Chapter Fifteen Game “SO, ano sabay na tayong pumasok sa loob?” ani Marcus na akala mo model ng toothpaste na ngiting-ngiti kay Sander na kabaliktaran niya. Sanay naman na akong palaging seryoso si Sander pero may iba sa mga mata niya ngayong gabi. Posible kayang effective ‘tong skit namin ni Marcus? “Mauna na kayo. May nakalimutan ako sa kotse ko,” aniyang mabilis kaming tinalikuran at naglakad patungo kay Dexter na ilang dipa ang layo sa amin. “See that? You’ll be indebted to me after this night, Addieson Isobel.” “May island na pinamana sa akin ang Lola ko, sa ‘yo na kapag napasaakin na si Sander!” Malakas na tumawa ang mokong at binitiwan ang kamay ko pero mabilis akong inakbayan nang makitang napatingin sa amin si Sander. “Baka naman sumobra ang acting natin, Marcus, ah!