Ilang minuto munang prinoseso ni Bettina ang mga sinabi ni Luis. Nang maintindihan na niya ang ibig nitong ipahiwatig ay agad siyang napatayo nang tuwid. Bigla ay naalala niya ang eksena kung saan narinig siya nitong nakikipag-usap sa kanyang cell phone. Yes, she was talking to someone that time. Naalala niya rin ang masuyo niyang pakikipag-usap noon. And it was because it was her son that she was talking to. Lagi na ay masuyo at malambing siya kung makitungo dito. Idagdag pa na nakaugalian na rin niya ang gumamit ng endearment para kay Jaime. At naalala niya na narinig nga ni Luis iyon. That he even asked her if she was talking to her boyfriend that time. And yes, he heard Jaime's name! Inaakala ba talaga nito na ang Jaime na kausap niya noon ay kanyang kasintahan? Na ngayong nakaharap