Chapter Nineteen I’m sorry “NAG-AAKSAYA ka lang ng bala.” Napahinto ako sa pagkasa ng baril nang may mag-alis ng earmuffs sa tenga ko. Padaskol kong ibinato sa mesa ang baril at minasdan ang target na ni hindi ko man lang natamaan. Lahat sablay. “Problem?” tanong sa akin ni Archer sabay abot ng tubig na mabilis kong nilagok at inubos. Lumabas ako sa shooting area at naupo sa bench sa labas ng training center na kahit pasado alas diyes na nang gabi ay dinayo ko pa. “Bakit kailangan mo pang itanong gayong alam kong alam mo na. Lahat naman alam mo hindi ba?” saad ko nang tabihan ako ni Archer. “Addie…” “Alam mong ipinagkasundo ako ni Daddy kay Sander pero tinanggihan niya?” Nang hindi siya sumagot ay pagak akong natawa. “Bakit hindi n’yo man lang ipinaalam sa akin?” umiling-iling ak