"DALA mo ba ang lampara?" tanong sa akin ni Lana. "Lampara? Mahirap dalhin 'yon bukod sa wala ako. Pero may flashlight ako," pinakita ko sa kanya ang isang maliit at isang heavy duty na klase. Bumakas ang pagkamangha sa kanyang mukha at napangiti ako. It's amazing hearing Lana talk multiple languages and at the same time seeing her thrilled face when I show her technology. Ako man ang lumugar sa tayo n'ya. . . magugulat din ako. Pero alam mo, sa aming dalawa ako ang namamangha sa mga kwento n'ya. Ang tungkol sa nakaraan. . . puting diwata sa ilog, apat na elemento, telekinesis na sa telebisyon ko lang nakikita, her healing powers at marami pang iba. Kung mayroon man kaming pinagkakapareho bukod sa aming hitsura. . . 'yon ay ang pagmamahal sa pamilya at kaibigan. Pati na rin ang determ