◾◾?◾◾
CHAPTER 2
THREE YEARS AGO
"I never thought that losing someone could hurt like this."
3 years ago...
Ramdam ko ang paghila sa akin pababa ng malalim na karagatan. Ang lamig ay hindi ko na maramdaman pa--manhid na siguro, manhid na ako, maging ang sakit ay unti-unting nawawala dahil alam kong makakasama ko na sila. Si Shin. Si mommy. Si Hix... Si dad. The wound in my heart is deeply inscribed even in my soul. It was deep as this ocean.
Beep... Beep... Beep...
Madilim. Wala akong makita, ngunit kung anong may tunog ang paulit-ulit na nageecho sa aking tenga. Nakakarindi...
Beep... Beep... Beep...
"How is she, doc?" Boses ng isang lalaki.
"She's recovering fast. Mga ilang araw lang din ay magigising na siya."
"That's better then. Please, pakiupdate ako agad kapag may pagbabago ulit sa kaniya.
"Makakaasa ho kayo."
Sinubukan kong idilat ang aking mga mata ngunit para bang napakabigat nito. Parang may pumipigil sa akin. Nasaan ba ako? Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay hindi pa ako tuluyang namatay?
Tumigil ako sa pagpupumilit na igalaw ang aking katawan at hinayaan na lang na mablanko muli ang aking isip, ngunit taliwas sa aking inaasahan ang nangyari. Vague pictures started flashbacking in my mind. Vague pictures of death.
Shin...
Hix...
Mom...
Everyone...
"Hindi... Hindi p...pwede... Hin... Hindi!"
Habol ang aking hininga ay kusang dumilat ang aking mga mata. Ang heart monitor sa aking gilid ay hindi magkamayaw sa bilis ng pagbeep nito.
"Shin!" Sigaw ko bago marahas na tinanggal ang mga bagay na nakakabit sa aking katawan. "Hindi pwede! Shin! Shin! Bakit?!"
"Shin! Bakit mo ako iniwan?! BAKIT?!... BA... BAKIT?!" Tuluyan na nga akong humagulgol nang iyak.
Hindi ko matanggap ang nangyari... Mahirap. Mahirap para sa sistema ko na tanggapin na lamang ang lahat ng iyon. Napakahirap. Humagulgol lang ako habang isinisigaw ang pangalan niya nang may pumasok na nurse at pinigilan ako sa pagtayo.
"BITAW! BITAWAN MO AKO!" Pagpupumiglas ko.
"Ma'am, kumalma ka muna... Pakiusap po."
"BITAWAN MO AKO! BAKIT MO KO HINAYAANG MABUHAY! BAKIT?! BAKIT NIYO PA AKO INILIGTAS?!... AYOKO NA!" Sigaw kong muli bago bawiin ang braso kong hawak niya. "HINDI NIYO ALAM ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO NGAYON!... HI...HINDI NIYO ALAM KUNG GAANO KAHIRAP PARA SA AKIN ANG MABUHAY PA HABANG ANG MGA MAHAL KO AY NAMATAY SA MISMONG HARAPAN KO! BITAW SABI EH! BITAWAN MO NA AKO AT HA... HAYAAN MO NA LANG AKO... PLEASE, let me... Let me live with my Shin... Please... Just let me die..."
I cried silently after that... I just cried in my sleep... I cry when I woke up... I cried when I am eating... I just cried. Hindi ako tumigil hanggang sa wala nang luhang mailabas ang mugto kong mga mata. Iniyak ko lahat hanggang sa mamanhid na ang aking nararamdaman. I cried endlessly until I became nothing but an empty vessel-- cold, numb, and emotionless.
I never thought that losing someone could hurt like this. Ganito pala kasakit. Nakakabaliw. Pakiramdam ko ay ilang beses akong sinaksak sa dibdib at sa kasamaang palad ay heto parin ako't buhay na buhay pa.
"Just... Let me die, please..." Pagmamakaawa ko sa matandang lalaking pumasok sa aking silid.
"Sora." Tawag nito sa aking pangalan. "Do you want to forget the pain?"
Hindi ako nagsalita, bagkus ay malumanay ko lang siyang tinitigan sa mata. How can someone forget an unbearable pain? That's impossible.
"I can help you. I can help you feel nothing."
"But I am already numb." Bigkas ko rin sa malumanay na boses.
"Manhid ka na nga, pero hanggang kailan yan? Kapag naalala mo sila babalik lang ang sakit." Ngisi nito na kumuha ng aking atensyon. Lumapit ang matanda sa aking kinauupuan bago kinuha ang mansanas sa katabing lamesa.
"Gusto mong kumalimot hindi ba? Hayaan mo akong tulungan ka sa bagay na iyan." Biglang ngiti nito bago niya iabot ang mansanas sa akin. "But first, let's cut your hair as short as Snow White's."
****