HIndi mapigilan ni Luis ang pagdikit ng kanyang mga kilay habang nakatitig kay Atty. Sallena. Mataman niya itong tinitigan sa mukha. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-iwas ng mga mata nito sa kanya. Because of what he did, Luis realized that Atty. Sallena knew what he was thinking. Ngunit isinantabi niya muna ang ilang mga katanungan na pumasok sa kanyang isipan. Ang kanyang paningin ay bigla nang natuon sa babaeng bagong pasok sa opisina ng taong kasalukuyang kausap niya. Luis looked at her face--- ang babaeng sa loob ng ilang gabi ay laman ng isipan niya noon, anim na taon na ang nakalilipas. At nang muli silang nagkita sa bayan ng San Sebastian nang umuwi ulit ang dalaga ilang araw na ang nakararaan ay muli nitong niligalig ang kanyang isipan. Si Bettina! Mula sa pagkak