Chapter Seventeen Boo “IT’S a lie.” Napalunok ako at inihanda ang matamis na ngiti kahit na ramdam kong aani na naman ako ng sermon kay Sander dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. “Anong lie?” Nakasimangot niya akong saglit na sinulyapan bago muling ibinalik ang tingin sa daan. “He’s not your stalker. I remember him, he’s that guy you dated when you were sixteen.” Napangangang nilingon ko siya hindi makapaniwalang naalala niya pa iyon. “Wow! Hanga na talaga ako sa memory mo, boo! Ang tagal na no’n naalala mo pa? Ako nga nalimot ko na mukha ng panget na ‘yon.” Mapakla siyang tumawa. “Panget? Hindi iyon ang nakita ko, Addieson.” Napangisi ako at inilapit ang mukha ko sa kanya. “Mas gwapo ka pa rin naman. Selos ka ulet, boo?” Malakas siyang tumikhim at dinutdot ang noo ko para