Nag-time in na ako at saka lumabas sa bulwagan, maingay na mga musika ang sumalubong sa akin na nakagawian ko na. Tumungo na ako sa counter at kumuha ng apron at tray pati na rin note pad.
"Andiyan ka na pala, Tyla! Ikaw na ang magbigay nito sa VIP table 15, bagong dating lang din sila, pinatawag kasi ako ni Manager sa office niya kaya ikaw na lang magdala ng mga ito," utos ni Sissa sa akin sa mismong tapat ng tainga ko dahil sa lakas ng music. Waitress din siya kagaya ko.
Tumango ako at tinanggap ang tray na hawak niya na puno ng iba't ibang klase ng mga inumin.
Ngunit bago pa man ako umalis sa harapan niya ay hinawakan niya akong bigla sa braso na tila may sasabihin pa.
"Kung hindi lang ako pinatawag, ako na magdadala niyan... ang ga-gwapo ng mga nasa lamesang iyon!" saad niya sa akin na may gigil saka niya lang ako nilubayan.
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at diretso akong tumungo sa VIP table 15 gaya ng sabi ni Sissa. At tama nga siya, lima silang mga kalalakihan ang naririto at masasabi kong tunay nga namang makikisig.
Ngunit may isang lalaking natatangi sa kanila, naka-itim na longsleeve at nasa banda siyang sulok nakaupo at nakakapaso kung tumingin kaya hindi ko kinayang tagalan ang kanyang paninitig. Nag-iwas na lamang ako ng tingin dahil hindi ko magawang tagalan.
Papalapit pa lamang ako tanaw ko na sila at nasa akin na rin ang atensyon nilang lima higit ang lalaking kakaiba kung tumingin.
"Good evening, gentlemen. Ito na po ang mga order niyong drinks," bati ko sa kanila na may pagka-pormal ngunit batid ang paggalang.
Maingat kong inilapag ang mga inumin ngunit ramdam ko ang kanilang paninitig sa akin, sa bawat galaw ko.
"Good evening beautiful... what's your name?" tanong ng isang naka-mint blue longsleeve rin.
Mukang mga galing pa sila ng opisina. I must say, all of them looks expensive men. Mukang may sinabi talaga sila sa buhay.
"I'm Tyla, your waitress for tonight," pakilala ko sabay pakita ko ng aking name tag na naka-pin sa uniform kong suot.
"I already saw your name on that tag but I just wanna hear it from you... can I invite you to sit with us?" tanong muli ng lalaking naka-mint blue.
Hindi na gaanong kalakas ang music mula rito dahil medyo dulo na ito kaya malinaw kaming nagkakairinigan.
"Paunmanhin po, pero waitress po ako rito hindi entertainer. P'wede ko kayong itawag ng ibang—"
Hindi ko na naituloy ang kaputol ng sasabihin ko nang magsalita ang lalaking naka-itim na nananatiling kakaiba kung tumingin sa akin.
"Sit here... with me," tunog utos iyon at tinap niya ang kanyang bakanteng gilid kung saan niya ako gustong maupo.
"Sir, hindi po talaga p'wede..." giit ko.
Ilang sandaling nanaig ang katahimikan, ang atensyon ng mga kasama niya ay nasa kanya at saka tumingin ang mga ito sa akin na tila may tensyon silang nararamdaman para sa akin.
"Miss, if I were you, mauupo na lang ako sa tabi niya if you don't want yourself to get into trouble," payo sa akin ng lalaking katabi nito na mukang seryoso at hindi palabirong tao.
Tama siya, I don't want myself to get into trouble, alam ko na ang kasunod nito kapag nagpumilit pa akong tumanggi, i-re-report ako sa manager nitong club at siguradong hindi naman ako ang kakampihan kundi ang mayayamang customers.
Kung ang pagtanggi ko ang magiging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabahong ito, papayag na lang akong mag-pa-table sa takot ko lang mawalan ng trabaho.
Table lang, Tyla. Walang masama sa table. Kinukumbinsi ko ang sarili ko sa aking isip upang h'wag kabahan.
They are watching my hesitating face, pero sa huli nagdesisyon akong pumayag na lang.
"I will tell my manager first na ti-table po ako sa customer sa unang pagkakataon," saad ko bilang paalam sa kanila sandali.
"No need, kami nang bahala," saad ng lalaking kaninang naka-mint blue at ginawaran niya ako ng magaang ngiti.
Hinubad ko ang suot kong apron at nilapag ko rin ng hawak note pad sa lamesa kasama ang ball pen.
The man in black longsleeve watching my every move very carefully. Hindi niya inaalis ang nakakapaso niyang tingin sa akin. Mula paa hanggang ulo, sinusuri niya ako.
Naupo na ako sa tabi niya kagaya ng gusto niyang mangyari, naiilang man ay sinikap ko maging natural lang. Tanging siya lang ang katabi ko dahil nasa pinakadulo niya ako pinaupo.
Ang mga kaibigan niya ay dumistansya at hindi na nag-abalang tingnan ako. Lumikha sila ng kanya-kanyang usapan na tila binigyan nila kami ng sarili naming mundo.
Sa ilang buwan ko nang pag-ta-trabaho rito sa club ngayon lang ako pumayag makipag-table dahil pakiramdam ko ngayon kapag hindi ko pinaunlakan ang lalaking ito may kakayanan siyang ipagtanggal ako sa trabaho.
Iyon ang labis kong kinatatakot, mawawalan ako ng stable income na ipinangtutustos sa Lola at kapatid ko.
"Do you know me?" biglang tanong niya na para bang isa siyang kilalang tao.
"H-Hindi po..." marahan kong sagot.
Natigilan naman ang mga kasama niya nang marinig nila ang sinabi ko. Para bang dapat kilala ko ang lalaking nasa aking harapan.
"I'm Henrix Salvatore," pakilala niya sa kanyang sarili buhat ng malagong at mababa niyang tinig.
Masiyado siyang malapit sa akin na kulang na lang gitgitin niya ako. Ngunit agad namang rumehistro ang pangalan niya sa akin...
Henrix...
Nanlaki bigla ang mga mata ko.
Henrix Salvatore, ang kilalang mayamang negosyanteng nangunguna ang pangalan sa larangan ng negosyo... may-ari siya ng mga kilalang establisyimentong nagbebenta ng iba't-ibang uri ng mga alahas.
May-ari din siya ng iilang malalaking minahan at hindi maipagkakailala kung gaano talaga ito kayaman. Ang alam ko hindi lamang iyon ang kanyang mga negosyo, marami pang iba.
Ngayon ko lang siya personal na nakita kaya hindi ko agad siya nakilala, nakikita ko siya madalas laman ng internet ngunit dahil medyo dim ang ilaw rito sa club hindi ko kaagad nakilala ang kanyang mukha.
"Mr Salvatore... " sa wakas ay naibulalas ko.
"You look shocked," puna niya sa akin.
"S-Sino pong hindi magugulat na kayo ang kaharap ko ngayon? It's such a privilege, Sir Henrix!" saad ko na kung kanina ay kabado ako ngayon ay galak na galak ako.
Natawa siya ng bahagya sabay inom ng matapang na alak mula sa hawak niyang baso, saka siya muling tumitig sa akin.
"How old are you?" he asked me in a cool tone which made me gulp in nervousness.
"Eighteen po..." sagot ko na halos pabulong na.
Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga at ang mukha niya ay bahagyang dumilim.
"Bakit dito ka nag-ta-trabaho?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim. "Kailangan po Sir at kailangan kong kumita para ipang-suporta sa Lola at kapatid ko," sagot ko sabay yumuko ako upang iwasan ang paninitig niya.
"Nag-aaral ka pa?" muli niyang tanong sabay lagok muli ng alak sa baso.
"Hindi na po, pero balak kong pumasok ng kolehiyo sa susunod pong taon," sagot ko at nanatiling nakayuko.
"Look at me," utos niya nang mapansin niyang kanina pa ako nakayuko kaya wala na akong nagawa kundi salubungin ang tingin niya.
Ewan ko ba pero pakiramdam ko ang bilis niya akong mapasunod kagaya na lang kanina na nagawa niya akong paupuin dito sa tabi niya kahit na ayaw ko noong una.
"So, you are the bread winner of your family at this young age," napagtanto niyang sinabi sa akin.
"Ganoon na nga po, wala po akong pagpipilian kundi magsikap at kumayod para sa pamilya ko," saad ko na ikinatango-tango niya.
Hindi ko naman itinatago o inililihim sa tao ang estado ng buhay ko sa tuwing mayroon nagtatanong dahil iyon naman ang totoo na isang kahig at isang tuka lang kami at kung hindi mag-ta-trabaho hindi na kakain.
Muli siyang sumimsim sa baso ng alak. His lips turned into a thin lines because of the strong liquor he drank. Saka siya muling tumingin sa akin.
"Do you need money?" tanong niya at sa pagkakataong ito may nababasa akong kung ano sa mga mata niya.
"Sinungaling ako kung sasabihin ko pong hindi. That's why I'm working hard, para po sa pamilya," tapat kong sagot hindi para kunin ang simpatya niya kundi dahil iyon naman talaga ang totoo.
"I have an offer. Kung tatanggapin mo, kailan man hindi ka na mahihirapan pa sisiguraduhin ko iyan," saad niya na tila ba determinado siya sa iaaalok niya.
Hindi ko naman napigilan mapaawang ang aking bibig. Anong klaseng offer? Parang kutob ko na pero gusto ko mula sa kanya manggaling para makasiguro na baka nagkakamali lang ako ng iniisip.
Pero kahit sino naman sigurong babae ang sabihan ng ganito, iisa lang ang papasok sa isipan gayong nuknukan ito ng yaman.
"A-Anong offer, Sir?" nauutal kong tanong.
"Be my woman, and I will give you everything you need and everything you want including your family I can make their life comfortable like what you want for them, but in exchange you will submit yourself to me... willingly." Walang paligoy-ligoy niyang sagot.
Laglag ang panga kong napatitig sa seryoso niyang mukha na walang halong bahid ng biro dito.