Flashback continued. . . "PARISA! PARISA!" sigaw ko sa gitna ng dilim. Ni hindi ako umabot sa tarangkahan ng bahay at isinigaw ko na ang pangalan n'ya. Kailangan n'ya akong tulungan para bumalik sa akin si Alaric. Gagawin ko ang lahat ng gusto n'ya. "Kastelana. . . pumasok na muna tayo sa loob at kumal --" awat sa akin ni Anita. "Parisaaa!" isinigaw ko ng mas malakas ang pangalan n'ya. "Kastelana, pakiusap. . ." "Anita, kunin mo ang libro ko. Kapitan mo at hintayin mo ako sa bakuran. Mauna ka na. Sige na," sabi ko sa kanya. "Kailangan kong makausap si Parisa at baka kaya hindi s'ya nagpapakita ay narito ka kasama ko." Kaagad itong tumalima bagamat ramdam ko na ayaw n'ya akong iwan. "Pari --" "Narito na ako, Kastelana," narinig ko ang tinig mula sa aking likod. At nang humarap