Chapter Seven Always be here for you “SAAN ba talaga tayo papunta, Addison? Masama magpuyat ang bata—” “Alesander Miller!” “What?!” balik-sigaw niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. “I’m not a kid for Pete’s sake! Malabo ba ang mga mata mo at hindi mo makita iyon?” Hindi na siya kumibo pa at napailing na lang. Kung hindi ko lang nakita ang putok niyang labi ay hindi ko matatandaan na kailangan kong mag-behave ngayong gabi para sa kanya. Malalim akong bumuntonghininga at sumandal na lang sa kinauupuan. Halos kalahating minuto pa ang tinakbo namin bago kami huminto sa paborito kong lugar sa tuwing nagagalit ako. A training center building my grandfather built for his future grandsons. Sadly, babae ang naging apo niya walang iba kung hindi ako. Naging maselan ang pagbubuntis ni