"I'm warning you, Tyla... no boys," babala niya habang pailalim na nakatingin sa akin habang kasalukuyan kaming nagbibihis. Kalalabas lang namin ng banyo at saglit na naligo, siya ang nagpaligo sa akin. Kahit na doon sa loob ay hindi ako nakaligtas nang humirit pa siya sa akin ng round 2. Napalunok naman ako sa sinabi niya habang nagsusuot ako ng panty at bra. Naupo ako sandali sa kama. "Paano kung sila ang lumalapit sa akin para makipag-kaibigan? Si Lester naman ay may relasyon kay Zabel kaya hindi mo ako dapat na pag-isipan ng masama, hindi malabong maka-encounter ko siya madalas sa campus dahil nasa iisang lugar lang kami," paliwanag ko sa kanya sa ubod ng baba kong boses at puno ng kalamyusan. Baka sakaling maintindihan niya. Humarap siya sa akin matapos niyang magbihis, nakasuot