Siera's POV Hingal na hingal na ako. Takbo parin ako ng takbo. Walang katapusan na takbo. Hanggang sa may nakita akong kulay puti sa dulo. Mas binilisan ko ang takbo ko. Nang marating ko yung kulay puti ay huminto ako. Hingal na hingal. Ngunit pinilit kong tumayo ng maayos. Maya-maya lang ay bigla kong nakita ko ang anino niya. Patakbo ko ulit iyong sinundan. Pero biglang nag dilim ang buong paligid. "AHHHHHHHH!!" "ARRRRRRGGHHHHH!!" Napatakip ako ng bibig sa mga nasaksihan. Nanlalambot na napaupo ako sa lupa. N-no.... Y-yahh! "AHHHHHHHHH!" Napasigaw na ako habang nakatakip ang kamay ko sa tenga ko. Ayoko na! Tama na! Itigil mo na! "KIRIAN!" iyak na ako ng iyak. H-hindi... Kirian! "KISAMA!! ANATA NO KOROSU!" "HAHAHAHAHAHA!" tawa ito ng tawa habang pinaparusan ang batang lalaki