CHAPTER EIGHT

1504 Words
Iginaya niya ako sa loob ng magarang bahay. Kung maganda sa labas ay mas maganda sa loob. Ang mga gamit dito ay hindi maikakailang talagang mga mamahalin. Nilibot ko ng tingin ang bawat sulok ng bahay, nasa living room pa lamang kami, hindi ko pa nalilibot lahat ngunit masasabi kong tirahan pa lang nakikita na kung anong estadong meron siya sa buhay. "You like it?" tanong niya habang pinagmamasdan ang reaksyon ko. Tumango ako. "M-Maganda at magara..." malumanay ang boses kong sagot sa kanya. Tumungo kami sa kusina at doon mas namangha pa ako, nandito na lahat at kumpleto na. Puno ang kitchen at ang gandang tingnan. Nakaayos lahat ng mga kagamitan, ang refrigerator ay halos kasing laki ng aparador namin sa bahay. Sigurado akong marami at puno laman nito sa loob. "Are you hungry?" tanong niya na ikinatango ko dahil totoong gutom na ako kanina pa. "I'll cook for us, then." dagdag niya. Naupo na ako sa high chair ng counter table at doon pinanuod siya kumilos sa kusina. He started to put out a pan from a cabinet. "A-Anong lulutuin mo?" tanong ko kahit nahihiya ako magsalita. Iwanawaksi ko na ang hiya ko dahil ayaw ko naman maging pipi tuwing kaharap ko siya. Kailangan ko nang masanay. Kinailangan. "Do you have a request? Tell me, I'll cook it for you," he asked in his sweet tone and offered to cook it for me. "Hindi naman ako mapili sa pagkain, kahit na anong lutuin mo ayos lang," sagot ko habang mataman ko pa rin siyang pinapanuod. Hindi na siya nag-abalang tingnan ako dahil abala na siya sa ginagawa kaya nagkaroon ako ng pagkakataong lihim na pagmasdan siya. Naghihiwa siya ng sangkap na gagamitin, naglabas din siya mula sa ref ng isang balot ng beef ata iyon at iilang gulay. Hindi naman sinasadyang naagaw ng pansin ko ang kanyang muscle reflexes habang naghihiwa. Every bit of his angle is so masculine and his biceps looks full and strong. Iyung tipong kayang-kaya ka niyang buhatin kahit isang kamay lang, ganoon siya katikas kung titingnan. Bahagya kong natampal ang magkabilang pisngi ko dahil sa naisip kong iyon kasabay ng pagbuntong hininga. Ano ka ba, Tyla? Nag-uumpisa ka na bang ma-attract sa kanya? Napalingon naman siya sa akin at nagtatanong ang mga mata niyang tiningnan ako ngunit hindi siya ganap na nakaharap sa akin. "What's wrong?" Kunot noong niyang tanong. Umiling ako. "W-Wala naman... medyo nararamdaman ko na ngayon ang pagod sa buong maghapon," sagot ko na pawang kasinungalingan lang. Hindi nga ako nakakaramdam ng pagod dahil masiyadong okupado ang isip ko sa pagiisip sa biglaang pagbabago ng buhay namin ng pamilya ko. "Mabilis lang 'to, then kakain na tayo and after that siyempre hindi ka pa p'wedeng magpahinga," saad niya na may ibig ipabatid sa huli niyang sinabi. H-Hindi niya ako pagpapahingahin? "H-Huh? A-Anong—" "Later it's payback time Tyla, it's now your turn to do your job," pilyo niyang sinabi nang hindi niya ako patapusin sa sanang itatatanong ko. Oo nga pala... bakit ko nga ba nagawang kalimutan na mamaya na siya maniningil? Napatikhim ako at nakaramdaman na naman ng kaba at pagka-ilang. Paanong gagawin ko mamaya? Anu-ano kaya ang ipapagawa niya sa akin? Kinakabahan ako... Hindi ko namalayang tapos na pala siya magluto. Ang bilis. Siya na rin ang naghain, tutulong sana ako ngunit pinaupo niya na lang ako at h'wag na raw ako kikilos kaya hinayaan ko na siya. Umupo na siya sa silyang kaharap ko, nilagyan niya ng pagkain ang mga plato namin at agad naman akong nagpasalamat. Nag-umpisa na kaming kamain nang magsalita siya. "Makakapag-adjust ka rin sa mundong ginagalawan ko, Tyla. Unti-unti ka na rin masasanay." Nahalata niya sigurong ang mga kiming pagkilos ko na tila naiilang at naninibago. Naalala ko tuloy ang kaninang pakiramdam ni Lance nang ihatid namin siya sa bagong bahay nila ni Lola. Iyung tipong hindi rin ako nababagay sa ganitong ka-komportableng buhay gayong hindi ko naman ito pinaghirapan? May ganoong pakiramdam ako ngayon ngunit anong magagawa ko, ito na siguro ang kapalaran ko, ang maging babae ng isang mayamang tao para umasenso. "Kailangan ko nga sigurong m-masanay," may pagaalangan kong sinabi sa kanya matapos kong lumunok. "Let's talk about my house rules." Ngayon ay bumalik na siya ulit sa pagiging seryoso, tuwing ganito ang tono ng kanyang mga salitaan nag-iiba ang pakiramdam ko. "A-Anu-anong... rules iyon?" nauutal kong tanong. "First, you can't leave this house without my permission," panimula niya na ikinaawang ng bibig ko. Sa madaling salita, wala akong sariling desisyon kung saan ko gusto pumunta? "W-Wait... bawal ako lumabas, ganoon ba ibig mong sabihin?" tanong mo upang mas malinawan. "Makakalabas ka kapag may pahintulot ko, kapag wala, hindi ka lalabas. Naiintindihan mo na?" Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "P-Paano kung g-gusto ko bisitahin sina Lola at ang kapatid ko?" Nahihintakutan kong tanong na baka kahit pag-bisita ko sa pamilya ko ay pagbawalan niya ako. "Walang problema, makakalabas ka para bisitahin sila. You will have your personal driver na maghahatid sundo sa 'yo kapag pupunta ka sa kanila pero hindi ka p'wede pumunta kung saan-saan." Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano sa sinagot niya. Ganito pala... ikukulong niya ang babae niya rito. Naalala ko na ang sinabi niya kanina na gusto niya siya lang ang may access sa mga pagmamay-ari niya. Ikukulong niya pala ako rito. Iyon ang ibig niyang sabihin. Pero paano ang plano kong mag-aral? Akala ko ba... "Paano naman ang plano kong magpatuloy sa pag-aaral?" tanong ko sa kanya. "Tutuparin ko ang ipinangako ko sa 'yo, Tyla. Mag-aaral ka kung saan University mo gusto pero may kundisyon," sagot niya habang ang mga mata niya'y mapanantiyang nakatitig sa akin. "A-Anong kundisyon naman?" "Ayaw na ayaw ko ay iyung pag-aaralin ko tapos 'di naman pag-aaral ang aatupagin. Kapag nalaman ko o may nakarating sa 'kin na lalaki ang inaatupag mo sa eskwelahan, I will stop you from studying at that University at ang mas malala pa ay maaapektuhan din ang financial support ko sa pamilya mo. Do you understand my terms?" Agad akong tumango sa sinabi niya, takot ko lang putulin niya ang sustento sa pamilya ko kaya susunod ako sa anumang gusto niyang mangyari. "O-Opo... hindi ako... manlalaki, hindi ko iyon gawain," paniniguro ko sa kanya upang h'wag niya ako pagisipan ng masama. Tumayo siya at unti-unting lumapit sa akin kaya napatingala ako habang sinusundan siya ng tingin. "H'wag ko malalaman o makikita, Tyla. I don't want my baby being touched by another man unless it's me," he said while he's stepping closer. Nagulat ako kasabay nang pagsingahap nang hawakan niya ng mahigpit ang panga ko gamit lang ang isang kamay. I looked at him in wide eyes. "Iyan ang numero uno kong patakaran sa pamamahay na 'to, Tyla. Don't mess up with Daddy, don't allow yourself to be touched by other men or else I will break you, I will break you until you begged me to kill you." He said with gritted teeth. Halos tumigil ang paghinga ko nang umahon bigla ang takot sa akin. Marahan na lamang akong napatango at hindi ko na namalayan na may naglandas na palang luha sa aking magkabilang pisngi. Hindi ko na rin alintana ang mariin niyang paninitig sa akin. Ito, Ito ang isa sa kapalit ng yaman, Tyla. Aalisan ka niya ng layang gawin ang gusto mo at kailangan alam niya lahat ng natakbo sa isip mo kung ayaw mong mas magdusa ka. Ngayon, kung iisipin napaganda nga ang naging pagbabago sa buhay namin ng pamilya ko ngunit husto ang takot kong magkamali sa paningin niya dahil kapalit no'n ay mas matinding paghihirap ang haharapin ko kapag hindi ako umayos. Kailangan kong maging sunud-sunuran kahit na labag sa loob ko. Napayuko ako nang bitiwan niya na ang panga ko. Pinunasan ko ang luha sa magkabila kong pisngi gamit ang likod ng palad ko, hindi ako makapag-angat ng tingin sa kanya matapos ng mga sinabi niya at muli ay hinawakan niya naman ang baba ko dahilan para mapatingala ako. "Go to our room and take a bath, hintayin mo 'ko ro'n and I want to see you naked and laid on the bed while your legs are open once I enter," utos niya sa akin kaya wala na akong sinayang na oras at agad na akong tumayo. Nilunok ko na lang ang hiya ko nang sabihin niya iyon, ang mahalaga ngayon sa akin ay kahit na ilang minuto man lang mawala ako sa paningin niya dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga. Sinunod ko siya at umakyat na ako sa silid na sinabi niyang pasukan ko. Ang pinaka-unang pinto raw na makikita ko, iyon na ang kwarto niya... namin. Pagkapasok ko ay hindi na ako nag-abalang libutin ng tingin ang kabuan ng silid, diretso na akong pumasok sa banyo. Hinubad ko na ang damit ko kasama na rin pati mga huling saplot. Pinagmasdan ang aking sarili ko harap ng malaking salamin. "Kayanin mo, Tyla... He's now going to take you, not just your body but including your soul."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD