Nang makaupo si Bettina sa may witness stand ay agad niya munang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib. Kinakabahan siya, sa totoo lang. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Pero hindi na siya dapat pa na umatras. Kailangan niyang ituloy ang napag-usapan nila ni Atty. Manzano. She needed to do this. Maliban sa ito ang tamang gawin ay ito lang din ang tanging paraan upang mapawalang sala si Luis, ang ama ng kanyang anak. Gusto niyang maabswelto ang binata para kay Jaime. Alam niya na lubos na ikatutuwa ng kanyang anak kapag nagkita muli ito at ng totoong ama. At mangyayari lamang iyon kung matatapos na ang lahat ng ito. She looked at Luis again. Nasa unahan na siya at mula sa kanyang kinauupuan ay kitang-kita niya ito. Nasa mukha ng binata ang pag-aalala para sa kanya, kung bakit ay hindi