CHAPTER 18

2100 Words

Nang sumunod na araw ay mas inabala na lamang ni Bettina ang kanyang sarili sa mga gawain sa kanilang pag-aaring restaurant. Lagi na ay nais niyang masiguro na maayos ang lahat pagkabukas pa lamang ng kanilang establisimiyento hanggang sa magsara iyon. Ngayong siya na ang namamahala ng negosyo na pag-aari ng kanyang ama ay hindi niya nais na masira ang tiwala na ibinigay sa kanya ni Emmanuel. He gave her the privilege to manage his business at hindi niya nais na magsisi ito na ginawa iyon. She was too busy that day. Matapos ng naging pag-uusap nila ni Luis kahapon sa gusaling pag-aari ng pamilya nina James ay halos hindi na mapakali si Bettina. Pilitin niya man na iwaksi ang binata sa kanyang isipan ay nahirapan siyang gawin. Maya't maya ang panggugulong ginagawa nito sa kanyang sistema.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD