CHAPTER THREE

1663 Words
"W-What Sir?" tila nabibinging tanong ko. "You heard me, be my woman and I will give you everything. Hindi ito sapilitan iyon ay kung gusto mo lang naman," sagot niya kaya mas lalo akong natigilan. Tiningnan ko ang mga kaibigang kasama niya ngunit ngayon ko lang napansin dalawa na lang pala kaming naiwan dito. Wala na sila hindi ko man lang namalayan, marahil lumipat sila sa ibang lamesa o hindi kaya nasa dancefloor. "Ayoko po Sir, kung papayag ako wala na rin akong pinag-kaiba sa mga babaeng bayaran. Hindi po ako ganoong klase ng babae," pagtanggi ko sabay tumayo na ako. Akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa kanang pulsuhan at hinila pabalik sa tabi niya. "This is an exclusive offer with exclusive benefits, Tyla. Once in a lifetime offer that no one can give you unless they are rich as me? Come to think of it... isipin mo kung gaano kahirap ang buhay na meron ka ngayon," pangungumbinsi niya pa sa akin. "Bakit po ako ang napili niyong alukin nito? Hamak na waitress lang po ako rito sa club at mas marami pong magagandang babae riyan na p'wede ninyong alukin," saad ko. Pero inaamin kong nakakaisip akong tanggapin ngunit mas lamang ang hindi. Kahit pa gaano kahirap ang buhay hindi ko pa rin ata makakaya mag-benta ng sarili kapalit ng ginhawang kayang ibigay nito sa akin at sa pamilya ko. May dangal pa akong natitira, kaya hindi ko gagawin. Idagdag pa na halos kahalati ang agwat ng edad namin... He's in his 30's. "Simply because... the moment I saw you earlier, you made me hard effortlessly," he answered shamelessly close to my ear that sends me shivers. Mariin akong napapikit at napalunok. "S-Sir, I can't be your sugar baby..." muling kong pagtanggi sa kanya. "But I can be your sugar daddy, just say yes and I will give you everything that you can't imagine," he said in his husky voice. Ang pangarap ko lang naman ay gusto kong magtrabaho, makapagtapos para kumita ng malaking pera para maiahon sa hirap ang pamilya ko ngunit hindi ito ang ibig kong sabihin... "I can support your education, kaya kitang pag-aralin sa kahit saang paaralang gusto mo kahit iyung pinakamamahal pa ang mapili mo," saad niya upang mas kumbinsihin pa ako. Tila ba nababasa niya ang nasa isip ko gayon din ang mga paghihirap at sakripisyo ko para sa aking pamilya at kung gaano ko kagusto ipagpatuloy ang aking pagaaral. Mariin akong napapikit. Nagdadalawang isip. Mukha ni Lola ang unang pumasok sa isip ko, ang nakakaawa niyang mukha na tila liit na liit sa kanyang sarili dahil sa labis na hirap ng buhay na kanyang dinadanas ngunit alam kong hindi niya gugustuhin ibenta ko ang sarili ko para lang sa pera. "Hindi ko pa rin po tatanggapin at isa pa baka kasal na kayo at may asawa at anak na kaya tinatanggihan ko po ang alok niyong iyan sa akin," muli kong pagtanggi at muli na akong tumayo. "I'm still not married at higit sa lahat wala pang anak. I'm one of the bachelors in town but looking for a sugar baby who can satisfy me in bed... kapalit lahat ng gusto niya, ibibigay ko," prente niyang sinabi. Kahit pa ngayong nalaman kong wala pa siyang asawa o anak ayaw ko pa rin. Hindi magugustuhan ni Lola ang ganitong uri ng trabahong pagkukuhaan ko ng pera. Umiling ako at naninindigang hindi ko tatanggapin ang kanyang alok sa akin. Huminga siya ng malalim at may kinuha sa loob ng coat niyang nasa gilid niya lang at inilabas ang isang black calling card. "Here, take this." Inihagis niya sa lamesang katapat ko ang calling card. "Kung magbago ang isip mo, you can call me anytime," dagdag niya sabay tumayo na at kinuha ang phone sa lamesa. Batid na rin ang pag-alis niya na mukang hindi na rin siya magtatagal pa rito. Kumuha siya ng malaking halagang bill mula sa wallet niya at inilapag sa lamesa, bayad iyon sa mga nainom nila. Bago siya umalis, lumapit siya sa akin at bumulong sa mismong tapat ng tainga ko. "See you again, I know you will accept my offer soon," bulong niya na parang sigurado talaga siya. Tumalikod na siya at hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng club. Nanlalambot naman akong napaupo sa sofa kung saan nakaupo kami kanina. What was that? Nasapo ko ang noo at dibdib ko. Pinoproseso ko ang nangyaring pag-uusap namin ni Mr Henrix Salvatore, hindi ko akalain siya ang nakausap ko kanina! Inalok niya pa akong maging babae niya kapalit ng komportableng buhay. That's odd for me. Ilang sandali akong natulala at dumako sa perang iniwan niya sa ibabaw ng lamesa at kinuha ko iyon. Binilang ang halaga, sobra ito sa halaga ng mga ininom nila. Ang laki ng tip, marahil bayad na rin sa akin sa pagpayag ko na magpa-table. Bumuntong hininga na lang ako at inilagay sa tray ang ibang pera at ang sobra ay ibinulsa ko na. Hindi bawal ang mag-bulsa ng tip at iyon din ang kagandahan sa club na ito. Bumaba na ako at tumungo sa counter sabay abot ng tray kay Jetson ganu'n din ang iba pang mga waiter galing sa mga table na pinag-serve-an nila. Ibinigay niya naman sa kahera at saka bumaling sa akin na may malisyosong tingin. "Tyla, balita namin pumayag ka mag-pa-table kay Mr Henrix kasama ang mga kaibigan niya, himala! Unang beses ito ah!" usisa niya sa akin kaya napairap ako. "Baka kung ikaw ang nasa lugar ko pumayag ka rin, kabado ako hindi ko matanggihan dahil pakiramdam ko kung hindi ako papayag ay ipatatanggal niya ako," saad ko na nagsilbing paliwanag. "Mayaman at magandang lalaki si Mr Henrix kahit sinong babae susunggab pero dahil sa kilala ka ng lahat dito, naniniwala ako napilitan ka nga lang dahil kilalang tao iyon, kahiya-hiya tanggihan kung table lang naman ang gusto," opinyon niya. "So Tyla, table nga lang ba ang nangyari? Walang hipo-hipo?" malisosyang tanong ni Sissa nang makalapit siya sa akin sabay angkla niya sa braso ko. "Wala, Sassi! Hindi naman ganoon si Mr Salvatore, gusto niya lang ng kausap, usap lang talaga ni hindi sumagi ang daliri niya sa akin," sagot ko upang pabulaanan ang hinala niya. "Ang swerte mo! Sana pala ako na lang nagdala ng mga drinks nila edi sana ako na-table! Kainis kasi Ma'am Honey! Wrong timing ang patawag!" inis na bulalas ni Sassi. Inalis ko ang braso niya sa akin. "Break muna ako sandali, nagutom ako. Hindi pa ako naghahapunan," paalam ko muna sa kanila. Tumango lamang sila at tumalikod na ako. Pumasok ako ng locker room at kinuha mula sa bulsa ko ang calling card na ibinigay ni Mr Henrix Salvatore. Matagal ko iyon pinakatitigan bago ko nilagay sa bag sa loob ng wallet. Dumiretso na ako sa pantry para sa mga empleyado at doon ako naghanap ng p'wedeng kainin. Umagahan, tanghalin at hapunan kung magdala dito ng mga lutong pagkain ang mga taga-kitchen para sa amin mga waitress at bartenders. Ininit ko ang pagkaing nasa fridge, salmon iyon na hindi ko alam ang luto pero mukang masarap naman at may kanin din na kaluluto lang. Mag-uumpisa na sana akong kumain nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko sa loob ng locker kaya dali-dali akong tumayo. Kinuha ko ang phone ko, nakita kong si Lance ang natawag. Hating gabi na, bakit kaya ito napatawag ng ganitong oras? Agad ko nang sinagot, hindi pa ako nakakapagsalita nang marinig ko ang tarantang boses ng bunso kong kapatid. "Ate! Si Lola!" umiiyak na bungad ni Lance. Agad akong nakaramdaman ng matinding kaba sa dibdib. Nilukob ako ng matinding takot. "Sinugod namin siya dito ng mga kapitbahay sa St John hospital ate, inatake sa puso si Lola..." Wala na akong sinayang na oras, nagmadali na akong kinuha ang bag ko sa locker para sana lumabas na ng club ng makasalubong ko si Sissa na nagtatakang tingnan ako. "Oh! Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang shift—" "Nasa hospital si Lola, Sissa! Please ikaw na munang bahala magpaliwang sa boss natin!" pakiusap ko sa kanya at kita ang gulat sa mukha niya. "O-Oh, sige! Ako nang bahala magsabing emergency. Balitaan mo kami agad kung anong lagay ng Lola mo, sige na lakad na!" Nagmadali na akong tumungo sa exit, sumakay agad ako ng jeep. Pagkarating ko ng hospital ay agad kong nakita si Lance na nakaupo sa bakanteng bench. Balisa itong naabutan ko. "Lance..." tawag ko sa kanya kaya agad siyang napalingon sa gawi ko. Tumayo siya at sinalubong ako ng mahigpit at takot na yakap. He is only 14 years old, and he still doesn't know what to do in this kind of situation. "Kamusta si Lola? Nasaan siya?" tanong ko. "Nasa ER, ate. Wala pang lumalabas na doctor simula pa kanina kaya hindi ko alam kung ano nang lagay ni Lola," nahahabag na sagot niya kaya muli ko siyang nayakap. "Ano nangyari nang walang ako? Bakit inatake si Lola?" Sa pagkakataong ito ay tinatatagan ko na lang ang boses ko na h'wag maging emosyonal dahil kailangan ko manatiling maging kalmado. "Si Tita Melody nagpunta sa bahay, hinihingan kami ng pera at nang walang maibigay si Lola kung anu-ano nang sinabi niya hanggang sa inatake na si Lola," pagsasalaysay ni Lance at ganoon na lamang ang biglang pagpupuyos ng kalooban ko. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng ER at niluwa nito ang isang doctora. "Kayo po ang pamilya ng pasyente?" tanong ng dotora sa aming magkapatid. "Opo, mga apo kami," sagot ko. "Tatapatin ko kayo, she's not stable. Her heart has complications dulot na rin ng katandaan, at kailangan ng agarang operation," saad niya na ikinapinanlumo ko. "M-Magkano po ang aabutin ng operasyon?" tanong ko at ngayon pa lang nasisiguro ko wala akong kakayanan bayaran iyon. "250 to 300 thousand, kailangan siya agad ma-operahan sa lalong madaling panahon," sagot ng doctora na mas lalo kong ipinanlumo. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD