Nagising akong nananakit ang aking ulo, ilang sandali muna akong nanatiling nakapikit at saka nagmulat. Ano nga ulit ang nangyari? Manumbalik sa isip ko kung bakit ako nawalan ng malay... Henrix used violence against me. Nagising ako, umaga na. Naalala ko may pasok pa ako pero makakapasok ba ako sa lagay kong ito? "Tyla..." Ang mapanuyong boses ni Henrix ang narinig kong bumungad kaya bumaling ako sa gilid ko kung saan pala siya naroroon. I looked at him in horror at autamiko akong napabalikwas ng bangon kasabay nang pag-atras sa sulok ng head board. "H'wag kang lalapit!" Nahihintakutan kong pagtataboy sa kanya. Ayaw kong mahawakan niya ako! "Gusto mo ba bumisita kina Lola Pacita at Lance? Pupuntahan natin sila," tila ba isa iyong pampalubag loob matapos nang ginawa niya. Umiling a