◾◾?◾◾
CHAPTER 3
SORA
"Hindi ko ibababa ang sarili ko para sa iyo."
Malalim na ang gabi at tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong paligid, mali, kung hindi lang sana nagpupumilit na sumigaw mula sa busal sa kaniyang bibig ang matandang lalaki sa aking harapan ay wala sanang ingay na nagpapantig sa aking tenga.
Naupo ako sa pulang single leather na sofa, sumandal bago ipinagkrus ang aking paa, ang dalawang kamay ay nakapatong sa aking hita.
"Mr. Sy." Tawag ko sa matanda, nag-angat naman siya ng tingin at nanlalaking matang sinalubong ang malumanay kong mga mata. "Alam kong pinaghahanap ka na ng mga bodyguard mo ngayon. They are known to be strong and powerful. It is only a matter of time before they find you."
Naningkit ang aking mga mata nang hindi siya kumibo. Leaning forward on his meek figure, the edge of my lips suddenly jerk upright.
"Did you know that you just betrayed Dragon?" Si Mr. Sy ay isa sa mga executive ng D Mafia, two months ago ay bigla siyang tumiwalag dala-dala ang ilang classified information na pwedeng magpabagsak sa organisasyon. "And now, he sent a fallen angel to take your life away."
Ipinilig ng lalaki ang kaniyang ulo habang pilit na tinatanggal ang tali sa buo niyang katawan, nagpupumiglas sa takot na wakasan ang mahal niyang buhay. Nawala naman ang ngisi sa aking mukha, pagod na sa maliit na drama, kaya ay dahan-dahan kong hinugot ang kunai sa aking tagiliran. Mr Sy stared at me with his ashen face, his shocked expression making him a weak figure.
'You are a powerful person even without the D Mafia, Mr Sy.'
Mula sa pulang upuan ay tumayo ako at itinaas ang blade papunta sa kaniyang pisngi. Napigtas ang taling nakabusal sa kaniyang bibig, ang kaninang takot sa mukha ng lalaki ay napalitan naman ng pagtataka.
"B-bakit mo tinanggal ang tali?"
Ipinaikot ko ang kunai sa aking kamay at malumanay siyang tinitigan. It is such a waste to lose this kind of powerful figure.
"Baka gusto ko lang marinig ang mga sigaw mo habang binabalatan kita ng buhay." Ngiti ko.
"P-pakiusap. I will pay you. I will give you a lot of money. Just spare my life!"
"Mr Sy, Dragon sent me to kill you. I am their person." Bumalik ako sa pagkakaupo, ang lalaki sa aking harapan ay patuloy na nagmamakaawa para sa kaniyang buhay. "Do you expect me to betray them just because of your bribery? Hindi ko ibababa ang sarili ko para sayo."
"K-kahit ano gagawin ko! Wag mo lang akong patayin! Kahit ano! Pangako!"
Bumagtas ang maliit na ngiti sa aking labi. When a person is on the verge of losing his sanity, his mind defenseless, that's the best way to win an inevitable negotiation. Isinuklay ko ang aking kanang kamay sa maikli kong buhok na para bang bored na sa lahat ng nangyayari.
"Let me tell you a secret, Mr Sy." Panimula ko. "Sa una palang ay wala na akong intensyon na patayin ka pero kailangan mo akong sundin kung ayaw mong maging malamig na bangkay."
"K-kahit ano susundin ko. I will listen to you...!"
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako ng madilim na apartment at sumakay sa itim na Porsche, sakto namang pagtunog ng cellphone sa dashboard ng sasakyan. D calling...
Agad ko iyong sinagot.
"I already killed Mr Sy but the stolen files are not with him." Report ko, mula sa kabilang linya ay ang malalim na pagbuntong hininga ang aking narinig. "Do you want me to look for it?"
"Don't bother. Dead men tell no tales, and I'm sure no one knows where it is but him." Sabi ni Master D, iniimplika na hindi na makakapagsalita pa ang patay para ilaglag ang kaniyang mga sikreto at ang organisasyon.
"Babalik na ako sa headquarter."
"Maghanda ka bukas. Ipakikilala kita sa iyong mga subordinate."
"I understand." Sagot ko sa malumanay at mababaw na tono.
"Goodbye."
Kahit sa cellphone lang kami nagkakausap ni Master D ay ramdam ko ang ngiti sa bawat salitang binibitawan niya. Naningkit ang aking mga mata ngunit bago ko pa man din ibaba ang tawag ay binanggit niya ang aking pangalan.
"-- Sora."