◾◾?◾◾
CHAPTER 4
NEW CAPTAIN
"Maybe we shouldn't judge a book by its cover."
D Dragon Main HQ
Yannah~
Ang grupong Dark Team ay nakatanggap ng notice kaninang umaga lang. Lahat kami ay pinatawag upang pumunta sa opisina ni Master D para maipakilala ang bagong captain ng grupo dahil rin sa balitang iyon kaya nagngingitngit sa galit ang kasalukuyang captain ng Dark Team, si Avory.
Akala ko nga pinatawag kami para pagbuntungan ng galit dahil sa palpak na misyon kagabi, ngunit mukhang parang walang pakielam si Master D. Maybe, this is his form of punishment for failing him. Changing the team's captain for the inability to support Piper. Speaking of her, hindi ko na rin alam kung dumating pa siya kagabi at naabutang wala na ang target niya. Siya dapat ang sisisihin dahil late ang legendary reaper ng D mafia.
"Lay." Buntong hininga ko. "Sino kaya ang papalit kay Avory?"
Nagkibit balikat naman ang aking kasama, ang dalawa niyang kamay ay nakapamulsa habang nauunang maglakad sa akin.
"Panigurado kawawa ang papalit sa kaniya. Knowing Avory, she will kill that unlucky person to steal the title again."
"Such bad luck. Avory is cunning and vicious." Bulong ko, sino man ang umagaw sa posisyon niya ay mga nakalibing na ngayon sa lupa. Yung iba ay hindi na nakita ang katawan. "Isa na namang biktima."
Pagkarating sa opisina ni Master D ay naroon na ang iba naming kasamahan, diretsong nakatayo habang naghihintay ng utos, ngunit mukhang wala pa ang kasalukuyan naming team captain. Tumayo rin ako sa gilid nila matapos magbow kay master.
Inikot ko ang aking paningin sa loob ng malaking opisina nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Avory na pinagsakluban ng langit at lupa. Nakakunot ang kaniyang mga kilay, ang mga mata'y matalim na tumitig sa amin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Master D, anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Avory.
"It's time for a team captain changing. Hindi ko rin gusto ang nagiging kilos mo, Avory."
"Matagal na akong captain ng Dark Team. Kilala ko na silang lahat. Bakit hindi na lang ibang team ang palitan tutal mahihina naman sila." Reklamo pa niya. "My team is powerful among the others. It is the best one."
"Exactly. That is why it needs the best captain too."
"Mas--"
Bumukas muli ang malaking pinto na siyang kumuha ng atensyon naming lahat at talaga namang nanigas ako sa aking kinatatayuan ng pumasok ang babaeng may malagintong buhok.
Suot ang leather jacket na nakapatong sa kaniyang turtle neck, itim na pants na siyang umaabot sa kaniyang ankle boots ay para bang itim na anghel ang isang to. Ang inosenteng niyang mukha at malumanay na mga mata, para bang hindi siya nababagay sa lugar na ito.
"Hindi ba siya yung reyna kagabi?" Siko sa akin ni Layla.
"Queen of dark angels?" Bulong ko naman pabalik.
Tahimik na naglakad ang babae palapit kay Master D. Diretso lang ang kaniyang tingin, ni isang segundo nga lang ay hindi siya nag aksaya upang tapunan kami ng tingin. Lalo namang nagdilim ang mukha ni Avory nang tumigil sa tabi niya ang bagong dating, it is just a matter of time before she explode due to anger.
"Master D." Malumanay niyang tawag, ang kaniyang boses ay walang buhay. Para bang pagod na siyang magsalita.
"Sora. Akala ko hindi ka dadating."
"I wouldn't break my word."
Tumango si Master D at hinarap kaming lahat. The mirth on his eyes evident.
"Dark Team." Panimula niya. "This is Sora. Your new team captain. Starting today all of you will follow her orders."
"Master! Hindi ko matatanggap ito! What if she is an incompetent leader?!" Singit naman ni Avory. "She looks weak! Mukha ngang isang hipan lang diyan ay babagsak na e!"
"Avory, my decision is final! You will be her subordinate so please refrain from your words." Matigas na sabi ni Master at sa tonong iyon ay tuluyan na ngang tumiklop ang isa.
Hindi naman natinag sa kaniyang kinatatayuan ang bago naming leader. Walang kibo lang siyang nakatayo roon, maya-maya ay tumango siya kay Master at sa parehong pagkakataon ay naglanding ang kaniyang paningin sa amin. I pursed my lips and studied her innocent face. She looks fragile and maybe Avory is right, she has the brain but not the strength. Tingin ko ay hindi rin siya magtatagal sa amin.
"I'll meet all of you tomorrow. Mukhang kailangan ng time ng iba para makarecover." Bumagtas ang ngiti sa kaniyang mukha bago tumalikod at umalis, leaving all of us dumbfounded.
"Tara na." Hila ko kay Layla matapos ang ilang minuto.
Agad naman kaming nagpaalam kay Master D at niliban na ang kaniyang opisina, dahil iisang way lang ang punta naming lahat ay rinig ang bulungan ng iba naming ka-team, nangingibabaw na roon ang boses ng ex-captain ng Dark Team.
"Tignan na lang natin kung magtatagal pa siya dito! Sisiguraduhin kong di na makikilala ang maganda niyang mukha!"
"Bakit hindi mo na lang siya hamunin, Avory. Panigurado sa hospital siya magbabakasyon."
"Just a pretty face."
Napailing na lamang ako sa mga naririnig, kahit ako nga ay nangangamba na sa mangyayari bukas dahil paniguradong hindi mag-aaksaya ng panahon si Avory at ang mga loyal niyang alagad.
"Naaalala mo ang nangyari kagabi?" Mahinang tanong ng aking kasama.
Tumango naman ako. "Oo. Bakit?
"Maybe we shouldn't judge a book by its cover." Kibit balikat niya.