Pinagmamasdan ko si Lola na ngayon ay nakaratay at wala pa rin malay. Kagaya ng sinabi ng doctor ay kailangan na nitong operahan sa lalong madaling panahon.
Ngunit saan ako kukuha ng malaking halaga?
Ang perang naitatabi ko ay naipambayad ko na rito sa hospital sa unang gabi ni Lola, ang mga katrabaho ko ay bumisita na at nag-abot ng kaunting tulong pinansyal sa amin ngunit hindi pa rin sapat sa gastusin sa hospital at iba pang mga kailangan.
Bakit ganito ang pagsubok na kinakaharap ng pamilya ko ngayon... kung sino pa ang mga walang kakayanan magpagamot kami pa itong sinusubok ng problema.
"Ate... ano nang gagawin natin?" puno ng pangambang tanong sa akin ni Lance.
Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Gagawa ako ng paraan, Lance. Ma-o-operahan si Lola. Hindi ko lang alam kung paano pero pipilitin ko gumawa ng paraan," sagot ko sa kanya kasabay ng panginginit ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha.
Hindi na muling nagsalita ang kapatid ko at bakas sa mukha niya na gusto niya na lang magtiwala sa akin.
Naalala ko hindi pa nga pala kami nakain ng umagahan mula sa lumipas na magdamag at siguradong gutom na ito.
"Lance, lalabas ako sandali bibili lang ako ng pagkain natin, huh? Kapag may dumating man na nurse o doctor at kapag may sinabi sila ay balitaan mo na lang ako pagdating ko," paalam at bilin ko sa kanya.
Tumango siya. "Sige, ate. Balik ka agad."
Lumabas na ako ng pribadong silid kasabay ng malalim na buntong hininga paglabas ko.
Napaka-bigat sa dibdib at hindi ko na malaman kung ano nang gagawin ko.
Naglakad na ako palabas ng ospital at dahil sa pagka-balisa ko hindi ko na namalayan may kasalubong na pala ako sa daan kaya tumama ang mukha ko sa matigas nitong dibdib na tila isang malaking dingding.
Nasapo ko ang noo at ilong ko ngunit bago pa man ako mag-angat ng tingin ay narinig ko na ang pamilyar niyang boses.
"Tyla?" tawag sa akin ng panlalaking tinig.
Para maman akong ninagas sa kinatatayuan ko at unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya.
Anong ginagawa niya rito? Baka may check up siya o hindi kaya ay may bibisitahin.
"S-Sir Henrix..." gulat ko namang sambit sa kanyang pangalan.
Sandali niya muna akong pinasadahan ng tingin bago siya nagsalita.
"What are you doing here? Are you feeling sick?" alinsunod niyang tanong at bakas pagaalala sa kanya ngunit agad din natakpan nang mag-seryoso ang mukha niya.
"H-Hindi po ako... ang Lola ko po," sagot ko at labis ang pagpipigil kong h'wag maiyak sa harapan niya.
Mukang kahit anong tago ko, napansin niya ang nagbabadya kong mga luha na pinipigil ko lang.
"What happened to her?" tanong niya.
"Inatake po siya sa puso at kailangan nang operahan sa lalong madaling panahon," sagot ko sabay iwas ko ng tingin sa kanya.
Ayokong makita niya ang pagiging mahina ko at ang pagtulo ng mga luha ko ngunit traydor mga ito nang tuluyan na ngang dumaloy sa magkabila kong pisngi.
Nanatili siyang nakatitig sa aking mukha, pinunasan ko ang magkabilang kong pisngi gamit ang palad saka ko muling sinalubong ang mga tingin niya.
"Mauna na po ako, pasensya na nakita niyo pa akong nasa ganitong sitwasyon, bibili lang po ako ng pagkain naming magkapatid," paalam ko na sa kanya.
Ngunit nang akmang lalagpasan ko na sana siya ay bigla niya akong hinawakan sa braso kaya napatigil ako.
"B-Bakit po?" tanong ko.
"What's your Lola's name?" tanong niya.
"Pacita Melendez po..." marahang sagot ko na halos pabulong na.
"Alright, that's all I need to know," makahulugan niyang sinabi na ipinagtaka ko.
Hindi na ako nagtanong dahil ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matagalan ang paraan ng paninitig niya kahit pa nasa seryoso akong sitwasyon.
Tumango na lamang ako at umalis na sa kanyang harapan ngunit ramdam ko pa rin ang mga mata niya sa aking likuran at ang pakiramdam ko ay nagaalab ang likod ko.
Iwinaksi ko ang nararamdaman kong iyon at agad na tumungo ako sa pinaka-malapit na karinderya at bumili na ng pagkain.
Binilisan ko lang at bumalik na ako agad sa ospital dahil siguradong gutom na si Lance. Pagkapasok ko ng silid ni Lola ay nagulat ako sa nadatnan ko.
What is he doing here?
"S-Sir Henrix, ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanya nang makita siyang nakatayo sa gilid ng lola ko.
Agad siyang lumingon sa gawi ko ganoon din si Lance na kita ang pagkalito sa mukha. Kahit man ako nalilito rin.
Mukang mataman niyang pinagmamasdan at sinusuri ang itsura ng aking Lola bago pa man ako dumating. Pero bakit nga siya naririto?
"I just want to see your precious grandma," he simply answered sabay ekis ng dalawa niyang braso.
Lumapit muna ako kay Lance at inabot sa kanya ang isang supot ng pagkain.
"Kumain ka na muna Lance," utos ko sa kapatid kong hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ang mukhang nakatingin kay Henrix.
"Lance, kain muna." paguulit ko sa kanya saka lang siya natauhan kaya agad niyang kinuha ang pagkain inaabot ko.
"Sorry ate, pero anong ginagawa ni Mr Henrix Salvatore dito?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
Paano ko sasagutin gayong hindi ko rin alam.
"I'm your sister's friend, I just want to take a look at your grandma," si Henrix ang sumagot dahil dinig naman niya ang tanong ng kapatid ko.
"Sir Henrix, p'wede po ba na sa labas tayo mag-usap?" pasintabi ko sa kanya na ikinatango niya.
"Sure." Nauna siyang lumabas sumunod ako.
Nang kami na lang dalawa ay hinarap ko siya.
"Iyong totoo po Sir, bakit niyo pinuntahan ang Lola ko gayong wala po kaming kaugnayan sa inyo?" diretsuhan kong tanong sa kanya.
Inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng suot niyang black pants.
"Do you need help, Tyla?" makahulugan ngunit may himig ng pagiging tukso niya na tanong sa akin.
H'wag niyang sabihing... gagamitin niya ang sitwasyon ko para pumayag ako sa alok niya?
"Mr Salvatore... yes I am. Hindi po ako hipokritang tao para itanggi hindi ko kailangan ng tulong. Sa katunayan kailangang-kailangan ko, pero kung ipipilit niyo ulit sa akin ang alok niyong maging babae niyo, muli ko po kayong tatanggihan." Inunahan ko na siya sa maaari niyang sabihin.
Natawa siya at yumuko sabay hawak niya sa sariling baba. Tila naaaliw siya paraan ng pakikipagusap ko sa kanya ngayon.
"Really? At your situation mas pipiliin mo pa rin ang pride kaysa sa buhay ng Lola mo? You know I can help you but you are still refusing me in this kind of urgent situation," saad niya na ikinatigil ko.
Natahimik ako.
Muli na naman pinamukha sa akin ang katotohanang wala nga talaga akong ibang mapagkukunan ng pinansyal. Nasusukol ang pakiramdam ko.
"Come to think of it, Tyla. I can pay all the hospital expenses of your grandma. Plus, I can send her to a care unit to monitor her health where she can lay comfortably. I'm willing to hire a medical team for her health monitoring. She can also have her personal nurse and personal specialist doctor. What do you think?" he offered as if it's really good to deal with him.
Nahagod ko ang buhok ko kasabay ng pag-upo ko sa bakanteng hanay ng bench. Napatitig ako sa pinto ng silid ni Lola, kung papayag ako, ma-o-operahan na siya at agad siyang gagaling sa tulong ng pera ni Henrix.
Sa totoo lang, napaka-hirap mag-desisyon pero kung iisipin, isang oo ko lang sa kanya siguradong tapos na itong problema ko. Kaya niya nang tapusin sa isang pitik lang dahil sa dami ng pera niya.
Nakagat ko ang hinlalaki kong daliri dahil sa maraming natakbo sa aking isipan habang siya naman naghihintay sa sasabihin kong desisyon.
Talagang gusto niya akong mapapayag...
Kakakilala lang namin kagabi ngunit desido talaga siyang gawin akong babae niya na susuportahan niya sa lahat ng usaping pinansyal.
Handa ba ako magpabayad kapalit ang sarili?
Makakaya ko kaya?
Pero kung alang-alang sa Lola at kapatid ko, kakayanin. Kakayanin ko at kung ito na lang ang paraan para mailigtas ko ang buhay ng Lola ko ay gagawin ko na.
Hindi ko siya lubusan kilala ngunit pakiramdam ko wala na akong ibang pagpipilian.
Napahilamos ako gamit ang dalawa kong palad. Tumayo ako at saka ko siya muling hinarap.
"Payag na po ako, alang-alang sa Lola ko. Naisip kong kung hindi ko ito gaagawin ay mamamatay siya sa kawalan ko ng perang pambayad ng hospital, kayo lang ang may kakayanan at willing tulungan ako kaya naman po pumapayag na ako." Pilit ko tinatagan ang boses ko.
Unti-unting sumilay ang malawak na ngiti sa kanyang labi, ngiting siya ang nagwagi kaya naman napapitlag ako nang hawakan niya akong bigla sa aking pisngi.
His touch sends me shivers.
"Good decision, Tyla. You thinking way smarter than I expected," naliligayahan niyang sinabi habang pinagmamasdan ng malapitan ang mukha ko.
Mabuti na lang wala masiyadong dumadaan sa pasilyong ito kaya walang nakakakita sa malapitan naming paguusap.
"Basta po ipangako mong tutuparin mo ang mga pinangako mo para sa Lola ko... please save her," saad ko na may pagsusumamo sa huli kong sinabi.
Hindi siya nagsalita ngunit ang mga mata niya ay nananatiling nakatitig sa akin. Parang ayaw niya na akong lubayan ng tingin.
"I will, baby. I will do as I promised. You have my word. Just do everything I say, and I will give you everything in this world. I can even make you lay on the clouds if you wish," he whispered, almost touching my lips.