Chapter Twenty Seven Stop leaving TULAD nga nang sinabi ni Sander hindi pa sumisikat ang araw ay naghanda na kami sa pagluwas pabalik sa Maynila. “Do you want to eat first?” tanong sa akin ni Sander nang magkita kami sa lobby. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya at umiling. “Hindi na. Busog pa ‘tong tiyan ko mula sa kinain ko kagabi. But a coffee will do pala, dito ka lang bibili lang ako—” “Ako na, just stay here.” Tumango na lang ako at minasdan siyang maglakad paalis. Napahawak ako sa ulo kong nanakit dahil sa kakulangan ng tulog. Hindi ako pinatulog nang mga sinabi niya sa akin kagabi. Pakiramdam ko hindi si Ellis ang tinutukoy niya. Kung ganoon, sino? If you think I don’t deserve the pain, then why can’t you just accept my feelings. Sander? Buong gabing iyon ang nagin