HABANG nasa byahe kami ay hindi kami nag-uusap. Hindi ko rin naman alam kung anong gusto n'yang pag-usapan kaya maghihintay na lang ako. The car stopped in front of a high rise building. La Guardia Towers is one of the most expensive condominiums in the city. Kina Doc La Guardia na ang hospital, condominiums at pati ang bayan ay nakapangalan sa pamilya nila. Bongga at mapapa-sana all ka na lang talaga. "Bakit tayo nandito?" Ang alam ko, sa mansion s'ya nakatira. May gusto ba s'yang daanan dito? "Dito tayo mag-uusap. Sa condo ko." "Ha? Pwede namang sa ibang lugar," bigla akong pinagpawisan. Magsosolo kami sa condo n'ya? "Dito, walang gagambala sa atin. Makakapag-usap tayo ng maayos. We will both turn off our phones at dahil wala akong landline ay wala ring tatawag. Let's go," masungit