada. Tatlong buwan pa? Tila nababaliw na malakas akong tumawa at sinabunutan ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko na lang tanggapin ang katotohanan na walang epekto ang alindog ko sa isang Alesander Miller? Ano namang malay natin, baka magtagumpay na ako ngayong taon. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta kay Pareng Google. How to make a man fall in love with you? Sa dinami-dami ng lumabas na resulta tinamad na akong basahin lahat. Kung matutulungan ako ni Pareng Google sana