LANA won this round. Sofia and her friends stormed out of the restaurant at halatang ngitngit na ngitngit. Napaisip tuloy ako kung ganito palagi ang mangyayari kapag may ex ni Gabriel na makakakita sa amin. It's bound to be messy at ang tahimik kong buhay ay biglang magugulo. I like him -- a lot. Pero bukod sa masyadong mabilis ang lahat, unang araw pa lang namin na magkasama ay ganito na kaagad. At iisa pa lang si Sofia, marami pang iba. Tahimik ako buong byahe pauwi sa apartment. Madalas ay si Gabriel at Lana lang ang nag-uusap sa sasakyan bukod sa mahinang musika na tumutugtog galing sa radyo ay wala ka ng ibang maririnig. Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa sa harap ng apartment. Hindi ko na hinintay na pagbuksan n'ya ako ng pinto, bumaba ako at ganoon din si Lana. He opened