Zed's POV Nang imulat ko ang mata ko ay kaagad na bumungad sa akin ay ang kulay puting kisame. "Aray.." napangiwi ako ng maramdaman ang pagkirot ng tagiliran ko. Nilibot ko ang paningin ko. Walang tao. Teka nasa hospital ba ako? P-pero paano ako napunta dito. A-anong nangyari. Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Seira na may dalang supot. Nang mapansin nitong gising ako ay kaagad itong lumapit sakin. "Masakit pa ba ang sugat mo?" Tanong agad nito pagkaupo sa gilid ko. "M-medyo.." sagot ko naman. Napansin ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. "Sorry... pati ikaw nadamay." sabi niya. Bakas sa tono nito ang lungkot. Napangiti naman ako. Ngayon ko lang siyang nakitang mag-alala. Ang totoo niyang matagal ko na siyang gusto. Simula nung nakita ko siya