"Where are we going, mom?" tanong sa kanya ni Jaime na puno ng kuryosidad ang mukha. Bigla ay nahinto si Bettina sa paglalagay ng lipstick sa kanyang mga labi. Mula sa repleksiyon ng salamin ay nakita niyang mataman na nakatitig si Jaime sa dalawang backpack na nasa ibabaw ng kanyang kama. Katamtaman lamang ang laki ng dalawang bag. Ang isa ay ilang damit ni Jaime ang laman samantalang ang isa ay sa kanya naman. Dala niya rin ang kanyang laptop at ilan pang personal na gamit. Kahit weekend kasi ay tinitingnan niya rin kung may nagpapa-book sa catering service na inaalok ng Villamor Italian Cuisine. Nakabihis na rin ang kanyang anak. Katunayan ay kanina pa ito nagtatanong kung saan sila pupunta. Hindi niya lamang ito masagot nang maayos sapagkat kahit siya ay hindi rin alam kung saan sil