"You, son of a b***h!" bigla ay marahas na saad ni James. Galit na galit itong tumayo mula sa kinauupuan at tinitigan si Luis sa halos naniningkit na mga mata. Ni hindi na alintana ng kanyang kasintahan ang mga taong kasama nila sa loob ng silid na iyon. Hindi na rin nito naisip pa kung nasaan sila nang mga oras na iyon. Lumukob na dito ang galit dahil sa mga sinabi niya kanina. James angrily walked towards Luis' direction. Dahil sa magkatapat lamang ang kinauupuan ng kampo ng biktima at ang kampo ng nasasakdal ay halos ilang hakbang lamang ang kailangan gawin ni James upang malapitan si Luis. Ngunit bago pa man iyon tuluyang magawa ni James ay mabilis nang pumagitna si Atty. Manzano. Tumayo ang abogado ni Luis sa gitna ng aisle bago pa man tuluyang makalapit ang kanyang nobyo sa kliyen