CHAPTER TWENTY-SEVEN

1593 Words

"P-Papaanong nangyaring..." naguguluhang tanong ni Lola na hindi niya na naduksungan dahil sa pagkabigla at nagpa-lipat-lipat na lang muli ang tingin niya sa amin ni Henrix. "Lola, mahabang istorya po, saka ko na ilalahad sa inyo ang kabuang nangyari kapag ganap na kayong magaling." Nilihis ko na ang usapan dahil ayaw ko siyang biglain. Hindi tunay na mahaba ang istorya ng pagkakakilala namin ni Henrix, sa toto lang, napakabilis ng pangyayari nang sa isang iglap lang ay nabago niya ang buhay naming mag-lolola. "Apo, h'wag naman sanang may katotohanan itong iniisip ko," makahulugang saad niya sa akin at alam ko na ang ibig niya ipabatid. May hinala na siya kung ginawa ko. Kilala ako nito na hindi basta gumagawa ng desisyon na hindi pinagiisipan, sa dami na nagtangkang manligaw sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD