CHAPTER SIX

1578 Words
"Ate... ano bang meron sa inyo ni Mr Salvatore? Bakit niya tayo tinutulungan?" tanong sa akin ni Lance habang nasa silid kami ni Lola para ayusin ang mga gamit nito. Si Henrix ay nasa salas, naghihintay matapos kami. Bumuntong hininga ako at sandaling inihinto ang pagaayos ng gamit. Binalingan ko ang kapatid kong puno ng katanungan ang mga matang nakatingin sa akin. Pagmamay-ari na ako ni Mr Salvatore, Lance. Kaya niya tayo tinutulungan. Gutso ko sana isatinig ngunit hindi maganda sa pandinig lalo na't hindi niya pa naman maiintindihan. "Kaibigan ko si Mr Salvatore kaya siya nagmamagandang loob... kaya niya tayo tinutulungan," sagot ko na may katotohanan at kasinungalingan. Hindi ko siya kaibigan... babae niya ako. "Kilala ko si Mr Salvatore, Ate. Mayaman ang lalaking iyan, ma-impluwensyang tao, lahat ng gusto nakukuha... umamin ka sa akin Ate, may kapalit ba ang lahat ng ito?" seryosong sinabi ni Lance ngunit bakas ang pangamba sa naging tanong niya. Hindi ako makapagsalita, hindi ko inaasahang tatanungin niya ako ng ganito. Marahil masiyado kong isinawalang bahala ang p'wedeng isipin ng kapatid ko, akala ko hindi maiisip ang ganoong bagay. "Lance... h'wag ka nang maraming tanong, sundin mo na lang ang mga sinasabi ko sa iyo dahil para din ito sa atin," saad ko na lang ngunit batid kong alam niya na ang sagot sa tanong niya. "Tama ako, babae ka niya ate... nagpabayad ka para sa pera at mapagamot si Lola. Hindi na ako mangmang para hindi ko malaman at alam ko na agad dahil sa paraan kung pa'no ka niya tingnan," napagtanto niya na at hindi ko na napigilan ang panginginit ng bawat sulok ng aking mga mata. Nakakahabag palang marinig sa bibig ng sariling pamilya na malaman nilang bayad ako, babae ako ng isang mayamang binata. Bahagya akong napayuko at hilam ang luha na nag-angat ako ng tingin sa kapatid ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang parehong kamay niya. Kahit siya namumula ang kanyang mga mata sa nagbabadyang pag-luha dahil sa nalaman. Alam kong masakit din dito ang pinasok ko. Nagaalala siya sa akin dahil nag-benta ako ng sarili para sa kanila. Ayon ang kinatatakot nila ni Lola, madalas kasi ay tipuhin ako ng mga mayayaman na kalalakihan ngunit niisa wala naman akong pinapatos, ngayon lang. Sa tindi ng kagipitan kinakaharap namin at dahil wala na rin ako ibang pagpipilian kundi kumapit sa p'wedeng kapitan. "Makinig ka kay Ate, Lance. Hmm? Para sa inyo ito ni Lola, para ito sa kinabukasan mo para hindi na kayo maghirap pa kaya si Ate na, si Ate na ang bahala sa lahat, willing ako isakripisyo ang sarili ko para sa ikabubuti niyo," lumuluhang sinabi ko habang hinahaplos ang mga kamay niya. "Pero Ate... hindi mo kailang magbenta ng katawa—" "Lance... kailangan. Kailangang-kailangan na dahil kung hindi ko ito gagawin, mawawala sa atin si Lola, gusto mo ba iyon?" putol ko sa sanang sasabihin niya at sunud-sunod ang naging pag-iling niya sa tanong ko. Hindi siya nagsalita at mataman niya lang akong pinagmasdan habang naluluha kaya nagpatuloy ako. "Sana maintindihan mo ako sa ginagawa kong ito, para din ito sa kinabukasan mo, ayos lang si Ate, h'wag kang magaalala. Mabait si Henrix," pangungumbinsi ko sa kanya. Yumuko siya at pinunasan ang mukha niyang may naglandas na luha at saka muling tumingin sa akin. "Hindi mo pa kilala si Sir Henrix, Ate. Hindi natin alam kung anong p'wede niya gawin sa iyo kapag kayo na lang dalawa," saad niya na bakas ang takot para sa akin. Ngumiti ako at hinagod ko ang buhok niya. "Hindi niya ako sasaktan, kaya h'wag ka na mag-isip ng kung anu-ano, huh?" I assured him. "Pero... may kwento tungkol sa kanya, Ate..." Nangunot naman ang noo ko at akmang tatanungin ko na sana kung ano iyon nang biglang may kumatok sa labas ng pinto ng silid ni Lola. Si Henrix, wala naman ibang kakatok kundi siya lang. "Are you done?" tanong nito mula sa labas. Nagkatinginan kaming magkapatid kaya nagpatuloy na kami ulit sa pagaayos ng mga gamit. "Malapit na, kaunti na lang," sagot ko mula rito sa loob, dinig naman dahil ang pinto ay gawa lamang sa fly wood. Biglang bumukas ito at bumungad sa amin ang casual na ekspresyon ng mukha ni Henrix. Tiningnan niya ang mga damit na inaayos namin para ilagay sa malaking bag. "Tyla, don't bring all your clothes, may mga gamit ka na sa bahay," saad niya kahit nasa harap namin ang kapatid ko. Awang naman ang bibig kong napatitig sa kanya. M-May damit na agad ako sa bahay niya? Napaka-agaran niya, nagmistulang segurista. Napatingin naman ako kay Lance, akala nito sa iisang bahay pa rin kami titira hindi niya alam... ihihiwalay ako ni Henrix sa kanila. Hinawakan ko muli ang kamay ni Lance sabay buntong hininga. "Lance, makinig ka, may bahay kayong tutuluyan ni Lola at ako, sa bahay ni Henrix... iyon ang napagusapan namin," paliwanag ko sa kanya ngunit bakas sa mukha niya ang pagka-disgusto niya. "Ate... hindi ka titira kasama namin ni Lola? Pero—" "Lance... higit kong kailangan ang pang-unawa mo ngayon, alam kong naiintindihan mo. Napag-usapan na natin, hindi ba? Sundin mo na lang ako," saad ko nang hindi ko siya muling patapusin sa pagsasalita. Tumango-tango na lang siya. "S-Sige Ate..." Bahagya niyang sinulyapan si Henrix na naka-halukipkip habang nakahilig sa may hamba ng pintuan habang pinapanuod kaming magkapatid. "Palagi naman ako bibisita, kaya h'wag kang mag-aalala," paniniguro ko sa kanya sabay gulo ko ng buhok niya. Wala nang salitang namutawi kay Lance kaya mabilis na lang naming tinapos ang ginagawa dahil ramdam ko nang may isa ditong hindi na makapaghintay makaalis kami. Tiningnan ko muna ang kabuuang bahay bago namin ito lisanin, naramdaman ko ang kamay ni Henrix na pumulupot sa baywang ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Let's go?" yakag niya na sa akin habang ang mga mata niya'y hindi ako nilulubayan. Si Lance ay pinauna ko na sa sasakyan dala ang mga bagahe namin. Bumuntong hininga ako at tumango. Iginaya niya ako patungong sasakyan at ang mga mata ng mga tao ay naglipana sa amin. "Aba'y pamilyar ang binatang iyan, ah?" "Hindi ba si Mr Henrix Salvatore iyan? Iyung negosyanteng ubod ng yaman?" "Jackpot si Tyla! Bigatin ang nabingwit!" "Hindi naman kataka-taka, maganda iyang apo ni Pacita, balita ko nga noon pa iyang tipuhin talaga ng mga mayayamang lalaki, ngayon lang ata may pinatos." Iilan lang iyan sa mga lantarang bulung-bulungan ng mga taga-ritong nakatingin sa amin ngayon at naramdaman ko ang biglang paghigpit ng kamay ni Henrix sa aking baywang kaya napasinghap ako at medyo masakit ang pagkadiin niya kaya nahawakan ko ang kamay niya. "Henrix," tawag ko sa kanya ngunit nanatiling mahigpit ang hawak ng kamay niya sa maliit kong baywang. "Hindi ka na mag-ta-trabaho sa club, you are going to stay at home for good," saad niya sa akin at ang boses niya ay naging matigas. Parang galit. Wala akong ginagawa, pero bakit siya galit? Tumango ako at sinangayunan na lang ito. Tumungo na kami sa sasakyan niya. Si Lance ay tahimik na naghihintay sa amin sa back seat. Pinagbuksan ako ng pinto ni Henrix at sumakay na rin siya sa driver seat at agad pinasibat ang sasakyan. Hindi ko alam saan lugar niya ba kami dadalhin. Lumipas ang kulang isang oras nang pumasok kami sa isang malawak na subdivision nang mayroong guard na humarang sa sasakyan kaya sandaling napahinto si Henrix at ibinaba niya ang bintana at sinilip kami nito sa loob. "Magandang gabi po, Mr Salvatore, hindi ko po nakilala ang sasakyan niyo. Pasensya na, pasok na ho kayo," saad ng guard na muka namang nagkamali lang ng hinarang. Tanging tango lang ang iginawad ni Henrix at muli niya nang pinasibat ang sasakyan papasok ng Subdivision. Tanaw namin ni Lance mula dito sa bintana ng sasakyan ang mga naggagandahan at naglalakihang mga kabahayan. Mukang mayayaman talaga ang mga nakatira. "D-Dito ka nakatira?" namamangha kong tanong kahit hindi pa kami nakakarating sa mismong bahay niya. "No, dito lang ang bahay na binili ko para sa kapatid at Lola mo na nakapangalan sa iyo, ihahatid lang natin si Lance," sagot niya kaya agad akong napalingon sa likod kung saan si Lance. Halatang gulat din siya dahil hindi naman namin inaasahang ngayong gabi rin niya ako ibubukod sa pamilya ko. Akala ko naman ay bibigyan niya ako ng ilang araw pa para makasama ang mga ito. "Henrix..." tawag ko sa pangalan niya habang may pagsusumamo sa aking mga matang tiningnan siya. Humawak ako sa mangas ng Tshirt niya at alam kong alam niya na ang ibig ko sabihin. "Tyla..." sambit niya rin sa pangalan ko na wari kong isang warning iyon na h'wag matigas ang ulo ko. Kahit isang gabi, hindi niya ako hahayaan makasama ang kapatid ko? Kailangan ako nito sa tabi niya. "Ayos lang ako Ate, h'wag mo na akong alalahanin," sinabi na lang ni Lance nang makita niyang balak ko mag-protesta kay Henrix. "May makakasama siya sa bahay, may mga maids doon na mag-aasikaso sa kanya at sa lahat kakailanganin niya kaya h'wag ka nang magaalalang nag-iisa ang kapatid mo ro'n," Henrix said with assurance na magiging maganda ang lagay ng kapatid ko kahit wala ako sa tabi nito. Malungkot na ngumiti sa akin si Lance nang magtama ng mga mata namin. Alam kong pilit niya lang iniintindi ang nangyayari dahil utang na loob namin kay Henrix ang lahat at isa pa hindi ako p'wedeng magreklamo dahil pera niya ang nagpapagalaw sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD