Siera's POV "AKAKO!" Bigla akong natigilan ng marinig ang sigaw ni Gin. Tsaka ko lang napansin ang papalapit na sasakyan sakin. Mabilis akong tumalon at tinukod ang dalawang kamay ko sa hood ng sasakyan nito at tsaka naglanding sa lupa ng maayos. Huminto yung sasakyan at tinignan ako. Biglang lumapit si Gin sakin at niyakap ako. "What the hell are you doing! Magpapakamatay kaba!?" naiiyak na turan ni Gin habang nakayakap sakin. Hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa umalis na yung sasakyan. Humiwalay si Gin sakin at sinamaan ako ng tingin. "Ano bang problema mo?! Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong niya. Tinap ko lang ang ulo niya. "None. Let's go home. You might catch a cold." sabi ko dito at pilit na ngumiti. Nakakunot ang noo niya. Hindi na ako nagsalita pa at nauna ng maglakad.