CHAPTER SEVEN

1564 Words
Namamangha kaming nililibot ng tingin ang bawat sulok ng malawak bahay, hindi man ito ganoon kalakihan ngunit masasabi kong maganda talaga at mukang may pera ang titira, magmula sa mga gamit sa salas, mga dekorasyon, muwebles, gamit sa kusina ay talagang nakakatuwa at komportableng tirhan. "D-Dito po kami titira ni Lola, Sir Henrix?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lance. "Drop the 'Sir' call me Kuya. And yes, dito na kayo titira ni Lola Pacita from now on," sagot ni Henrix at ginawaran ng magaang ngiti ang kapatid ko. "P-Parang hindi naman po kami nababagay sa ganito kagandang bahay." Natigilan kami sa sinabi ni Lance. Kagaya ni Lola ay nanliliit din ito sa sarili at ayon ang kinaaayawan ko. "Lance," tawag ko sa pangalan niya upang ipabatid na h'wag siya mag-isip ng ganoon. "Anyone deserves to live in a nice and comfortable home, sa mga ganitong bahay kayo nararapat tumira, hindi sa ganoon klase ng lugar." Ang tinitukoy niya ay ang bahay naming inalisan. Nagalak naman ako sa sinabi ni Henrix, hindi maliit ang tingin niya sa pamilya ko, nakikita ko iyon. His eyes are open sa kalagayan ng mga taong nasa paligid niya... o dahil lang pamilya ko sila at may mapapala siya? Alin man doon ay hindi na iyon mahalaga, ang importante ngayon ay ang ipinangako niya sa akin na bibigyan niya ng maayos na buhay ang pamilya ko. Nandito na rin lang naman ako, mainam nang gamitin ang utak kaysa puso, tutal ay matagal ko nang gustong iahon sila sa hirap at mukang ipinagduldulan na talaga sa akin ang solusyon at iyon ay ang gamitin ang mukha at katawan para sa iisang layunin. Ang pangit pakinggan ngunit wala akong magagawa, iyon naman talaga katotohanan, kailan man hindi ko matatakasan dahil hindi naman kami ipinanganak na mayaman. Mabuti na lang talaga, ipinanganak akong may natural nang itsura na ka-gusto-gusto ng mga kalalakihan. Marahil muka akong nagmamalalaki pero hindi ganoon dahil minsan na akong ipinahamak nito. Ngunit hindi na rin naman iyon mahalaga dahil parte na lang iyon ng nakaraan at sa ngayon ay napapakinabangan ko na rin naman ang mukang ito. Nagulat ako nang maramdaman na naman ang kamay ni Henrix sa aking baywang kaya napa-baling ako sa kanya. "You're spacing out, what are you thinking?" puna niya sa akin habang sinusuri niya ang nilalaman ng isip ko. "W-Wala naman... iniisip ko si Lance siguradong mamamahay siya lalo na't mag-isa lang siya rito," sagot ko na may katotohanan din naman. "Hindi siya mag-iisa, may mga maids," tinuro niya ang dalawang may edad nang babae na nakatayo lang sa gilid at naghihintay ng anumang iuutos. "Iba pa rin iyung pamilya... ibang tao sila," katwiran ko kaya bored siyang tiningnan ako at inilapit ang bibig niya malapit sa tainga ko. "Uulitin ko, you have to stay with me to fulfill your duty, your work is to warm my bed and you can't do that kung nandito ka kasama nila," bulong niya na ikinalunok ko. Nakalimot ka na naman, Tyla. Trabaho mo ang paligayahin siya, hindi mo nga naman iyon magagawa kung dito ka rin titira. You have to work and make him happy. Para patuloy suportahan ni Henrix ang pamilya mo. It's your job now to pleasure him. Tumango-tango ako. "Sorry, nadala lang ako pero alam ko naman iyon at hindi naman ako tumututol," saad ko sa kanya. Ngumisi siya. "Then, good. Mabuti nang nagkakaintidihan tayo dahil mabilis uminit ang ulo ko kapag makulit at paulit-ulit," muli niyang bulong sa akin with his gritted teeth. His words making me obey him in instant. Kahit noong nasa club pa lang kami ganito na epekto niya sa akin, mabilis lang niya ako napapasunod sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung takot ba iyon o ano. Something in him na gugustuhin mo na lang sumunod kaysa ang mag-protesta. Tipong hindi mo gugustuhing makita galit niyang bahagi and the worst is he can move mountains using his own money. Wala atang hindi nagagawa ng pera sa panahon ngayon. Bumaling ako kay Lance na tahimik lang ngunit gumagala ang mga mata niya sa buong bahay. "Lance, bring those bags in your room and to your Lola's room, you have plenty of hours to make a tour of your new home," saad ni Henrix bilang pag-uutos dito na kumilos na. Agad naman sinunod siya ng kapatid ko at sinenyasan niya ang mga kasambahay na tulungan ito. Akmang tutulong din ako sana ako nang hawakan ako ni Henrix sa braso. "Let them be, trabaho nila iyan at uuwi na tayo," saad niya sa akin kaya natigilan ang kapatid ko sandali at lumapit sa akin. "Ate, bumisita ka palagi ah," naglalambing na sinabi ni Lance kaya ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. "Oo naman, magpakabait ka rito, huh? Tawagan mo ako kapag may problema," pagbibilin ko kanya at tipid lamang siyang ngumiti. "Opo, Ate. Ikaw rin... mag-iingat ka," saad niya sabay sulyap kay Henrix at ibinalik ang tingin sa akin. Itong batang ito, natatakot talaga siyang baka may gawin sa akin masama si Henrix. Kinurot ko ang pisngi niya at pinanlakihan ng mata. "H'wag kung anu-ano ang iniisip, gusto ko mag-focus ka lang sa pag-aaral iyon ang atupagin mo." Sandali pa siyang kinausap ni Henrix na kung may kailangan man ito sabihin daw agad sa kanya dahil siya nang bahala sa lahat at bukas na bukas ay ita-transfer si Lance sa isang private school at doon na mag-aaral. Nag-protesta rin si Lance noong una ngunit kinalaunan napapayag din siya ni Henrix, at matapos nang naging paguusap nila ay lumabas na kami ng bahay. Nasa sasakyan na kami ngunit hindi pa binubuhay ni Henrix ang sasakyan, kaya nagtataka ko siyang tiningnan. Sakto nang magtama ang mga mata namin ay kinabig niya ako sa batok at siniil ng mapusok na halik sa labi... halik na hindi na kayang makapaghintay pa. Gulat at nanlalaki man ang mga mata ko ay mas pinili ko na lang pumikit at tugunan ang halik niyang marubdob, walang pag-iingat at halos makagat niya na ang taas-baba ng labi ko. He's a rough kisser. Hindi na rin naman ako mangmang pagdating sa paghalik pero wala pa akong pinagbigyan ng aking sarili at balak ko sana ibigay sa lalaking mamahalin ko ngunit dahil sa sitwasyon ko, maibibigay ko na sa isang binatang kakikilala ko pa lang. Napasinghap ako nang bumaba ang halik niya sa aking panga pababa sa aking leeg. "You lips is too sweet," saad niya sa pagitan ng aking leeg. "And you smell so nice, it's so addicting," dagdag niya pa at saka lang siya lumayo sa akin. Hingal akong napasandal sa bintana nang sasakyan habang nakaharap ako sa kanya. His eyes are burning with lust. Hindi ko nga namalayang nabuksan niya pala ang ilang butones ng suot kong blusa kaya kita na ang cleavage ko at inayos ko rin agad at ibalik sa dati ang pagkaka-butones. "Let's continue this at home, I don't want to take you here, it's inappropriate for a v*rgin," saad niya na nakapagpaawang ng bibig ko. A-Alam niya? Pero kung sa bagay halata niya sigurong hindi ako easy to get na babae, kung hindi lang dahil sa problema ko sa pera ay hindi ko naman siya para patulan kahit na gaano pa siya ka-gwapo at kayaman... Hindi na ako nagsalita pa at binuhay niya na ang sasakyan at mabilis na pinasibat. Napansin kong hindi napapalis ang ngiti niya sa kanyang labi. Dumako naman ang tingin ko sa kamay niyang panay ang hagod sa kanang hita ko. May panggigil doon. Habang lumilipas ang oras, tinatahak namin ang lugar na tila isang subdivision din ngunit wala pa gaanong kabahayan, karamihan ay mga puno pa ang nakatayo. Medyo malayo rin sa bayan at higit sa lahat, malayo talaga sa bahay na pinagdalhan namin kay Lance. It's like an isolated place! Kinabahan ako bigla at hanggang sa natatanaw ko na ang isang malaking bahay, magara ito, hindi naman mukang mansion ngunit sobrang laki para sa isang tao lang. Tumigil kami sa tapat nito, imbis na humanga ay sa hindi malamang dahilan nangunguna ang kaba ko. Walang kapitbahay! "D-Dito ka nakatira?" kabadong tanong ko at humigpit ang hawak ko sa seat belt. "Yes, why? You look scared," He sounds amused by my reaction na pinaghalong takot at gulat. "A-Ang layo ata... nito sa k-kabihasnan... tanging mga guard lang ang n-nakita ko kanina," nauutal kong saad sabay baling ko sa kanya. "Ako kasi iyung tipo na gusto kong dinadala ang pagmamay-ari ko sa lugar na ako lang ang may access, I'm possessive to every bit of my possessions..." makahulugan niyang tugon na ikinalunok ko. His words sends me shiver and it creep me out! Dahil sa layo ng bahay niyang ito kahit gustuhin ko man umalis o lumabas para pumunta ng bayan o kahit saang lugar na gusto ko ay hindi ako basta makakaalis nang walang sasakyan niya. Parang ang buong lupaing ito ay tanging siya lang ang p'wedeng lumabas-pasok dahil bahay niya lang ang nakatayo rito. Hindi na ako nagtataka dahil kaya niya naman bilhin lahat ng materyal na bagay kapag ginusto niya. Inilapit niya ang mukha at katawan niya sa akin na tila ginigitgit ako sa sulok ng bintana kaya napayuko ako dahil sa labis na pagkailang at pagkakadikit namin. Hindi ko namalayan ang pagbilis ng paghinga ko habang ang bibig niya'y itinapat niya sa tainga ko at saka nagsalita. "This is your new home... where you can't escape."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD