Manghang napatitig si Bettina sa mukha ni Luis nang marinig niya ang mga sinabi nito. Mula sa pagtitig sa may lagoon ay tuluyan na niyang hinarap ang binata. "I am sorry? H-Hindi ko maintindihan," naguguluhan niya pang wika dito. "What do you mean by that---" "This is my place, Bettina," agap na sa kanya ni Luis. "I own this cafeteria." Marahas niyang naigala ang kanyang mga mata sa kabuuan ng paligid dahil sa inamin nito. Ito... Itong cafeteria na ito ay pag-aari ni Luis? Sa kanya ang negosyo na ito? Yes, katulad ng una na niyang puna sa establisimiyento ay halatang bagong umpisa pa lamang ito. Kakaunti pa lamang ang empleyadong mayroon ito sa ngayon. Maliit lang din ang espasyo nito kumpara sa ibang establisimiyentong napuntahan na niya. But nevertheless, the place was great. Magan