Chapter Twenty Four Part One Curiosity Part One NAPATIGIL ako sa pagbukas ng pinto patungong event hall. Ang maisip na magpapatuloy sa pang-aasar sa akin si Fausto ang siyang nagtulak sa akin para pumihit paalis. Paglabas ko ng hotel ay saktong may humintong taxi kaya dali-dali akong sumakay roon. Napapikit ako sabay haplos sa labi kong dumampi sa labi ni Sander. “Ma’am, saan po kayo?” “Sa…” Natigilan ako at hindi malaman kung nanaisin ko bang umuwi sa mansyon ngayon gayong alam kong sermon ang matatanggap ko kay Mommy dahil sa pag-alis ko sa party. “Sa Delcinco Estates, Kuya,” Tukoy ko sa tinutuluyang exclusive subdivision na siyang tinutuluyan ngayon nila Sammie kasama ang asawa niya kahit na hindi pa ako talagang nakakapunta roon. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan iyon.